“Baby, look at this.”
Pinakita ko kay Ashton ang nai-drawing kong portrait ni Jupiter.
“Do you think he'll like this?” may pag-aalalang tanong ko.
“I didn't know you're an artist,” sagot niya.
I was in his office, keeping myself busy with this birthday gift I intend to give to Jupiter while Ashton was working on his table.
“I draw and paint but I rarely do it. Feeling ko nga ang pangit ng gawa ko.”
Marahang ngumiti siya sa akin at tumayo upang lapitan ako.
“It's beautiful, love. I love how you copied every detail of his face like a pro,” aniya at umupo sa tabi ko.
“Really? Magugustuhan niya kaya ‘to?”
“He'll love it.” Nilingon niya ako. “I was reminded, you never gave me a gift on my birthday.”
Tinaasan ko siya ng kilay.
“Baka nakakalikutan mong pinagtatabuyan mo ako noon? Tapos gusto mo ng gift? Gold ka ba?” mataray kong turan.
Agad naman siyang napasimangot.
“I just thought...”
“Wala akong planong bigyan ka ng regalo no'n,” diretsahan kong saad. “Hindi ako ‘yong tipong nagbibigay pa rin ng kung ano-ano kahit na ayaw sa akin ng tao. Ayaw mo sa akin, e di fine. Pakialam ko?”
Mas humaba ang nguso niya. “I'm sorry,” mahinang sambit niya.
“It's all in the past now,” balewala kong sagot.
“But I'm still jealous.”
“Why?”
“You draw Jupiter. You're giving him a gift. A gift personally made by you. How can he be more lucky?” Mariin siyang pumikit. “Tas ako...”
Mahina akong natawa sa pagiging isip-bata ni Ashton.
“Nagseselos ka ba o nagtatampo?” nakangisi kong tanong.
“Pareho...”
Hindi mawala-wala pagnguso niya habang nakatungo. Ngayon ko lang nakita ang side na ‘to ni Ashton kaya imbes na maawa ay natutuwa pa ako.
“H'wag mo akong pagtawanan, Ashley Renee...” He groaned.
“Are you aware that you're acting like a child right now, Alpha?”
“You're teasing me,” aniya.
Inosente ko siyang pinagmasdan. “Am I?”
Nilingon niya ako at pinaikutan ng mata.
“You're making me too soft, mahal,” sambit niya.
Napangisi ako at niyakap siya mula sa gilid.
“You have a lot of endearments for me. Babe, baby, love, mahal. Baka dagdagan mo pa ng darling at sweetie ah?”
“You don't like it?”
“I like it.”
Tumango siya. “I don't know why, too, but I just like calling you sweet endearments.”
“Sure, baby,” I said and kissed his neck before pulling away from the hug. “Ayusin ko muna ‘to. Magpapa-frame pa ako.”
“Okay. See you later, babe. I love you.”
Muntik akong matumba nang muling narinig ang mga katagang iyon. Napahawak ako sa dibdib ko at umiling.
“Jusko. Aatakehin ata ako dahil sa ‘yo,” bulong ko.
BINABASA MO ANG
The Dangerous Princess: The Blue-Eyed Lady
FantasyCOMPLETED "The famous Ashley Renee Evergreen McKnight," mababaw na tumawa si Morgan, ang witch na may hawak kay Jupiter. "Nandito ka lang pala nagtatago. Alam mo na ba kung anong nangyayari sa mundo mo?" Nilingon ko ang paligid at batid ko ang pagka...