Chapter 20

39 3 0
                                    

Ellah's POV

Kakalabas ko lang sa dorm ko ng lumabas din si Erron sa dorm niya. Hindi ko nalang siya pinansin at nauna na dahil wala ako sa mood ngayon. Pano ba naman kasi, dalawang araw kung hinabol ang mga napag-iwanan kung gawain. Tas pinahirapan pa ako ng mga trainor sa training. Tsk. Wala na nga akong naging maayos na tulog eh. Pero ayos na rin dahil wala na akong dapat pang hahabulin sa bawat subject at training.

Pagdating ko sa classroom ay si Claw at Kent palang ang nasa loob. Simula nung tinulungan ko sila sa pagpawala ng kemikal sa katawan ni Cryton ay hindi pa kami nag-iimikan. Kung iisipin nga ay ngayon pa lang ulit kami nagkasama ng mga kaklase ko sa isang lugar. Hindi ko na rin kinamusta si Cryton dahil alam kong maayos na iyon.

"Hi Ellah! Kamusta ang training mo nung Sabado at Linggo?" Napasimangot naman ako at napabuga ng hangin. Gusto ko na ngang kalimutan yun eh, tas itatanong pa. Napairap naman ako ng makita siyang tumawa.

"Hmmp. Anong nakakatawa?" Ani ko at umupo sa pwesto ko.

"Haha masasanay ka din sa training dito. Strikto lang talaga ang mga guro sa kani-kanilang mga pinapagawa sa atin lalo na dahil tayo ang nangunguna sa buong paaralan." Ani ni Kent.

Hindi ko na siya sinagot dahil pumasok na si Damein at Erron. Hindi na ako nagtaka na wala si Tyron dahil siya lang naman ang mag-aalaga sa kakambal niya.

Pumasok na si Gladenn Scort sa silid ng bigla niyang itanong sa amin kung nasaan ang kambal. Pero hindi nakaligtas sa paningin ko ang pag-taas ng sulok ng labi niya. So tama nga ang nasa information na ibinigay nila sa akin na ang buong Preceptors and Trainers ng Dominiarium ay hindi lang basta-basta dahil kasali sila sa councils ng sekretong grupo na nasa likod ng akademyang ito.

Sumagot naman si Kent na hindi maganda ang pakiramdam ni Cryton at si Tyron ang nag-aasikaso dito. Tumango tango naman ito at binaling sa akin ang paningin sandali na para bang may ginawa akong nakapag-palito sa kanya. Tss.

Dumaan ang ilang academic subjects namin sa buong umaga na ganoon ang tinatanong ng mga Preceptors. Akala seguro nila ay hindi namin alam na sila ang nagpadala ng pumana kay Cryton. Kahit pa seguro na iniisip ng mga kaklase ko na baka ibang tao yun na may galit lang sa kanila, alam kong mula ito sa councils.

Nung binasa ko ang mga files tungkol sa paaralan ay hindi ko maiwasang kabahan. Pero hindi parin ako mapakali. Dahil segurado akong katiting palang yun sa sekretong meron ang akademyang ito. Katiting palang.

Third Person's POV

Sumapit na naman ang gabi ng magsilitawan ang mga estudyanteng may kanya-kanyang layunin.

Makikita sa tinatawag na Dark Arena ang halos lahat ng mga estudyanteng halang ang kaluluwa sa pakikipaglaban. Ang dark arena ay ginawa para sa mga gangsters na gustong kumita ng pera o di kaya'y ang pumatay.

Hindi naman kasi basta-basta ang mga estudyanteng nakakapasok dito. Dahil mabibilang lang sa daliri ang mga nakapasok dito na estudyante na walang alam sa Underworld Society.

Nakapwesto sa madilim na sulok ang dalawang lalaki na nagmamasid lang sa paligid. May kailangan silang manmanan dahil napag-alaman nilang iisa-isahin sila ng buong council. Tama, ang mga lalaking ito ay kabilang sa Dominiarium class. Si Damein at Claw.

Ngunit hindi nila napansin ang anino ng isang taong kanina pa napapansin ang kanilang presensya kahit pa itinago ito ng dalawa. Napangisi ang taong nagmamay-ari ng anino dahil batid nito kung ano ang pakay ng dalawang lalaki.

Naghiyawan agad ang mga manunuod ng makitang ginilitan ng lalaki ang kalaban nito. Kasalukuyan kasing may naglalaban sa gitna ng arena at ang kasunduan ay kill or be killed. Nakadepende kasi sa naglalaban kung ano ang magiging rules ng laro. Pwedeng patayan, pwede namang pustahan lang. Kill or be killed, and Winners takes it all. Simple lang ang mga rules na ito para sa mga estudyanteng nasa loob ng arena.

Yan ang nangyayari sa arena kada gabi. Pero isang beses kada buwan ay ginaganap ang rankings ng bawat gangster. Sa panahon din ng rankings ay nanonood ang mga councils sa laban, kaya mas lalong kapanapanabik.

At kada tatlong buwan naman ay ginaganap ang drag racing. Kung sa rankings ay hindi pwedeng makialam ang hindi kasali sa laban, sa drag racing ay pwede. Be in the finished line or be the in the finished life. Para siyang survival of the fittest dahil ang bawat manunuod ay kanya-kanyang gagawa ng paraan para makaabot sa finished line ang kanilang ipinustang kalahok. Kahit pa sabihing papatayin ang ibang kalahok. Sa larong ito ay dapat may representante ang bawat section, dahil kung wala ay kailangang may isakripisyo silang buhay mula sa grupo bilang parusa.

Habang nagmamasid si Damein ay napansin niya ang taong nakasuot ng kulay puting cloak. Napansin din ito ni Claw pero sa isang kurap lang ay nawala ito sa kanilang paningin.

Nawala ang atensyon ni Claw at Damein sa paligid ng may tumawag sa kanila. Conference call to be exact.

"May misteryosong tao na pumunta dito sa dorm ni Kent. Pero ang ikinataka namin ay dinaplisan lang siya ng dala nitong kunai sa leeg saka nawala."

Agad nagkatinginan ang dalawa ng marinig ang ibinalita ni Erron sa kanila. Kaya agad na silang nagmadaling umalis.

Clawennon's POV

"Huli na ng maramdaman kong may dumaplis sa leeg ko sa sobrang bilis ng kilos ng taong yun. Pero ang ipinagtataka ko ay pagkatapos niya akong madaplisan ay nawala nalang ito sa isang kurap." Pagkwento ni Kent sa nangyari.

"Nakita mo ba ang itsura ng taong yun?" Ani ko. Ano ang motibo ng taong yun?

"Hindi. Ni hindi ko nga naramdaman ang presensya ng taong yun. Nakasuot ito ng kulay puting cloak at hindi ko malaman kung babae ba o lalaki ito." Sagot nito. Nagkatinginan naman kami ni Damien.

"Kanina sa arena, may nakita rin kaming nakacloak na tao. Alam naming sa amin ito nakatingin pero hindi namin maaninag ang itsura at postura nito dahil malayo siya sa pwesto namin." Saad ni Damein.

"There's a possibility that it's the same person who did this to Kent." Sabay kaming napailing ni Damein sa sinabi ni Erron.

"It's not. As the mysterious person escape from our sight, you guys called us telling the news about Kent." That's true. Imposibleng magagawa niya yun ng ilang minuto lamang.

"Nasaan na ang kunai na ginamit sa kanya?" Bigla kong sambit pero nagkatinginan lang sila at nag-siilingan. Kaya napakunot ako ng noo.

"May kadenang nakakabit sa kunai na ginamit sa kanya kaya walang ebedinsyang naiwan ang taong yun. Kaya nakuha niya rin kaagad ang kunai." Ani ni Tyron.

"Wala namang kakaibang lason o kemikal sa sugat niya. Parang sinadya lang talaga siyang sugatan non." Naguguluhang dagdag ni Tyron. Napaisip naman ako. Imposibleng mangyari yun. Ano yun, trip niya lang? Saka kung nasugatan niya si Kent ng hindi man lang nakapanlaban, isa lang ang ibig sabihin non. Hindi siya basta-bastang tao.

"It's a warning." Napatingin kami kay Erron.

"Why do you say so?" Tanong ko dito.

"Ang pagdaplis niya sa leeg ni Kent ay nangangahulugang nasa panganib ang buhay niya." He has a point.

"Pero bakit niya naman gagawin yun?" Kunot noong tanong ni Tyron.

"We need to investigate about that. Knowing that the councils where trying to manipulate and experiment us, we should be more cautious than before." Napatango naman sila. But there's really something that I can't pin point.

Napabuntong hininga nalang ako. Ang raming nangyari ngayon. Si Cryton ay hindi pa din gumigising pero stable na naman ang kalagayan niya. Dumagdag pa ang misteryosong babae na iyon. Aisshh! Sumasakit na ang ulo ko kakaisip!

"Anyways, did you get any information about that Frerire girl?" Ani ko kay Kent.

"Hindi halatang interesado ka sa kanya Claw." Ngising saad ni Tyron. Buti na nga lang at bumalik na siya sa dating ugali na laging nakangisi.

"Tss. Lahat tayo Tyron. Lahat tayo." Ani ko dito. Tinaas niya naman ang mga kamay na parang sumusuko.

"Yes. May ilang nakuha akong info about sa school niya pero wala namang kakaiba ayon sa datang nakalap ko tungkol sa kanya." Ani ni Kent at kinuha ang laptop.

Detrimentum AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon