Ellah's POV
"So as I was saying, your trial for this time is called Riddles in the Maze. Pagpasok niyo sa loob ng Holographic maze ay may kakaharapin kayong pagsubok. Then after that, may mga silid kayong papasukan with different doors consisting one riddle per door. Three doors per room to be exact. Isa sa tatlong pintuan kada silid ay nakakonekta sa mas maikling daan palabas pero yun nga lang, mas mahirap na riddle ang kakaharapin niyo." Tumango naman kami sa sinabi sa isa sa mga trainer namin sa sports. Si Zino Willson.
Napahinga na naman ako ng malalim. Iba ang sports ng Academy na ito. Para bang pinaghalo dito sa training na ito ang lahat ng natutunan mo sa academic, physical, long range and short range combat. Yan ang sports dito.
"And you will only have fifteen seconds to answer per riddle. Kapag naabutan kayo ng time frame ay may consequence kayong haharapin at aatras kayo pabalik ng dalawang stage after that. Your points will be based on how fast you will get yourself outside the maze. Each one of you will choose different path from each other in order to have a fair game. So any questions?" Tanong naman ni Craieg Black. Apat kasi ang trainer namin dito.
"What if may hindi makakalabas sa maze hanggang sa matapos ang scheduled time sa larong ito?" Biglang tanong ni Tyron. Tumango-tango naman si Craieg.
"Well.." Pasuspensiya niyang sagot.
"We will give a fair punishment. And unlike Archer, we won't be lenient to anyone. New or not lahat ay dapat na maparusahan." Sabat ni Dionn Millers habang nakatingin sa akin kaya napaiwas ako ng tingin.
"How about our weapons?" Biglang sambit ni Erron.
"We will let you guys get your own weapon as many as you want. After that, we will let you get ready for thirty minutes before starting the game." Sagot naman ni Craieg Black. Natahimik naman kami.
"Is there any more questions?" Tanong ni Kyle Cheng. Wala ng sumagot sa amin kaya pinaghanda na nila kami. Mabuti nalang at ng dumating na yung in-order nga ni Damein ay binilhan niya rin kami.
Ang main Gym ay kasing laki lang rin ng Training arena. Pero dito ginaganap ang mga obstacle courses every end of the week or kung may mga event ang bawat section or the whole Academy. This gym is actually a convertable building. Pwede kasi itong gawing academy's function hall, open arena, plain room, or di kaya ay gym na may mga benches na pahagdan pataas.
Sa mga oras na ito ay kinonvert nila ang main Gym into a plain room. Wala kang makikitang mga benches. Parang katulad lang siya nung training area ng Dominiarium. Ang kaibahan lang ay walang mga shower o locker area dito. May mga silid naman sa back building ng gym kung saan doon nag eestay ang mga team everytime na ginagawa ang Sports fiest, wherein the students here will play the normal sports of a typical schools like playing ball games and such.
Ilang minuto pagkatapos naming mag meryinda ay pinalapit na kami ni Kyle Cheng sa kanila. Na enable na rin ang holographic maze na halos buong sakop na ang gym. Ang napili ko namang sandata na dadalhin ay katana, dagger at ilang kunai.
"You only have one hour and thirty minutes para makalabas sa maze. You should start now." Aniya kaya sabay kaming nagsipasok sa loob ng stimulation. At bumungad sa amin ang pitong magkaibang hallway
"Saan diyan ang pipiliin mo Ellah?" Napatingin ako sa nagtanong. Si Kent pala. Kaya sinuyod ko ng tingin ang pitong madilim na hallway.
"Sa gitna nalang ako." Sagot ko. Tumango naman siya.
"See ya later guys." Huling sambit ko at pumasok na sa hallway na nasa gitnang bahagi. Tumigil naman ako at lumingon sa likuran. Pero hindi ko na nakita ang mga kasama ko. Instead I was greeted by the darkness of the same hallway where I am standing.
Kaya ipinagpatuloy ko na ang pagtadlas ng daan. Pero napatigil ako ng makaramdam ng parang may sumusunod sa akin. Kaya mabilis akong lumingon. Pero wala naman akong nakita. Kaya ipinagpatuloy ko ulit ang paglalakad. At naramdaman ko na naman ang presensya sa likuran kaya mabilis akong lumingon. Pero isang madilim na hallway lang ang bumungad sa akin. Napayakap nalang ako sa sarili dahil sa ginaw. Para naman akong nasa hunted movie nito. Tsk.
Mabilis akong lumingon ng maramdaman kong nasa likod ko lang talaga ang presensya ng kung sino man. Muntik na akong mapasigaw sa bumungad sa akin. Paano ba naman kasi. Halos mahalikan ko na ang maskara ng taong alam kong kanina pang nakasunod sa akin.
Mabilis akong lumiyad ng subukan niyang hiwain ang tiyan ko, saka siya sinipa gamit ang dalawang paa. Mabuti nalang at mabilis kong naitungkod ang dalawa kong kamay sa matubig na sahig. Napaatras naman ang kalaban kaya umatras rin ako palayo sa kanya. Pero nabato ako ng bumangga ang likod ko sa isang malamig na katawan.
Wala sa sariling napalingon ako at nagulat sa nakita. Isang babaeng nakabitay habang nakamulat ang mata. At para bang binalatan ito. Agad akong napayuko ng maramdaman ang katana ng kalaban sa likod. Kaya ang naging resulta ay ang katawan ng babae ang nahiwa.
Agad kong tinanggal ang katanang nakalagay sa likod ko at hinampas ito sa lalaki pero mabilis niya lang itong nasangga. Kaya agad kong sinipa ang tuhod ng lalaki at pinaikot ang katana saka siya pinalo ng hawakan nito. Hindi niya iyon inasahan at napaatras kaya sinugod ko naman siya. Pero yumuko siya at nagpadausdus patungo sa likod ng babae.
I grit my teeth seeing that he made the woman's body as a shield. Kaasar naman oh!
Agad kong sinipa ang katawan ng babae kaya napaatras yung lalaking nasa likod nito. Ng makalapit na ako sa babae ay bigla niyang tinusok ang katawan ng babae hanggang sa lumagpas ang katana nito sa katawan ng babae. Muntik na akong nadali mabuti nalang at nakaatras agad ako.Halos maduwal na ako ng pinadausdus niya ang katana pababa sa katawan ng babae. Kaya nahati na sa dalawa ang katawan nito mula sa tiyan pababa. Napahinga ako ng malalim at agad na sinugod ang lalaki. Ginagawa niyang distraction ang katawan ng babae.
Ilang saglit pa nga ay imbes na ulo ng lalaki ang maputol ko ay ang ulo ng babae ang naputol. Kaya unang nahulog ang katawan ng babae sa lapag saka sumunod ang kanyang ulo.
Hindi ko inakalang parang totoo ang lahat dito sa loob ng maze. Dahil nagkalat na ang dugo dito sa pwesto namin. At hindi rin naglaho ang katawan ng babae.
Nang nawala na ang balakid sa gitna namin ay agad ko ng tinakbo ang pagitan namin ng nakamaskarang lalaki. Huli na para masangga niya ang dagger na itinarak ko sa kanyang puso, na siyang pasikreto kong kinuha sa holster ko.
BINABASA MO ANG
Detrimentum Academy
Action"I may have an innocent looks. But you wouldn't want to know what lies inside." Don't be deceived by the outside. Always watch your back. Someone is watching you so beware of the person you befriend with. Don't trust to much, it might kill you. Show...