Ellah's POV
Sinalubong kaming pito ng napakaraming kalaban. Dalawang daan to be exact gaya ng sabi ni Blane Vhauogn. Kaya napahinga nalang ako ng malalim at naghanap na ng mapupwestuhan ko. Hindi naman seguro pwedeng magkalapit lang kaming lahat, dahil paramihan nga kami ng puntos.
Agad akong tumalon paatras ng sinugod ako ng napakaraming kalaban. Ayos lang sana kung wala silang dalang armas. Pero may dala silang iba't-ibang mga armas at sandata.
Gaya ng naisip kong plano, mabilis kong tinadyakan ang unang nakalapit sa akin kaya napaatras ito kaya agad kong ibinato dito ang kunai, gaya ng natutunan ko. Agad kong sinugod ang ilan pa saka mabilis na kinuha ang kunai na ibinato ko kanina.
Mabuti nalang at gumagana ang reflexes ko at agad na nasangga ang katana na poputol sana ng ulo ko. Nasipa ko naman ang isa pang kasama nito sabay atras at bato ng dalawang kunai ko sa mga ito.
Napakagat nalang ako ng labi ng madaplisan ako sa hita gamit at dagger ng kalaban. Mabilis kong tinanggal ang dalawang kunai at ibinato sa dumaplis sa akin. Mabuti nalang at tinuruan ako ni Blane kung paano umasinta at saan dapat ang tamang aasintahin para patay agad ang kalaban.
Siniko ko ang isa sa kalaban at binato ang nasa gilid ko sabay ng pagkuha ko sa isa pang kunai at sinipa naman ang nasa harap saka binato ng kunai. Mabuti nalang at stimulation lang ito kaya walang lumalabas na dugo mula sa mga kalaban. At malalaman rin naman namin kung sino pa yung hindi parin namamatay kahit natamaan na, dahil lahat ng natamaan ng tamang asinta ay nawawala nalang na parang hangin.
Pinigilan kong sumigaw ng matamaan ako sa tagiliran. Hindi ko parin lubos maisip na kahit hindi totoo itong mga kalaban namin ay nasusugatan parin nila kami. Mabilis akong humakbang pagilid at yumuko ng may tatlong sumugod sa akin sa likod. Hinila ko ang kalaban na nasa harap ko at tinulak siya sa tatlo kaya napa atras ang mga ito kaya kinuha ko ang pagkakataon na lumayo sa kanila.
Agad kong binato ang sumugod sa akin at mabilis rin siyang linapitan at kinuha ang kunai ng mawala sa hangin ang kalaban. Binato ko naman ang isa pa pero hindi siya nawala dahil daplis lang ang natamo nito kaya tinakbo ko na siya sabay bato ulit ng isa ko pang kunai. Mabuti nalang at natamaan ko na talaga ito sa leeg kaya nawala na rin. Mabilis ko namang nakuha ang isang kunai at ibinato ulit sa kumuha ng isa ko pang kunai.
Nang makuha ko na ang dalawang sandata ay tumalon ako ng mataas at sinipa sa panga ang dalawang kalaban at sumampa sa isa pang kasamahan nila. Agad kong binato yung dalawa at sinipa naman yung sinampahan ko patungo sa dalawang kasamahan niya para makuha ang dalawang kunai.
Sabay ng pagkuha ko ng dalawang sandata ay ang pagkawala ng kalaban sa harap ko. Kaya napatingin ako sa pumatay dito. Si Damein pala. Nagtanguhan lang kami saka binalik sa mga kalaban ang pansin. Hindi rin naman kasi basta-basta itong mga kalaban namin dahil S-level sila. Ikatlo mula sa pinakamataas na level ng stimulation.
Napansin kong konti nalang ang kalaban dahil sa bilis at galing ng mga kasama ko. At namamangha ako sa pinapakita nilang galing. Konting galos palang ang natatamo nila habang ako naman ay nagkaroon na ng napakaraming sugat. Pinapakita lang nilang hindi basta-bastang pagsasanay ang pinagdaanan nila. Habang ako naman ay nasa kalingkingan pa sa kakayahan na mayroon sila.
Tss. Go on Ellah. Comfort yourself.
Kalahating oras na ang dumaan ng malapit ng maubos ng mga kasama ko ang mga kalaban. Ako naman ay umupo nalang sa gilid dahil hindi ko na kaya ang pagod. Hindi ko naman ipagkakailang hindi ako katulad nila sa galing sa pakikipaglaban. Idagdag pang pagod na ako mula sa physical training test namin kanina kay Blake.
Si Kent ang may pinakahuling pinatumbang kalaban. Pero mabilis niya rin lang itong napatay lalo na at sinubukan itong patayin ni Tyron. Pero mabilis niyang napatay ito kaya naunahan niya parin si Tyron na ngumisi lang.
Sabay kaming napatingin sa glass na naghahati sa Dominiarium training area. Lumabas doon ang resulta ng trial. Mula sa may pinakamaraming napatay hanggang sa pinaka mababa. At si Cryton ang nangunguna. Specialty niya kasi ang long-range combat gamit ang mga sandatang kagaya ng kunai. Ayon na rin sa sinabi sa akin ni Tyron.
Result:
Crytone Albamar 43 Kills
Clawennon Friegier 33 Kills
Dameinnic Marken 32 Kills
Strikent Herrer 28 Kills
Cerroniell Friegier 26Kills
Athyron Albamar 23Kills
Ellah Frerire 15 Kills
Napairap nalang ako sa naging resulta. Naninibago ako na hindi makita ang pangalan sa pinakauna. What's worse is nasa pinakahuli pa. Mabuti nalang at nagseryoso ako sa lahat ng academic test namin kanina. Dito lang talaga ako sa physical training bumabagsak. Hayst.
"Ayos lang yan, Ellah. Makakabawi ka rin." Inirapan ko naman ang nakangising si Tyron. Naisipan pa talagang mang-asar. Tsk.
"Kailangan mo nang magamot." Napatingin naman ako kay Cryton ng lumapit ito sa akin. Kaya tinignan ko ulit ang aking mga sugat. Hindi naman siya malalalim pero marami-rami rin. Kaya tumango naman ako at tumayo. Mabuti nalang at tinulungan niya ako at inalalayan patungong locker area namin.
Nawala na rin ang stimulation kaya nawala na ang glass sa gitna ng area namin. Mabuti nalang at mabait si Kent dahil kumuha siya ng medicine kit at tinulungan nila akong linisin at gamutin ang mga sugat. Sumunod na rin ang mga kasama namin at ginamot na rin ang kanya-kanyang sugat. Mabuti nalang at dinala ni Erron ang back pack ko na siyang ipinagpasalamat ko kahit may halong pagtataka.
'They're weird.'
"Salamat. Ako na ang bahala. Kailangan niyo pang gamutin ang sarili niyong mga sugat eh." Saad ko kina Cryton at Kent. Mabuti nalang at tumango ang dalawa kaya ako na ang nagpatuloy sa paglalagay ng band aid sa mga sugat. Isa sa dahilan na pinatigil ko na ang dalawa ay dahil sa naiilang na ako sa kanila. Lalo na at ang ilan sa sugat ko ay nasa gilid at hita.
Tumayo na ako dala ang bag at pumasok sa sarili kong shower room para magbihis. Mabuti nalang at naisipan kong magdala ng jersey pants kaya komportable kong magagamot mamaya ang mga sugat ko sa binti. Nilinisan ko narin ang sugat ko sa gilid at binti kaya gamot at band aid nalang ang kulang.
Pagkatapos kong magbihis ng suot ay lumabas na ako at naabutan ang mga kasama kong nag sibihis na. Umiwas nalang ako ng tingin. Baka mapagkamalan pa akong manyakis. Mabuti na nga lang at immune ako sa ganyang tanawin kaya hindi ako naaapektuhan sa gandang katawan na meron itong mga kaklase ko.
Umupo ulit ako at pinagpatuloy ang paggamot sa sugat ko sa gilid. Pero nagtaka nalang ako na bigla nalang nagsialisan ang mga kasama ko kahit hindi pa sila tapos magbihis. Umiling nalang ako at ginamot rin ang sugat sa binti.
BINABASA MO ANG
Detrimentum Academy
Action"I may have an innocent looks. But you wouldn't want to know what lies inside." Don't be deceived by the outside. Always watch your back. Someone is watching you so beware of the person you befriend with. Don't trust to much, it might kill you. Show...