Chapter 33

4.9K 219 165
                                    

“What are you talking about, Soph?” tanong ni mama kay tita.

“I was desperate!” Patuloy ang pag-agos ng luha ni tita Sophia. “I told them about Ashley's mate and their whereabouts but that's it! That's it...”

“That's it? Are you for real? Look at them now!” sigaw ni mama. “They're one step ahead of us, Sophia! They have my son and now, they killed two important people that could guide us in planning! And you're saying that's it?

“Alam kong mali ako—”

“Alam mo pala pero bakit mo ginawa? Bakit mo pa rin nagawang traydorin kami?” galit na galit na singhal ni mama kay tita.

“Bakit? Anong sinabi nila para gawin mo iyon?” tanong naman ni tito Ace sa kan'ya. Seryoso lamang ang mukha nito pero alam kong nasasaktan din siya sa nangyayari.

Umiling-iling si tita saka napahagulhol nang malakas.

“They told me they'll bring Blake back... Ang sabi nila ibabalik nila ang asawa ko!”

Nangibabaw ang malakas na iyak niya. Nakaramdam naman ako ng awa sa kan'ya dahil ramdam ko ang matinding sakit na nararamdaman niya ngayon.

She's missing tito Blake so much, and those dark witches used her weakness for their own selfish intention.

“Ang tanga-tanga mo, Soph!” mariin na saad ni mama. “Ang tanga mo naman!”

“ANONG GUSTO MONG GAWIN KO HA? MAGPAKA—”

“MAGPAKATOTOO SA SARILI MO!” sigaw ni mama. “TANGINA, SOPHIA! MATAGAL NANG PATAY SI BLAKE! AYUSIN MO NAMAN BUHAY MO!”

“PAANO KO AAYUSIN ANG BUHAY KO KUNG WALA NA NGA ANG TAONG NAGBIBIGAY KAHULUGAN SA LETSENG BUHAY NA ‘TO?”

Lumapit si tita Brieve sa kan'ya upang aluin siya pero winaksi lamang ni tita ang kamay ng nauna.

“Araw-araw akong nangungulila sa asawa ko, Fiona. Araw-araw kong inisiip kung ano ang mangyayari kung buhay at kasama ko siya hanggang ngayon!” Dinuro ni tita si mama. “Hindi mo alam ang paghihirap ko dahil nagpapakasaya ka sa buhay mo na niligtas ni Blake!”

Biglang nawalan ng imik si mama at umiwas ng tingin.

“Sophia, that's enough,” awat ni tito Ace sa kan'ya ngunit hindi siya pinansin ni tita.

“Kung ikaw ang namatay, sa tingin mo ba matatanggap ni Ash ang pangyayaring iyon?” tanong niya. “Tanga na kung tanga! Tangina na kung tangina! Pero puta... Ang sakit pa rin e. Hindi pa rin ako makalimot. Kahit anong gawin ko, hindi ko pa rin kayang kalimutan ang nag-iisang lalaki na minahal ko. Kaya hindi ako nagsisisi na ginawa ko ang katangahan na iyon kung alam kong babalik sa akin si Blake!”

“Pero hindi nga nga babalik si Blake, Sophie, e! Hindi na siya babalik dahil patay na siya! Matagal na!”

“Pero ang sabi nila bubuhayin nila si Blake.” Nanghihinang napaupo si tita. “Bubuhayin nila si Blake... sabi nila ‘yon. Tutulungan nila ako...”

“Walang kahit sino man sa atin ang may kayang gawin iyon,” mas mahinahon na saad ni mama. “Dapat alam mo iyon dahil kasama ka namin noong nag-aral tayo sa akademyang ‘to.”

“Pero hindi ko na kaya, Fion! Hindi ko na kaya...” Sumigaw siya sa sakit. “Araw-araw akong pinapatay ng pangungulila ko sa kan'ya. Gabi-gabi kong iniiyakan ang pagkawala niya. Hindi ko matanggap... Hindi ko pa rin matanggap.”

Noon lamang lumapit si Blaphe sa ina at niyakap ito.

“Paano ang anak mo? Sa tingin mo ba tama iyang ginagawa mo? Sa tingin mo ba matutuwa si Blake dahil napapabayaan mo na ang sarili mo at si Blaphe?”

The Dangerous Princess: The Blue-Eyed LadyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon