Wala sa sarili akong nagmamaneho pauwi. Magdidilim na pero ang isip ko'y naglalaro pa rin sa nangyari kanina. Naalala ko pa rin ang naging usapan namin ni miss Fiona kanina.
“She contacted me through light. She told us what happened and that she's okay now. She just needs more time to fully gain back her strength,” saad niya.
“How? I mean, why? Why isn't she waking up when she already contacted you?” naguguluhan kong tanong.
“She's conscious but she's not. Para bang gising ang diwa niya pero ang kan'yang katawan ay hindi. Siguro ay naririnig at nararamdaman niya kayo pero patuloy na tulog pa rin katawan niya. That is what she usually does when she knew her body is abused. She lets it rest.”
Kahit nagtataka ay tumango na lamang ako.
“So she's safe? She'll wake up soon? She'll be okay?”
Tumango si miss Fiona.
“Aha. You don't have to worry, she's fine. That's just her coping mechanism to fully heal. Siguro nga ay sa mga oras na ito ay gising na iyon tutal ang sabi mo ay isang linggo na siyang tulog.”
Pagkatapos ng usapang iyon ay agad akong nagpaalam na uuwi na. Ayaw pang bumitiw sa akin ni Ley Anne ngunit wala siyang nagawa nang si sir Ash na mismo ang kumuha sa kan'ya mula sa akin para kargahan. Mariin na bilin din sa akin ng mag-asawa na alagaan si Ashley at h'wag hayaang mangyari ulit ang nangyari sa kan'ya ngayon. Binantaan din nila akong h'wag basta-bastang magpakita sa Magic World dahil baka pag-initan ako ng dark witches.
Puro tango lamang ang sagot sa kanila bago tuluyang nagpaalam. Si Blake naman ay may klase kaya hindi na rin ako naihatid sa portal.
Ngayon ay binabaybay ko na ang daan pauwi. I was silently hoping that they were right. That Ashley's awake by now.
Nang maiparada nang maayos sa likod ng packhouse ang kotse na gamit ko ay patakbo akong pumasok sa infirmary.
Walang pasabi kong binuksan ang kwarto kung nasaan si Ashley at nakahinga nang maayos nang makita siyang nakaupo at nakatitig sa labas ng bintana bago tumingin sa akin.
“Ash...” tawag ko sa kan'ya.
Nakangiti niyang binuksan ang kan'yang mga braso at agad naman akong lumapit sa kan'ya upang yakapin.
“I heard you went to Magic World to inform my parents about what happened to me,” she whispered.
I kissed her hair and nodded. “I did, and I met your two siblings.”
Siniksik ko ang aking mukha sa leeg niya at hinalik-halikan siya roon.
“Hindi pa ako naliligo, Ash. Stop that,” pag-angal niya.
“I missed you,” bulong ko at muling hinalikan ang markang iniwan ko sa kan'yang leeg. “I really missed you.”
“I know,” mahinang sambit niya habang sinusuklay ang buhok ko gamit ang kan'yang kamay. “I always hear you telling me those words when I was half asleep.”
Humiwalay ako sa kan'ya at masama siyang tiningnan.
“You contacted your parents and ensured them that you're safe yet you failed to tell me you're okay!”
Ngumisi siya sa akin. “I love hearing you begging for me to wake up.”
Mas sumama ang tingin ko sa kan'ya.
“You really had me wrapped around your fingers.”
“I know and I missed you, too,” she softly said. “I know you weren't leaving my side and I don't know if I should thank you or scold you for being a bad Alpha to your pack. You aren't doing your duties right, Ashton,” naniningkit ang mga matang aniya.
BINABASA MO ANG
The Dangerous Princess: The Blue-Eyed Lady
FantasyCOMPLETED "The famous Ashley Renee Evergreen McKnight," mababaw na tumawa si Morgan, ang witch na may hawak kay Jupiter. "Nandito ka lang pala nagtatago. Alam mo na ba kung anong nangyayari sa mundo mo?" Nilingon ko ang paligid at batid ko ang pagka...