Chapter 16

9.3K 419 309
                                    

FB account: Shanny Belleza
FB group and page: Shanny's Stories

-----------

Ashley's POV

"What do you mean?"

Umayos nang pagkakatayo si Mr. Lim. "They want you, Evergreen," aniya.

"It's Evergreen-McKnight, Mr. Lim. Don't forget my name!" singit ni papa.

I rolled my eyes at him. Papa's a kid.

"Mr. Lim," tawag ko sa kan'ya, "why me? I mean, I know there are creatures who are interested with my existence, but I never heard of them killing people just to get to me. Why me?"

"Ashley Renee," si miss Carlenstine ang umimik. "Your existence is special. It always entices people and many are curious of how powerful you can be. But these dark witches..." Her smile was dim. "They are too eager to get you. Knowing that you have the blood of a Goddess, they want you. They want your blood."

"Mama has the blood a Goddess. Blake and Ley Anne, too. So why specifically me?"

"They need someone fertile and... virgin." Saglit siyang lumingon kay mama. "Fiona's mated, Blake and Ley Anne are too young for them. Hindi pa lumalabas ang totoo nilang kapangyarihan dahil bata pa lang sila. Ikaw. Ikaw ang nasa tamang edad upang maisakatuparan nila ang kanilang gusto."

"Anong gusto nila?"

"Live and rule." Tumayo siya. "Gusto nilang maging immortal at tuluyang masakop ang bawat mundong nabubuhay."

Hindi makapaniwala akong tumawa.

"Hindi ako immortal! Paano naman sila nakasisigurado na ang dugo ko ay makakapagbigay ng buhay sa kanila?" frustrated kong tanong.

"You are special, Ashley, so as your blood. Hindi ka immortal pero kayang gawin ng dugo mo ang isang nilalang na maging ganoon," sagot niya.

"So if I get mated, they'll quit chasing after me?"

"Yes, but..." Tumingin siya sa direksyon ng mga kapatid ko.

Wala sa sarili rin kong nilingon ang paligid at nahinto ang tingin ko kina Blake at Ley Anne. H'wag sila. Blake's only 15 and Ley's 7. They don't deserve to be in the hands of those evils.

Binalik ko ang aking atensyon kay miss Carlenstine at desididong sinabi, "Anong gagawin natin?"

"Sa ngayon, wala. We have these cases under control, so leave these to us. Gusto lang namin ipaalam sa iyo ang totoong pakay ng mga dark witches para maging alerto ka," si papa ang sumagot.

"Mas magiging maayos ka rin kung sa Mortal World ka muna. Mahihirapan silang hanapin ka dahil sa sobrang dami ng tao roon at malaki ang mundong iyon," segunda naman ni mama. "Pero h'wag pa ring papakampante, Ashley Renee. Sa ngayon ay lumayo-layo ka muna rito. Mas mahalaga ang kaligtasan mo."

"Pero..."

Agad na umiling sila mama't papa.

"If you choose to stay here and help us, it will only make things worse. Ikaw ang pakay nila. Mas magiging agresibo ang mga ito kung alam nilang nandito ka," ani mama.

"Mas may maiiambag ako kung nandito ako."

"Walang ambagan 'to, Ash. Ikaw talaga, kanina ka pa ambagan nang ambagan," biro ni Bley na hindi namin pinansin.

"Mas mainam na wala ka rito. Kung makukuha ka nila, mas mahihirapan tayong kalabanin sila," sagot sa akin ni Mr. Lim.

"Paano naman kayo nakasisiguradong hindi nila ako mahahanap doon?"

The Dangerous Princess: The Blue-Eyed LadyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon