CHAPTER 36

198 16 2
                                    

CONSORT XIAN
9 months na rin ako bilang consort ng emperor masasabi kung naging tahimik naman ang buhay ko dahil ang totoo niyan sa 9 months na yun hindi na ako masyadong lumalabas ng aking palasyo. Masasabi kung ayos naman ang samahan namin ng emperor pero minsan hindi  maiwasan ang tampuhan pero nag kaka ayos naman. Mabuti hindi ako ginugulo ng aking mga kaaway at yun ang pinasasalamatan ko sa ngayon pero alam kung may pinaghahandaan sila kaya dapat sa lahat ng oras may laban ako sa kanila lalot isa na akong consort masasabi kung ang layo narin ng narating kung antas dahil pangatlong antas mula sa empress sa aking pag iisip dito naman sumingit si jonjon

"Sis balita ko itong araw daw na ito manganganak ngayon si noble lady chen ang problema lang natin wala ang empress dahil kasama nito ang empress dowager para manalangin sa buddha ngayon wala ang empress sigurado akong ang noble consort ang mag papa empress ngayon " sabi nito sa akin.

"Kung ganoon mag padala ka ng isang yunok natin at ipadala mo sa palasyo ni noble lady chen para masiguro natin na ligtas ang mag ina at walang mangyaring masama sa kanila pupunta na lamang tayo doon sa kanyang panganganak " sabi ko rito habang kumakain ako ng ubas.

"Oo sis wait lang punta lang ako sa tuluyan ng mga yunok natin para utusan ang isa sa kanilang mag bantay kay noble lady chen " sabi nito sa akin mabilis ito umalis at pumunta sa mga yunok. Kailangan kung masiguradong ligtas ang bata sa panganganak dahil ang empress ang masisi dito at alam ko ring na baka may gawing masama ang noble consort dito at yun ang kinakatakot ko mangyari.

"Oh sis tapos ko ng inutusan ang isang yunok na loka pa ako sa isang yunok na mapayat may gana pang mag volunteer ang puta ehhh mukhang isang taon na hindi kumakain mamaya pag siya ang pinunta natin doon siguradong luz valdez ang ate niyo dahil walang laban ito." Sabi nito sa akin sabay umupo sa isang puan.

"Eh anong yunok naman ang pinapunta mo doon." tanong ko dito.

"Will of course ang pinaputa kung yunok doon yung yunok na tuhugin na tumutulo ang sipon nito tuwing nag tratrabaho para maiba naman" sabi nito sa akin mabilis ko itong binatukan.

"Bakit yun pa rami nating yunok yun pa ang pinadala mo" sabi ko rito.

"Aray naman sis para namang hindi tayo friend syempre joke lang yun ang inutusan kung yunok yung maayos yung parang kahit paluin mo ito ng isang daang beses na latigo hindi ito nasasakatan kahit paluhudin mo ito ng isang araw hindi ito nangangawit at higit sa lahat kahit hindi mo ito paka inin ng isang linggo hindi ito magugutom dahil nahihiya naman ako kung ang ipadadala natin doon ay isang palamunin kaya mas better nayon kaysa mapayat kanina baka mag taka na lang tayo tumaba na siya dahil siya ang para lamot ng pag kain sa palasyo ni noble lady chen" sabi nito sa akin habang hinihimas niya ang kanyang ulo.

"Sugarudin mo lang na maayos yung yunok na pinadala mo dahil kung hindi ipapa kuha kita sa aking mga yunok at ipaanod na lang kita sa ilog." Asar ko dito

"Oo sis ok yun syaka hello hindi na babagay ang beauty ko sa ilog noh ang isang katulad kung maganda at kahalihalina at isa pa isa akung serina kaya sa ocean ako na babagay hindi diyan sa ilog na walang kwenta" sabi nito sa akin

"Oh total isa ka namang serina ipapatapon na kita mga yunok!! mga yunok!" Sigaw ko maya maya pa dumating ang aking mga yunok

"Ano po yun consort xian may ipag uutos po ba kayo sa amin" luhod nito sa aming harapan tumingin naman ako dito kay jonjon na mapangasar

" Ano to sis totohanan talaga walang halong kemi ipapatapon mo talaga ako ang hard hah syaka sis wala pa akong jowa di pa na didiligan kaya NO NO NO walang ganyanan wala pa ang prince charming ko hindi ako pwedeng lumangoy ng walang jowa dahil isang malakas na sampal sa aking pagkababae non" sabi nito sa akin hindi ko maiwasang matawa.

"Oo na binibiro lang kita, maaari na kayong tumayo at ipag patuloy ang inyong trabaho" utos ko sa aking mga yunok tumayo na ang mga ito  at umalis na sa aming harapan

"Grabe yun sis ahhh kala ko talaga totoo ayoko namang maging chimay no syaka hindi ako marunong lumangoy kaya grabe para akong mag wewet sa tako feel ko talaga rineregla ako" sabi nito sa akin.

"Gago wala ka namang matres paano ka mag wewet feel mo naman babae ka" sabi ko rito

"ang hard talaga ahhh di pwedeng supportive lang teh" sabi nito sa akin marami mapa kaming napag usapa katulad ng mga yunok niya na natitipuhan yung mga babaeng mga taga silbi na malalandi pero mga panget naman yung mga walang ka kwentang kwetang usapan pero matatawa ka na lang sa kanya.

Ngayon ay gabi na naka upo ako sa aking silya habang nag kakape iniisip ko ang panganganak ni noble lady chen ngayon sana ligtas ito at walang mangyaring masama sa kanila di kasi ako makapakali dahil wala ang empress sa forbidden city ang tanging nan dito lang ay ang noble consort at emperor. Ang mahirap kasi sa emperor masyado ito BC sa kanyang tungkolin kaya minsan na lang siya nakakadalaw sa aking palasyo habang ako ay nag tsia tsia upang eh relax ang aking sarili na magiging maayos rin ang lahat at sa Kinabukasan magiging masaya ang lahat dahil mag kakaroon narin ng isang makulit na bata. Mayamaya pa biglang dumating ang aking taga silbi na yunok na inutusan ko sa palasyo ni noble lady chen lumuhod ito sa akin

"Kamahalang consort xian masamang balita ang noble consort gustong ilibing ang bata ng buhay " sabi nito na aking kinabigla mabilis akong tumayo at nag madaling umalis sa aking palasyo sa mantalang si jonjon tumatakbo patungo sa akin habang naka sunod ang aking anim na taga silbi sa likod  aking likod.

" sis pwede bang hinay hinay lang sa pag lalakad ano to trak in feild lang di ko naman alam na atlitic kana ngayon " sabi nito habang  habol hininga nito sa akin.

"Kailangan nating mag madali ang noble consort natatakot ako sa pwede niyang gawin sa bata at pati narin kay noble lady chen at sa bakit ba naman kasi na wala ang emperor doon dapat an doon siya nag babantay " sabi ko rito habang patuloy na naglalakad mas binilisan ko pa para mabilis kaming naka rating sa palasyo ni noble lady chen

Nakarating na kami sa tarangkahan ng palasyo ni noble lady chen dito ko nakita ang pagluhod nito sa noble consort habang umiiyak samantalang  ang noble consort naka upo lang ito habang nag tsia tsia di ko nakita na hawak hawak ng mga yunok ni noble consort ang anak ni noblelady chen.

"Noble consort!! parang awa niyo na wag ang anak ko kahit ako na lang ang saktan niyo wag lang ang anak ko nag mamakawa ako sayo " patuloy nitong pag luhod habang nagmamakawa sa noble consort.

"Noble lady chen wag mong hawakan ang noble consort dahil tingnan mo ang sarili mo ang dumi dumi mo kaya wala kang karapatang hawakan ang noble consort at isa pa isang sumpa ang anak mo kaya malas ito sa buong forbidden city kaya tama lang ang ginagawa ni noble consort "pag sasalita ng alalay ng noble consort kay noble lady che sabay tulak nito kay lady noble lady chen kaya natumba ito at napahiga.

"Ilibing niyo na ang bata bilisan niyo" ang utos ng noble consort kaya di to ako sumingit sa kanila

"Nan!! Dito na si consort xian!!" Pag sigaw ng aking yunok kaya lahat sila tumingin sa akin at lumuhod pwera ang noble consort na nakaupo habang nag tsia tsia

THE EMPEROR OF QING DYNASTY Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon