Third Person's POV
Maraming sekreto ang tinatago ng Detrimentum Academy.
Isa itong tagong academy na nagpapakalat ng mga walang katotohanang balita tungkol sa academy gamit ang teknolohiya.
Ang sino mang maniniwala sa ipinakalat na balita at magd-dive sa dark web ng academy ay bigla nalang nawawala isang araw ang makalipas.
Alam ng gobyerno ang tungkol sa academy, pero walang sumubok na banggain ang mga tao sa likod ng paaralang ito.
Yun ay dahil sa laki ng impluwensiya na meron ang mga taong nasa likod ng academy.
Isa pa mahirap makakuha ng ebedensya para panlaban sa kanila.
Ang paaralang Ito ay nagtuturo kung paano maging isang hamak na killer ang mga estudyante.
Kill or be killed.
Sinong mahina ay hindi na sisikatan ng araw.
Marami narin ang nagtangkang tumakas pero wala pang nakabalik ng buhay.
Layunin ng academy na gumawa ng kakaibang armas mula sa kanilang mga estudyante, para Ito'y ipanlaban sa mga taong sumusubok na banggain ang mga malalaking tao ng academy.
Kaya grabe nalang ang pagpanic ng boss ng academy ng malaman na may nakatuklas sa pinakatinatagong sekreto ng academy.
Dahil maaari itong gamitin ng gobyerno para wasakin ang organisasyon na nasa likod nitong anumalya.
May nakukuha ring mga estudyante ang academy na hindi basta-basta ang background.
Lahat ng nag-aaral sa Detrimentum ay pawang mga may kaya sa buhay, pero may mga estudyante talagang mahirap banggain ang angkan.
Kaya ang ginawa nila, nakikipagdeal sila sa mga ito. Bina-blockmail din nila ito na sa oras na magkaroon ito ng koneksyon sa labas ay may papatayin silang isang myembro sa pamilya.
At marami-rami narin ang namatay sa pag-aakalang hindi totoo ang ginawang pang blockmail ng academy.
Sa ngayon, may anim na estudyante ang academy na may mga delikadong angkan. Lahat sila ay pawang lalaki na tinaguriang Kings.
Hindi lang naman kasi sila galing sa delikadong angkan, sila rin ang pinakamagaling at kinakatakutang estudyante ng academy.
Parehong walang sinasanto sa loob ng academy. Kahit ang mga instructor at trainor ay hindi pinapalagpas.
Clawennon Friegier ( Claw-enon ) – Ang pinakakinakatakutan ng mga estudyante. Siya ang pinakaworse sa kanilang anim. Heir ng ikalawa sa pinakamalakas ng mafia sa buong mundo.
Strikent Herrer – Isang heir ng Isa sa pinakamalaki at pinakamalakas na mafia sa Switzerland, Romania, Indonesia, Pilipinas at Malaysia. Mahilig magbasa at mahilig magpaiyak ng babae. Pero hindi playboy.
Cerroniell Friegier ( Fred-jer ) – Palaging inaantok. Ang legitimate King ng gangsters around the world. Successor of the Friegier Company. Ranks two from the wealthiest clan around the world. His father is a twin brother of Clawennon's dad. In short, they're cousin.
Crytone at Athyron Lewis ( A-tayron ) – Identical Twins. Magkamukhang magkamukha pero magkaiba ang ugali. Laging seryoso ang Isa, at lagi namang nakangise ang Isa. Parehong heir ng pinakamalaking mafia ng buong Asia.
Dameinnic Marken – Patay gutom pero hindi tumataba. Laging present pero mentally absent. Parang may sarili siyang mundo. Heir ng pinakamalakas na secret agent sa buong mundo.
Kahit sino ay walang bumabangga sa kanila. Mapa estudyante man o mga school faculties.
Kung hindi lang talaga sila blinakmail ng mga malalaking tao ng academy ay siguradong matagal na nila itong binura sa mundong ibabaw.
Dahil kaunti lang ang kanilang nakuhang impormasyon sa dalaga, agad na nagpadala ang sekretaryo ng boss nila ng ilang malalakas na tauhan para magmanman sa naturang dalaga at madala dito ng sapilitan man o hindi upang maiharap sa kanilang boss.
Sa kabilang banda naman, takang-taka ang mga kings ng school ng malaman ang tungkol sa pangangalap ng high officials ng impormasyon tungkol sa isang babae.
They got interested to this girl, kaya pasekretong nangalap ng impormasyon ang bawat isa sa kanila.
BINABASA MO ANG
Detrimentum Academy
Action"I may have an innocent looks. But you wouldn't want to know what lies inside." Don't be deceived by the outside. Always watch your back. Someone is watching you so beware of the person you befriend with. Don't trust to much, it might kill you. Show...