CHAPTER 51

174 17 2
                                    

CONSORT XIAN
" Alam mo sis pinagtataka ko lang bakit kaya kinulong pa si noble consort gao kung pwede namang bitayin na ito para naman mabawasan na ang may mga lahing demonyo sa mundong ito. But any way ano kaya ang ginawa ngayon ni imperial cuncubine jia siguradong nagtatago na ito na parang kuting dahil natatakot na siya sa iyong presensya" sabi sa akin ni jonjon habang pabalik kami sa aking palasyo.

"Alam mo na mang hindi pwedeng bitayin ang noble consort kahit malaki ang nagawa niyang kasalan dahil UNA ang pamilya niya parin ang isa sa pinaka malakas at ma emplowinsyang tao sa larangan ng politiko PANGALAWA isa parin siyang naging pangalawang asawa ng emperor at naging noble consort sa pangalan palang kahit wala na siyang kapangyarihan dahil na wala ang kanyang posisiyon ginagalang parin hanggang ngayon " sagot ko.

Mabilis kaming nakauwi sa aking palasyo pinagbukasan kami ng aking tagabantay sa tarangkahan ng aking palasyo mabilis naman akung bumaba para pumasok sa loob ng maka pag pahinga naman ako ng makapasok ako umupo ako sa aking silya at inutusan ko ang aking alipin upang kuhanan ako ng mainit na tsia dahil malamig ang gabi ngayon.

" Sis nan dito ang mahal na empress " sulpot sa akin ni jonjon kaya mabilis akung tumayo upang maghanda sa pagbibigay galang sa empress ng malapit na ang empress sa aking harapan mabilis akung nagbigay galang

"Malugod na pagbati po sa inyo kamahalan " pagbibigay galang ko dito umupo ang empress sa aking katabing silya ng makaupo na siya umopo na rin ako

"Kuhanan niyo ng mainit na tsia ang kamahalan malamig ang panahon kaya bilisan niyo" utos ko sa aking alipin

" masusunod po consort xian " sabi nito sa akin bago ito umalis humarap naman ako ngayon sa mahal na empress.

"Kamahalan gabi na po at malamig ang panahon baka kayo po ay mag kasakit lalot dinadala niyo ang iyong taga pagmana ng trono mas maganda sana po kung nag pahinga na lamang po kayo para hindi kayo na pagod sa pagpunta sa aking palasyo " sabi ko sa kamahalan tumingin naman ito sa akin

"Consort xian matalino ka at maganda ang iyong kalooban alam kung pagpapalain ka ng kataasan tasang diyos maraming salamat sa iyong pag aalala sa akin ngunit kaya ako na parito upang pag usapan ang napaka bilis mong pabagsakin ang noble consort gao" sabi nito sa akin

"Kamahalan ang buhay ng tao ay iisa lamang ngunit nabubuhay tayo sa pag kakaiba ng ating antas kung mababa ang iyong pamilya magiging katulong ka at bayaran ngunit kung mataas naman ang iyong pamilya ginagalang ka at tinitingala ng mga taong nakapaligid sayo si noble consort gao marami na siyang nasaktan na tao ngunit walang lumalaban sa kanya dahil sa kanyang antas at karangyan na tinatamasa kasi kahit ganoon siya walang magawa ang mga mababang uri ng tao kundi galangin siya at pagsilbihan ang bawat karangyan na tinatamasa natin ay may hangganan kaya sa tingin ko ngayon na ang kanyang pagbagsak at pag sisihin ang kanyang mga kasalanan." Sagot sa empress habang naka tingala ako at may ngiti sa aking labi.

"Consort xian hanga ako sa iyong katapangan ngunit gaya ng sabi ko sayo mag ingat ka dahil hindi lahat ng mga nakapaligid sayo ay totoo dahil ang iba sa kanila ay nagtatago lang sa kanilang mga totoong katauhan" sabi sa akin ng empress ngumiti naman ako dito mabilis namang dumalaw ang tsia na aking pinakuha mabilis akung tumayo para ako mismo ang mag bigay nito sa empress.

"Consort xian bakit tumayo kapa pwede  naman ang iyong alipin ang mag bigay sa akin nito at hindi ikaw" sabi sa akin ng empress

"Kamahalan minsan na rin po akung nag silbi sa inyo at natutuwa ako tuwing pinagsisilbihan ko po kayo dahil napaka buti niyo pong asawa sa emperor " sagot ko dito.

"Alam mo mahal na empress malaki rin ang pasasalamat ko sayo kasi kahit ang buhay ko dito ay hindi prinsesa atles maganda naman ang buhay ko dahil hindi ko keri ang trabaho ng mga imperial guard dahil hindi ako naging babae para sa trabaho na iyon " sabi naman ni jonjon dito tumawa  naman ang kamahalan

"Alam mo jonjon baliktarin man natin ang mundo hindi ka babae at hindi ka maganda dahil para kang lalaking kinakatakutan ng lahat" sabat ng alalay ng empress.

"Wow hiyang hiyang ako beuaty mo samantalang para kang yung alipin nataga linis ng arinola ng palasyo tingnan mo ung labi mo ang pula para kang na rubrub na paso GAGA ka tapon kita sa pacific ocean " sabi nito.

" ano yung pacific ocean " biglang sabi nito

" wag mo na lang alamin dahil hindi kaya ng beuaty mag turo dahil hindi ako guro isa akung magandang binibini at hindi para doon ang beuaty ko" sabi nito

"Consort napaka swerte mo talaga dahil nagkaroon ka ng nakakatawa at napakasiyahan na alalay " sabi ng empress

"Kamahalan pwede bang masiyahin na lang hindi nakakatawa ang sagwa pakinggan " sabi nito na kinatawa ng mahal na empress

"Cge cge " sagot ng empress

"Consort xian ano pala ang gagawin mo bukas " sabi sa akin ng empress

" sa tingin ko kamahalan gusto kung dalawin si noble consort xia dahil gusto ko siyang batiin dahil noble consort na siya ngayon at dahil siya na ang noble consort malaki ang tiwala ko sa kanya para tulungan ka sa mga iba pang imperial harem ng palasyo " sabi ko dito

" oo nga mahal na empress dahil sa totoo lang hindi naman kagandahan ang ibang imperial harem mukha naman silang mga tipaklong dahil matindi ang kapit sa emperor ayaw nilang pakawalan dahil mababaliw sa sila at makuha panilang saktan ang sarili nila para lang dalawin sila ng emperor " sabi dito ni jonjon

"Ganun talaga yun jonjon dahil lahat sila ay gusto makuha ang pabor ng emperor gaya ng nakukuha ngayon ni consort xian sa emperor " sabi dito ng empress

"Kamahalan sa tingin ko naman kahit sabihing nakukuha ko ang lahat ng pabor ng emperor alam kung hindi naman ito habang buhay dahil ang emperor ay babaero at walang seneseryo kaya tanging mga ibang imperial harem ang tanga kung hindi nila alam ito dahil sa oras na mabigyan sila ng pabor at nawala ito sigurado akung magpapakamatay ito sa galit dahil masyado na siyang nagpakampanti" sabi ko sa empress marami pa kaming na pagusapan ng empress gaya ng samahan ko siya upang dalawin ang kanyang pamilya sa susunod pa naman na araw dahil gusto naman niyang makita ito dahil miss na niya ito ako kaya kailan ko kaya makikita sila MAMA at PAPA na miss ko na rin sila

"Sis ano ang plano mo kay imperial cuncubine jia " sabi nito sa akin tumingin naman ako dito at ngumiti

THE EMPEROR OF QING DYNASTY Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon