Ellah's POV
Maaga akong gumising dahil may klase pa kami. At kailangan ko pang puntahan si Kent sa bahay niya bago magtungo sa silid-aralan.
Mabilis lang rin naman akong natapos sa paghahanda kaya lumabas na ako ng bahay at naglakad patungo sa dorm ni Kent.
Naabutan ko si Damein sa loob ng dorm na kakatapos lang atang maligo dahil nakatapis lang siya ng tuwalya at basa pa rin ang buhok. Umiwas naman ako ng tingin at hindi nalang siya pinansin saka nag tungo sa silid ni Kent. Si Damein seguro ang nag-bantay at nag-alaga dito kay Kent.
Lumapit naman ako sa kama ng lalaki at pinagmasdan ang kahunos-hunos na nangyari dito. Ngunit napaayos naman ako ng tayo ng mapansin kong nagmulat ito ng mga mata.
"Kamusta ka na?" Bungad kong tanong dito. Sinubukan niya namang umupo kaya inalalayan ko siya.
"T-tubig." Namamaos niyang sambit. Humiwalay naman ako sa kanya saka lumabas sa kanyang silid para kumuha ng tubig. Nakita ko naman si Damein na naka bihis na.
"Gising na siya." Pagbibigay alam ko dito. Mabilis naman siyang nagtungo sa silid kaya napailing nalang ako saka pinagpatuloy ang dapat na gawin.
Halatang nag-alala si Damein sa kaibigan. Ramdam ko namang lahat sila ay nag-aalala sa kay Kent. Halatang naging malapit ang anim sa loob ng pananatili nila dito sa akademya. Kaya hindi ko masisi si Damein sa kanyang inasta.
Nadatnan kong kinakamusta ni Damein ang kaibigan. Pagkatapos inumin ni Kent ang tubig ay saka lamang siya sumagot sa mga katanungan ni Damein.
"Medyo ayos na ang pakiramdam ko. Ewan niyo na ako. Kailangan niyo pang pumasok sa klase, baka manghinala pa sila kapag nalate kayo." Nagkatinginan naman kaming dalawa ni Damein saka nagsitanguhan.
"Magpahinga ka na muna ng mabuti." Habilin ni Damein saka nauna ng lumabas. Naiwan naman kaming dalawa ni Kent na tahimik lang na nagpapakiramdaman sa isa't-isa.
Napahinga nalang ako ng malalim saka nagsimula na ring maglakad palabas ng kanyang silid.
"Ellah." Sambit niya. Kaya napatigil ako.
"Salamat." Tumango lang ako saka akmang bubuksan na ang pintuan palabas ng may naunang magbukas dito. Tumambad si Damein na may dalang tray ng pagkain at gamot. Napatingin pa siya sa gawi ko saka bumaling kay Kent na naka kunot ang noo.
"Muntik ko ng makalimutan na ilang araw ka na palang hindi nakakain." Iling na sambit nito. Kaya iniwan ko na sila at lumabas na ng bahay.
Kasalukuyan akong naglalakad sa hallway. Hindi ko na lang inalintana ang nakakauyam na mga mata ng ibang estudyante. Hindi naman nila ako mapapatay gamit lamang ang kanilang mga tingin.
Napatatigil ako sa paglalakad ng makasalubong ko si Erron. Tinanguhan niya naman ako kaya gumanti naman ako ng tango. Bakas pa rin dito ang ilang galos.
Napakunot na man ang aking noo ng makitang nakasunod sa kanya sina Claw at Cryton.
"Wala tayong klase ngayon. May inaasikaso daw ang lahat ng ating guro." Aning Erron habang binibigyan ako ng makahulugang tingin na nakuha ko naman.
Napangise naman ako sa narinig. Alam ko ang totoong dahilan kung bakit wala ngayon ang mga councils. Seguradong nalagasan na ang mga ito kaninang madaling araw sa Auction Party.
Mas magugulat pa nga ako kapag hindi nalagasan ang mga ito sa ginawang distraction ng aking mga tauhan sa labas ng academy. Hindi naman kasi magiging tagumpay ang infiltration na ginawa namin kaninang madaling araw kung sakali mang nandito sa loob ng academy ang mga councils.
BINABASA MO ANG
Detrimentum Academy
Action"I may have an innocent looks. But you wouldn't want to know what lies inside." Don't be deceived by the outside. Always watch your back. Someone is watching you so beware of the person you befriend with. Don't trust to much, it might kill you. Show...