CHAPTER 24

202 15 0
                                    

IMPERIAL CUNCUBINE XIAN
"Bat anong nagyayari ba dito at pag dating ko palang may naririnig na akong sumisigaw at umuusok sa galit, tumayo na kayo"sabi ko sa kanilang lahat

"lady xian itong babae nato na  taga silbi hindi nag dadahandahan sa kanyang pag bibigay ng tsia kay 1st attendant shu kaya natapunan niya ang damit na ibinigay ng emperor kay lady shu"pag sasalita ng alalay ni lady shu tiningnan ko ngayon ang babae na ngayon ay naka luhod at naka yuko parin ang ulo nito sa lupa
Lumapit ako sa kanila at umupo sa ibinigay nilang upuan sa akin habang hawak hawak ko ang tsia sa aking kamay

"Tumayo ka na"sabi ko sa babae ngayon ay nakaluhod parin tiningnan naman ako ni lady shu ng pag kagulat.

"Lady xian bakit ka nakikialam ako lang dapat ang mag dedesyon kung papakawalan ko na siya oh hindi kaya wag ka na lang mangialam saamin at bumalik ka na lang  sa iyong palasyo at mag pahinga at isa pa lady xia ako ang natapunan niya at hindi ikaw , at ikaw naman lumuhod ka lang diyan" sabi nito tingnan nga natin ang tapang mo ngayon.

"Lady shu nakakalimutan mo yatang ang kina kausap mo ay ang imperial cuncubine at bakit hindi ka magpakita ng galang sa kanya ang antas niya ay nakakaangat sayo at  isa parin siya sa ikalimang antas at lumalayo ito sa antas mo na pang pito lamang" sabat ni jonjon sa kanya tumingin sa akin si lady shu

"Lady xian oo sa pang limang antas ka pero gaya ng sabi ko ako ang mag dedesyon sa babaeng ito at hindi ikaw kaya wala kang karapatan"sabi sa akin nito na kinataas ng aking dugo tumingin ako dito ng matalim suminyas ako kay jonjon para gawin na niya ang pinag uutus ko sa hindi marunong gumalang sa akin

" mga taga silbi hawakan siya"sabi ni jonjon kaya ang dalawang kung yunok ay pumunta sa likod nito at hinawakan ang dalawang kamay at pinaluhod ito sa akin ang alalay naman nito ay lumuhod at binaba ang ulo sa lupa.

" lady xian anong karapatan mong pakitaan ako ng ganito wala kang karapatang gawin ito sa akin malalaman ito ng emperor at humanda ka " puno ng galit nito sa akin ngumiti lamang ako dito at tumayo binigay ko kay jonjon ang hawak kung tsia at lumapit sa kanya inangat ko ang kanya baba gamit ang aking gintong sinusuot ko sa aking hin liliit sa daliri para itong isang kuko na na kasuot sa aking dalawang daliri ginamit ko ito sa kanyang baba at tiningala ko ito patungo sa akin.

"Lady shu wala akong pakialam kahit mag sumbong kapa sa emperor dahil una lahat ikaw ang unang gumawa ng sarili mong gulo pangalawa ang hindi mo pag galang sa akin alam mong malaking kasalanan yun ang lakas ng loob mo para gawin sa akin yun samantalang ang posisyon mo ay nasa ika pitong antas kapalang at ngayon nakuha mong  lumaban sa akin isa kang malaking lapastangan!!"sabi ko dito sabay sampal sa kanya ng ubod ng lakas kaya lahat ng mga manggagawa sa mananahi sabay sabay lumuhod at yinuko ang ulo nila sa lupa.

"Kaya ngayon lady shu sa oras na hindi mo pa ako galangin hindi lang yan ang matitikman mo sa akin kaya dapat mag bigay ka ng respeto sa nakaka taas sayo maliwanag ba"sabi ko rito

" tinatanong kita maliwanag ba !!"tumango ito sa akin nakita ko ang kanyang mukha na pulang pula dahil halatang nasaktan ito sa aking sampal sa kanya umiiyak ito ngayon at parang tutang kawawa dahil sa ginawa ko sa kanya.

"Bitawan niyo na siya tumayo na kayong lahat at ikaw naman lady shu bumalik kana sa palasyo mo at magpahinga at tandaan mo ang mga sinabi ko sayo " sabi ko rito nagbigay galang ito bago ito nag madaling umalis sa aking harapan  para umuwi sa kanyang palasyo tingnan ko ang babae na ngayon ay naka luhod parin.

" Tumayo kana tapos na wag mo ng isipin ang lahat ng mga nangyari mas mainam kung kalimutan mo na lamang ito" tumayo ito at yinuko ang kanyang ulo sa akin

"Maraming salamat po sa inyo lady xian kulang po ang aking buhay bilang kabayaran sa pagtulong niyo sa akin" sabay lumuhod nito sa akin at yinuko ang ulo nito sa lupa tumawa na lamang ako dito

"Alam mo girl tumayo kana dahil tapos na tingnan mo ang mukha mo para kang musmus at para kang nagahasa ng sampung lalaki eh hindi ka naman kagandahan kaya tumayo kana at sabihin mo sa amin ang lahat ng nangyari"sabi ni jonjon dito kaya tumayo na ito lumapit sa amin ang isang matanda sigurado  nasa 40s nato ito siguro ang kanilang madam oh mayordoma ang namumuno sa kanila

"Lady xian maraming salamat  sa tulong mo sa amin at tinatanaw namin itong lahat na utang na loob bat hindi po kayo pumasok sa loob at makapag tsia po kayo at ma ekwento na rin ni jen ang mga nangyari halika po kayo" sabi nito kaya sumunod kami dito at pumasok sa loob masasabi kung napakaraming tela at ibat ibang kulay ng damit ang gaganda pero hindi kami pwedeng mangialam dahil bawal andito lang kami para tumingin hindi para kumuha ng damit

" sis grabe gusto ko ito ang ganda pak na pak sa beauty ko ang ganda ng kulay pink para akong si aurora sa sleeping Beauty nahahalikan ako ng prince charming ko para magising ako at mangyayari doon ang happily ever after namin di ba" sabi nito sa akin habang hawak hawak nito ang damit masasabi kung maganda ito at makulay may desenyo ng mga bulaklak at iba pa

"Lady xian dito po tayo umupo halikan po kayo. paki kuha ng tsia si lady xian " utos nito sa kanyang taga silbi sumunod kami dito at umupo nan dito kami ngayon sa bilog na lamesahan mag katabi kami ni jonjon sa matalang magkatabi si madam at si jen para eh kwento ang lahat ng mga nangyari kanina

"Lady xian pasensya na po hindi po ako nakipagpakilala po sa inyo ako pala po si madam jang ang kanilang taga alaga at nag aasikaso po sa kanila patawarin niyo po kami alam ko pong ngayon lang po kayo naka punta dito at ang masaklap panget pa ang naabutan niyo dito " simula nito sa amin

"Alam mo madam wala lang yun keri lang syaka tingnan mo ang mukha ni lady shu kanina para siyang haiihi sa takot dahil sa ginawa sa kanya ni lady xian kaya ok lang ano kaba pwede ka naman mag bigay ng damit sa akin at yun ang ibigay mo sa akin " turo nito sa damit na nagustuhan nito kanina pa simpleng pinalo ko ito sa kanyang hita .

"Aray naman sis panira ka ang sakit nun hah ang hard mo tagala sa akin" sabi nito habang hinihimas ang kanyang hita

"Madam jang pasensya na po kayo sa kaibigan ko may saltik lang yan pero magiging ayos rin po siya mamaya" sabi ko kay madam jang habang pasimple ko itong tiningan na sinasabing mahiya ka naman .

"Ayos lang yun lady xian pumili lang kayo kung anong gusto niyong damit ayos lang po saamin at bilang pasasalamat asahan niyo na papagawa po ako ng magandang damit para po sayo" sabi nito na kina ngiti ni jonjon na para bang panalo siya sa aming dalawa

"Maiba tayo madam jang ano ba talaga ang nangyari at bigla na lang na galit si lady shu" tumingin ito sa akin.

" lady xian si jen lang po ang makakapag salaysay sa mga nangyari kanina. Jen eh isalaysay  mo ang mga nangyari " sabi nito

"Opo madam jang" sabi nito nagbuntunghininga ito bago siya nagsalita...

THE EMPEROR OF QING DYNASTY Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon