Chapter 3

12.4K 485 37
                                    

After talking to miss Carlenstine about what happened, making sure that Blake and Ley were safe, and bidding goodbye to my family with a few reminders from my parents, here I am. Standing somewhere in an abandoned building.

Naramdaman mo saglit ang pagkakapos ng aking hininga at pagkahilo kaya agad akong humanap ng pwedeng sumuporta sa bigat ko kung sakali mang bumagsak ako.

Sumandal ako sa pader at mariin na pumikit.

Their air is way far different from ours.

It isn't clean. Amoy ko ang iba't ibang kemikal mula rito at masakit ito sa lalamunan.

O sadyang hindi lang ako sanay.

Nanatili muna ako sa ganoong posisyon hanggang sa masigurado kong maayos na kalagayan ko.

Umayos ako nang pagkakatayo at muling tiningnan ang nasa paligid ko.

The place seems abandoned. Sa sobrang dumi at dilim ng lugar na ito, mapaghahalataang walang taong tumatambay dito.

Mahigpit kong hinawakan ang aking bag saka nagsimulang maglakad. May pabaong ginto ang mga magulang ko sa akin baka sakali raw na maubusan ako ng pera. Pero mahigpit na bilin din nila sa akin na h'wag magastos.

I'll just go change this gold into money, para makabili na ako ng mga kakailanganin ko rito sa mundong ito.

I have myself prepared, actually. I know where exactly to go. But since I still have money, I guess I will not touch this gold for the meantime.

Lumabas na ako sa abandunadong building na iyon at naglakad nang ilang minuto bago bumungad sa akin ang tunay na mundo ng mga mortal na tao.

I guess I am somewhere near a city. It isn't crowded but it isn't silent, too. It was just a little busy. May mga sasakyan na dumadaan at nakikita ko mula rito ang iilang malalaking gusali na nakatayo.

I've been here before but it still hits different whenever I step my feet here in this world. It always feels like my first time.

Lumingon ako sa paligid upang maghanap ng taxi na pwedeng maghatid sa akin sa Miztac Town. I planned all of these already. I already know where to live and how to live there. I can't fire a gun without a bullet. I can't just come here without doing some background researches and making plans.

Nang makasakay na ako sa taxi ay sinabi ko na ang lugar na pupuntahan ko.

"Sa Miztac Town po," ani ko.

The driver looked at me weirdly through the front mirror.

Miztac Town was my unexpected choice of place to live in. Habang naghahanap ako ng lugar sa internet na pwedeng tirhan, aksidente kong na-click ang isang link tungkol sa Miztac Town. It is a small town away from this busy city. Surrounded by a forest making it look secluded and mysterious. And I guess it was the best place for me.

Base rin sa research ko, walang masyadong nagpupunta roon. Bali-balita kasi na kung sino man ang pumupunta roon ay hindi na nakakalabas ulit. No one knows what happened.

“Miss, hanggang sa may boundary lang kita maihahatid. Wala kasing sasakyan ang nagtatangkang pumasok sa kagubatan doon. Kung balak mong mag-camping, binabalaan na kita, ‘wag ka sa lugar na 'yon. Maraming kaso ng nawawalang mga tao pagkatapos magpunta sa Miztac Town. Baka maging biktima ka pa,” saad ni manong.

Tipid akong ngumiti. “Naiintindihan ko po. Salamat pero doon kasi ako titira. May binili na ho akong bahay doon e. Sayang naman po kung hindi ako matutuloy doon,” sagot ko.

Hindi na ulit umimik si manong at nagpatuloy lang sa pagmamaneho.

Pagkatapos ng halos isang oras ay tumigil na ang sasakyan.

The Dangerous Princess: The Blue-Eyed LadyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon