CHAPTER 42

186 20 0
                                    

CONSORT XIAN
Dalawang araw na pero hindi parin bumabalik ang yunok na inutusan ko sa pag hahanap sa isang kusinero na galing sa monggolia.

"Sis bumalik na ang empress" sulitin nito sa akin.

"Talaga ba nasaan siya ngayon " tanong ko dito"

"Sis nasa palasyo niya siya nag papahinga dahil mahaba haba rin ang kanilang paglalakbay kasama ang empress dowager kaya sa tingin ko pagod na ito" sabi nito

"Sabagay tama ka marahil pagod ito.bakit hindi na lang tayo pumunta sa palasyo ng emperor para dalawin siya total ilang araw na rin siyang hindi dumadalaw sa palasyo natin bigyan natin siya ng tsia" sabi ko habang pinapay pay ko ang aking sarili .

"Alam mo sis mabuti pa nga hindi ko alam diyan sa emperor kung bakit ang tagal niyang hindi dumadalaw sa palasyo natin siguro tama ang hinala ko na may bago siyang babae iba talaga ang lolo mo sis masyadong malibog at babaero" sabi nito sa akin tumingin naman ako dito ng masama

"Gaga mamaya may makarinig sayo parusahan ka pa baka dito kapa papugutan ng ulo kaya manahimik ka na lang kung maaari para walang gulo tayo proproblemahin" sabi ko dito mabilis nitong tinakpan ang kanyang bunganga.

"Halika na punta na tayo sa palasyo ng emperor " sabi ko rito mabilis akong tumayo para pumunta sa palasyo ng emperor.

Nan dito na kami ngayon sa tarangkahan ng kanyang palasyo mabilis akong pumasok dito nakita kung papalapit sa akin ang punong yunok lee.

"Malugod na pagbati po sayo consort xian " pagbibigay galang nito sa akin tumango naman ako dito.

"punong yunok lee ang emperor anong ginagawa niya ngayon " tanong ko dito habang tinitingnan ko ang buong paligid.

"Consort xian ang emperor po" sabi nito sa akin hindi niya tinutuloy ang kanyang sasabihin.

"Alam mo punong yunok lee papasok na ako. Jonjon samahan mo akung pumasok " sabi ko rito mabilis akong naglakad papasok sa loob ng makapasok kami ni jonjon ang may narinig ako na parang may naglalambingan.

"Ano ba kamahalan wag ganyan nakikiliti ako kamahalan ano ba " rinig ko sa boses ng babae

"Alam mo na pakaganda mo para kang isang bulaklak na namumukadkad at kahalihalina" sabi dito ng emperor habang hinahaplos niya ang mukha ng babae hindi ko kilala ang babaeng ito marahil bago ito sa kanyang mga babae.

"Kagaling sis kaya naman pala di pumupunta ang emperor sa palasyo natin dahil may ibang linalandi at ang higad kinikilig naman kahit nagmumukha siyang pugita sa paningin ko bwesit yang babaeng yan di naman kagandahan ang puta" sabi sa akin ni jonjon habang tinitingnan naman ang emperor at ang kanyang babae na naglalambingan huminga na lamang ako ng malalim.

"Eherm!!" sabi ko dito na kinatigil nilang dalawa at napalingon sila akin at mabilis lumayo ang babae sa emperor. Lumapit ako sa kanila.

"Malugod na pagbati kamahalan " pagbibigay galang ko sa emperor.

"Ma-lu-god na -pag -bati consort xian " utal na pagbibigay galang sa akin ng babae tumingin naman ako sa emperor na ngayon ay naka ingiti sa akin. Mabilis namang umalis ang babae at lumabas.

"Kamahalan na parito ako para ibigay ang tsia na aking ginawa dahil alam kung pagod ka sa iyong mga trabaho pero sa nakita ko masaya ka naman at nakikipaglambingan pa sa isang taga silbi. Jonjon ilapag muna ang tsia" sabi ko sa emperor at utos ko narin kay jonjon.

"Consort xian di ko akalin na pupuntahan mo ako dito para dalawin ako wag kang mag alala wala sa akin ang lahat ng yun syaka na gwapohan sa akin ang taga silbi nayon kaya pinag bigyan ko lang ang isang kagaya kung makisig at may magandang mukha ay talaga namang nakakaakit" sabi nito sa akin habang pinapa gwapo niya ang kanyang mukha.

"kamahalan hindi muna kailangan magpaliwanag sa akin dahil ang lahat ng aking nakita ay Normal na lamang para sayo pero ang sa nakita ko nanakikipaglambingan sa isang tagasilbi hindi na normal yun isa nayong pagnanasa dahil hindi mo siya babae" sabi ko rito tumayo ito at yinakap ako nito sa aking likod na aking kinabigla.

"Consort xian wag ka ng mag selos dahil kahit lalaki ka at kung mag salita ay parang isang babaeng naka lunok ng isang mikropo ikaw parin ang pinakamaganda at pinaka masarap " sabi nito sa akin binulung niya pa ang pinaka masarap na mula ang aking mukha ko pero di ko pinahalata sa kanya mabilis kung kinalaas ang kanyang pagyakap sa akin at lumayo sa kanya.

"Kamahalan ang isang kagaya mong babaero at mapag laro ng babae ay masarap talangang tuktukan sa ulo para magising kana pero nga dahil isa kang emperor at nagagawa mo ang lahat ang lahat na lamang yun ay naging normal na lamang sa aking paningin kaya kung makita man kitang makipaglampungan sa iba wala na sa aking kaso yun at hindi rin ako mag seselos " paliwanag ko dito.

"Kahit naman marami akong babae alam ng lahat na ikaw ang paborito kung consort sa makatuwid aking asawa kaya wala ka dapat ipag alala dahil kahit ang katawan ko ay nakukuha ng maraming babae hindi ko naman binibigay ang aking puso dahil ang puso ko ay sayo lamang " sabi nito sa akin na aking kina ingiti sa akin isip.

"Kamahalan hinatid ko lamang ang iyong tsia uuwi narin ako sa aking palasyo " sabi ko rito.

"Ihatid na kita sa labas" sabi nito sa akin kaya naglakad na kami palabas ng kanyang palasyo ng makalabas  na kami nakita kung may na kaabang na sedan na aking sasakyan para hindi ako mahirapan lumakad humarap ako dito at ngumiti.

"Mauna na kami kamahalan malugod na paalam" sabi ko rito bago ako sumakay sa akin sedan buhat buhat ako ng mga yunok ng trasportasion.

"Taray sis ahh nakaupo kana habang binubuhat sa mantalang kaming alalay at tagi silbi mo nag lalakad lang at syaka sa tingin ko mas maganda ang tsia na itimpla mo sa emperor sa susunod yung magigising siya sa katutuhanan na tayong mga babae ay hindi laruan kaya hindi na ako magtataka kung isang libo ang anak nito sa ibat ibang babae" sabi nito sa akin nasababa ko siya habang siya ay naglalakad nasa gilid ko lamang siya at sumusunod sa akin. Ang aking anim na taga silbi nasa pinaka likod ng sedan sumusunod lamang sa amin habang kami ay pauwi na kita ang babaeng kalampungan ng emperor halatang nagmamadali itong lumakad kaya sinabi ko sa taga buhat na habulin namin ang taga silbing babaeng yun  ng mahabulan namin mabilis itong humarap sa akin at nakatayo parin

"Hindi kaba luluhod at mag pigay galang kay consort xian " sabi ni jonjon dito mabilis itong lumuhod sa akin.

"Consort xian patawarin niyo po ako hindi ko po ginusto ang inyong mga nakita hindi ko po yun sinasadya" sabi nito sa akin habang patuloy itong nagmamakawa sa aking harapan.

"Talaga ba sanakita ko kanina para kang isang dalagang kinikiliti sa sobrang kilig mo alam mo bang pinainit mo ang aking ulo sa nakita ko kanina" sabi ko dito habang pasimpleng minamasihi ko ang aking ulo.

"Parang awa niyo na consort xian wag niyo akung parusahan ng kamatayan gagawin ko ang lahat wag niyo lang ako patayin opo gagawin ko ang lahat nag mamakawa po ako sa inyo " sabi nito sa akin habang umiiyak at nagmamakaawa at patuloy nitong binababa ang ulo niya sa lupa.

"Talaga ba gagawin mo ang lahat " sabi ko rito na habang naka ingiti

"Opo consort xian isa po akong taga silbi ng noble maari ko kayong tulungan upang alamin kung may kinalam ang noble consort sa mga nangyari kay imperial cuncubine chen at sa anak nito" sabi nito sa akin habang pinupunasan niya ang kanyang luha tumingin ako dito

"Hindi kaba natatakot sa noble consort alam nating pangalawang antas ang noble consort sumusunod siya sa empress at ako pangatlong antas lamang baka mabisto ka niya"  sabi ko rito habang pinaglalaruan ko ang aking gintong kuko sa aking daliri tumingin ito sa akin sabay yuko ng ulo nito sa lupa.

"Hindi po ako natatakot consort xian gagawin ko po ang lahat may malaman lang akong sekreto ng noble consort  kahit buhay ko pa ang kapalit iaalay ko po aking buhay sa inyo" na aking kina ingiti

"Tumayo kana aasahan ko ang iyong mga sinasabi at hinding hindi ko makakalimutan ang bawat salita mo sa akin pati narin ang iyong mukha wag na wag mo akong bibiguin. Tara na" sabi ko dito bago kami umalis dito at pinagpatuloy ang paglalakad pa uwi sa aking palasyo.

"Nasayo ang kapalaran sis binabati kita bilang future noble consort " sabi nito sa akin ngumiti naman ako dito..

THE EMPEROR OF QING DYNASTY Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon