Chapter 35

26 1 0
                                    

Ellah's POV

Nakapagbihis na ako ng damit para sa gagawin namin ngayon. Ngayong madaling araw kasi namin gaganapin ang plano. Ilang araw na rin ang nakalipas matapos naming nagawa ang planong pasukin ang data base ng Academy.

"Any update?"

[ Everything's ready ]

"Start now."

Pagkatapos kong ibaba ang tawag ay tumayo na ako at hinanda ang lahat ng kagamitan na gagamitin ko, lalo na ang maskara. Nasa sala na ang mga kasama ko at naghihintay nalang ng tamang pagkakataon para simulan ang plano. Naibigay ko na din sa kanila ang mga file scanner na gagamitin.

Paglabas ko ng silid ay nadatnan ko ang mga ito na tensyonado. Kaya napakunot naman ang noo ko ng makitang parang aligaga sina Damein ay Cryton.

"What happened?" Kaya napatingin sila sa akin.

"After days of monitoring the cctvs' inside the base, wala namang kakaibang nangyayari lalo na sa time interval ng mga nagbabantay. Pero simula kaninang 11:00 pm, nag-iba ang time interval nila. At mas marami ang nakabantay ngayon sa bawat unit. Lalo na sa main unit." Paliwanag ni Damein.

"It seems like alam nilang pupunta tayo ngayon sa doon." Napatigil naman ako sa sinabi ni Claw. Pero napairap rin ng mapansin ang klase ng tingin na ibinibigay nila sa akin. Their suspecting me.

"Don't give me that look. I abhor the word traitor." Matigas at malamig kong turan. Kaya napaiwas naman sila ng tingin. Pero ngayon segurado na ako. Someone among us is a traitor. No one knows about this infiltration plan other than the seven of us. But who among this guys is the traitor? Inilibot ko ang paningin sa mga kasama ko.

Si Damein at Cryton na busy sa pagmomonitor sa mga computer. Si Tyron na hinahanda ang dalang katana at baril na may silencer. Si Kent na nasa sulok at busy sa pangungutingting sa cellphone nito. Si Erron na nakaharap rin sa sarili nitong laptop. At ang katabi nitong si Claw na hanggang ngayon ay nakatingin pa rin sa akin. Kaya inirapan ko siya at tumayo saka lumapit sa gawi nina Damien.

Tinignan ko ang mga ongoing na kuha ng cctv sa buong underground. Agad akong tumabi kay Damein at kinuha ang laptop niya. Agad kong zinoom-in ang kuha mula sa tatlong unit ng Intel base.

"Something's wrong." Sambit ko. Mabilis akong nagtipa sa keyboard at tama nga ang hinala ko. May ibang nakainstall na cctv sa bawat unit na hindi under ng security system na hinack nina Damein. Wala ito nung mga panahong hinack ko ang system nila nung nakaraang linggo. Confirmed. There's a traitor.

Napakuyom naman ang kamao ko. At hindi ko na napigilan pa ang paglabas ng ilan sa tinatago kong mabigat aura. Kaya nakuha ko na ang atensyon ng mga kasama ko.

"I really despise people risking the lives of their colleagues by betraying them." Malamig kong saad. Ramdam ko rin ang pagkawala ng emosyon ko sa mukha.

"Change of plans. Claw will go alone in the left unit. Kent will go with me in the main data base because I need help for handling those guards. Apart from that, Damein and Cryton should also have your loaded weapons to protect yourselves." Malamig kong turan. Tahimik namang tumango ang lahat. Kaya napahinga ako ng malalim sabay ng pagtunog ng cellphone ko dahil may message. Kaya tumayo ako at binasa ito.

[ Half of their base is almost ruined. We already let one of their people call for a reinforcement from them. And those councils were all present in the auction party. ] Napangisi naman ako.

"It's time. Make sure to come out alive. Unless you are a traitor." Saad ko. Nagsitayuan naman ang mga kasama kong papasok sa underground base ng Academy. Nauna ng umalis ang group one and three. Habang naiwan naman ako at si Kent kasama ang look out group.

"Use this earpiece. Notify me about all the happenings from the groups including yours. This is only for the three of us" Tumango naman ang dalawa kaya tumingin ako kay Kent na naghihintay sa akin. Nagtanguhan naman kaming dalawa at lumabas na ng dorm.

"Ellah. I think something did happened inside. Biglang nagkagulo ang lahat. Maraming nagsilabasan sa underground na mga tauhan na may dalang mga armas." Pagbigay-alam ni Damein gamit ang earpiece na para lamang sa aming tatlo ni Cryton. I mentally nod. Of course there is.

"Copy."

"Did something happened?" Tanong ni Kent. Tumango naman ako.

"Yes." Sagot ko at nagtago sa kung saan makikita ang isa sa labasan mula sa underground.

"Everyone, don't go inside yet. Marami kayong makakasalubong na mga tauhan na papalabas sa underground sa kahit saang lagusan." Sambit ni Damein.

"Natunugan na ba nila tayo? Ang bilis naman ata." Nakakunot noong tanong ni Kent. Napangisi naman ako.

"Any update about those three units?" I ask them, our look out.

"Walang nagbabago sa mga taong nagbabantay sa tatlong data base. Ganoon pa rin ang nangyayari kahit pa maraming lumabas na mga tauhan mula sa underground." Imporma ni Damein. Hindi man nasunod ang lahat sa plano, alam kong kaya na naming kalabanin ang natira sa loob.

"How about maghiwalay tayo ng dadaanan, Ellah?" Suhestiyon nito. Na ikinailing ko.

"No. Hindi ko kakayaning kalabanin ang lahat ng iyon ng mag-isa." Rason ko. Huminga nalang siya ng malalim at tumango.

Nang wala ng nagsilabasang mga tauhan ay sinuot ko na ang maskara. Ganoon din ang ginawa ni Kent habang hinihintay namin ang signal ni Damein. Kita ko naman yung mga maliit na improvised flying cam na nasa paligid lang namin. Ito yung kinokontrol ni Cryton.

"Pumasok na kayo." Utos nito habang maririnig sa earpiece ang tunog ng mabilis na pagpindot ng mga keyboard.

Busy si Damein sa paggawa ng mga codes at traps para hindi siya mapansin ng monitor ng kalaban. Hindi niya hinahayaang matunugan ng kalaban ang pagpasok niya sa system habang ilang segundo ay bumabaling siya sa isang computer at gumagawa ng SSID. Kapag nakatapos siya ng isang stage ay binalik niya naman ang tingin sa zombie computer na gamit at pinagpatuloy ang pagmonitor ng system ng kalaban.

Detrimentum AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon