CHAPTER 20

253 16 1
                                    

IMPERIAL CUNCUBINE XIAN
"Tumayo na kayong lahat " bigkas saamin ng empress dowager kaya tumayo na kami at umupo na saaming upuan pagkaupo namin siya ring pag salita ni imperial cuncubine jia " empress dowager mabuti naman ligtas kayong nakarating dito sa forbidden city ang totoo nga po niyan empress dowager ngayon lang po namin na laman na dumating ka pala po masyado pala po kayong ma surpresa empress dowager " panimula nito kung ganon hindi lang pala ako ang  nakakaalam na biglaang pagdating ng empress dowager pati narin pala ang ibang imperial harem. Tumingin ang empress dowager dito " imperial cuncubine  jia wala ka naman sigurong magandang sasabihin sa akin at kailangan ko pang sasabihin kung darating na ako ohh hindi " sabi nito na kinasimangot ni imperial cuncubine jia halatang napahiya ito dahil sa mga nasabi ng empress dowager pero ang pagsimangot nito ay napalitan ng ingiti " ano naman at naka ingiti ka ngayon imperial cuncubine jia " sabi dito ng empress dowager " empress dowager di ba sa oras na merong nagustuhan ang emperor at gusto niya itong maging babae di ba dapat alam ito ng empress dowager at para makilala niya ito " sabi nito habang tinitingnan ako nito nakangiti ibayong kaba ang nararamdaman ko ngayon dahil halatang gusto nitong sabihin na ako ang bagong babae ng emperor di ko alam kung ano ang mararamdaman ko kung sakaling malaman ito ng empress dowager ang masaklap pa dun pagnalam niya na hindi ako babae na isa lamang akung lalaki na hindi ko kaya mabigyan ng anak ang emperor "sino naman yang tinutukoy mo na bagong babae ng emperor imperial cuncubine jia" sabi ng empress dowager tiningnan ko lahat ng imperial harem ang noble consort at noble lady jaren  at 1st attendant shu ay ngayon may ngiting mapang asar sa akin samantalang ang emperor at empress at consort xia ay may pang alalang mukha baka sa mga sasabihin ng empress dowager tungkol sa akin " empress dowager pinapakilala ko sa inyo ang bagong babae ng ating kamahalan siya si imperial cuncubine xian "sabi nito tinuro niya ako at siya ring napatingin sa akin ang empress dowager sa aking gawi ibayong kaba ang nararamdaman ko dahil baka kung ano ang mga sasabihin sa akin ng empress dowager samantalang si imperial cuncubine jia ay may ingiting tagumpay at naghihintay ng sasabihin sakin ng empress dowager di ko alam kung kailan kung tininnan ang matang sinalubong sa akin ng empress dowager " sis tumayo kanakaya at pumunta sa harap ng empress dowager at lumuhod ibagmalaki mo ang sarili mo sis go go kaya mo yan" bulong sa akin ni jonjon kaya nag karoon ako ng lakas ng loob lakas loob akung tumayo sa aking upuan at pumunta sa gitna ng makapag pakilala ko ang aking sarili sa empress dowager " malugod na pagbati sayo empress dowager ako po si imperial cuncubine xian ang  bagong babae ng kamahalan " pagbibigay ko ng pagpapakilala dito di na ako nag sabi kung saan ako nag mula dahil wala naman akung lugar na alam dito hindi naman pwedeng mag buo ako ng lugar baka mag taka pa sila sa akin tiningnan ako ng empress dowager sa mata " kaya naman pala nagustuhan ka ng kamahalang emperor dahil hindi naman makapagkakaila na napakaganda mong babae tumayo kana at pumunta sa iyong upuan masaya akung makilala ka lady xian " sabi nito sa akin tumayo ako at umupo na sa aking upuan nabunutan ako ng tinik sa dibdib kinabahan ako kanina baka kung ano ang masasabi ng empress dowager sa akin oh kaya baka tanungin niya ako ng tanungin kung sino ang magulang ko kung saan ako nag mula wala pa naman akung isasagot tungkol dun mabuti na lang talaga ng iharap ko ang aking ulo nakita ko na ang emperor ay nakangiti sa akin pati narin ang mahal na empress ng hinarap ko naman ang aking ulo kay imperial cuncubine jia ay halatang masama ang tingin sa akin dahil hindi nangyari ang gusto niyang mangyari nginitian ko na m lamang ito sabay kuha ng tsaa sa aking platito at humigop na lamang maraming nangyari sa salo salo isa na doon ang pagbibigay ng noble consort ng regalo sa empress dowager hindi rin nagpahuli ang empress binigyan rin niya ng regalo ang empress dowager at marami pang iba .

Nandito kami ngayon naglalakad pauwi sa aking palasyo dahil kakatapos lamang ng salo salong naganap " aba aba kalain mo nga naman ang dating noble lady ay imperial cuncubine na ngayon ang bilis mo naman umangat sa posisyon imperial cuncubine xian " pasimula sa akin ni imperial cuncubine jia sa aking likuran humarap ako dito hindi ko akalain na maririnig ko ang boses ni imperial cuncubine jia sa aking likuran "imperial cuncubine jia anot nan dito ka may gusto ka bang sabihin sa akin huwag kang mag alala makikinig ako " sabi ko rito na mahinahon lamang samantalang si jonjon ay tahimik lamang sa aking likuran "tss ang rami mong alam imperial cuncubine xian ang totoo niyan gusto ko sanang sabihin sayo ano ang nagustuhan sayo ng emperor at ang bilis niyang tinaas ang posisyon mo bilang imperial cuncubine halata  namang linalason mo lamang ang kanyang utak at yun ang hindi ko hahayaang manyari yun" sabi nito sa akin halatang naiinis ito sa akin dahil pantay na kami ngayon ng posisyon napatawa na lamang ako dito sa kanyang mga sinasabi sa akin ngayon " hahahahaha imperial cuncubine jia di ko akalain napakagaling mo palang magpatawa at saan mo namang nakuha ang mga salitang yan para lamang sa mga barbero lamang yan oh baka naman kaya mo lamang nasasabi yan dahil na iingit ka sa akin oh kaya nag seselos dahil baka hindi kana pinapaburan ng emperor " sabi ko rito
"Anong karapatan mong pagsalitaan ako ng ganya wala kang galang " sabi nito sa akin sasampalin sana ako nito mabilis kung hinawakan ang kamay nito upang hindi ito dumapo sa aking mukha
" subukan mong idampi ang marumi mong kamay sa aking mukha baka nakakalimutan mo na pareho lamang tayo ng antas kaya wala kang lamang sa akin " sabi ko rito sabay bitaw ng kanyang kamay
" makikita mo makikita mo talaga subukan mo ako dahil hindi mo magustuhan ang gagawin ko sayo" sabi nito sa akin
"Sige subukan mo akong saktan at ang mga malapit na tao sa akin lady jaren dahil hindi mo rin alam kung ano ang kaya kung gawin at isa pa hindi ako natatakot sa mga banta mo sa akin dahil kahit sino kapa hindi ako natatakot sayo dahil kahit kailan hindi ako masamang tao kagaya mo kung wala ka ng sasabihi  mauna na ako mag ingat ka sana jonjon tara " sabi ko rito sabay talikod at simulan ang paglalakad pauwi sa aking palasyo napakaraming nangyari ngayon grabe nakakapagod " grabe ka dun sis ah palaban ka dun hindi lang ako nag sasalita dahil baka maparusahan ako masayang patong beuaty ko baka hindi na matuloy ang pagiging beuaty queen kaya dapat silent mo na akez sasusunod na lang ako magtatalak" sabi sa akin ni jonjon halatang gusto niya akung ipagtanggol kanina hindi lang niya magawa dahil alam niyang mapaparusahan siya mas maganda narin yun upang hindi siya masaktan
" masmaganda ngayon hindi ka tumalak baka kung ano pa ang masabi mo kay lady jia dakpin ka pa niya at parusahan ng isang daang latigo sa likod mo ang sakit nun magkakapeklat ka dun " sabi ko rito
" kaya nga sis hayaam mo kahit ano pa ang gawin nila saakin ipagtanggol ko kita keri ko to ako kaya si wonder woman oh di pak na pak ang pangalan ko " sabi nito sa akin kaya napatawa na lamang ako dito
" ipag mapatuloy na lang natin ang paglalakad ang rami mong dada" sabi ko rito
"Ay ang hard sis mabuti pa nga para makapag beuaty risk narin akez" sabi niya sa akin
"Risk lang walang beuaty " asar ko dito kaya tinulak niya na lamang ako at nag asaran na lamang kami habang nagalalakad pauwi sa aking palasyo..

THE EMPEROR OF QING DYNASTY Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon