"Wala ka bang gagawin? Kanina ka pa nami-miste sa akin ha," tanong ko kay Mars.
"Mukha kasing kailangan mo ng kasama ngayon. Kawawa ka naman," pang-aasar niya.
"Actually, I prefer to be alone than to be with you. Kaya very much appreciated ko kung aalis ka ngayon sa harapan ko," mataray na sagot ko.
"Wow. Diring-diri sa akin? Ha? Sa pogi kong 'to? Aayawan mo ako?"
Tinaasan ko siya ng kilay. "Firstly, mister, hindi kita type, kaya kahit gaano ka pa kapogi sa paningin ng iba, pangit ka pa rin sa paningin ko. Secondly, malandi ka, maharot ako, kaya nagkakasundo tayo sa mga bagay na pang-haliparot. Thirdly, hindi kita type. Uulitin ko lang para hindi mo makalimutan."
"Kung makadiin, akala mo naman ang ganda-ganda niya," aniya.
"Bakit? Hindi ba? Ikaw mismo nagsabi kanina!"
"May sinabi ba ako? Lasing ata ako kanina."
"Lasing sa pagmamahal sa akin?"
Nakangiwi siyang lumingon sa akin. "Totoo nga. Ang harot mo."
Napatawa ako nang malakas. "Mind you, ikaw unang humarot sa akin!" saad ko.
"Oo nga, pero ikaw naman ang nagpatuloy," sagot naman niya.
"Tayong dalawa ang nagpatuloy. Gusto mo pang akuin ko ang kasalanan mo ah," anang ko.
"Bakit? Kasalanan ba ang mahalin ka nang lubusan?" nakangising tanong niya.
Walang pasisidlan ang tawa ko sa tanong niya. "And here you are, telling me that I'm maharot."
"Maharot ka naman talaga," sabi niya.
"Pero mas maharot ka?" tanong ko.
"Oo. Ata."
Tuluyang nawala ang inis ko dahil sa nangyari kanina. Pati na rin ang inis ko sa kaniya. Mars is a kind of person na hindi nakakasawa at nakakabagot na kasama. He could make all those people around him smile without even trying. Nakakabwesit man minsan ang ugali niya, hindi pa rin no'n maaalis ang katotohanang siya ang nag-iisang taong hindi ako hinusgahan nang makatapak ako rito.
"Woy, Ashley! Nakakatakot ka! Kung makatitig ka sa akin, para bang mahal na mahal mo ako," untag niya sa akin.
Mas lumaki ang ngisi ko. "Bakit? Ayaw mo no'n?" biro ko.
"Do'n ka sa mate mo makipagharutan! Nakakatakot ka!" nakangiwing sigaw niya.
Napasimangot ako. Mate... Tsk. Ang mate ko, ibang babae ang gusto.
"Mate?" kunwaring inosente kong tanong.
Napakamot siya sa kan'yang batok. "Oo nga pala, hindi mo alam."
"Ano ba 'yon?" interesado kuno kong tanong.
"Soulmates," aniya. "Siguro alam mo 'yon. Soulmates tawag no'n ng mga tao."
"Oo. Soulmates," ulit ko. "Iyong love at first sight tapos forever na raw." Ningisihan ko siya. "Ayaw mong ikaw ang maging soulmate ko?" tanong ko sa kan'ya.
"Ang harot mo talaga, Ashley Renee! Kapag ikaw pinatulan ko, titiklop ka talaga," banta niya ngunit alam kong nagbibiro lang siya.
"Patulan mo na," hamon ko.
"Broken na broken ka ba talaga?"
"Bakit? Will you mend my broken heart?"
"Para kang tanga," aniya.
"Tanga sa 'yo," sagot ko.
"Ang harot mong nilalang," natatawang sabi niya saka tumayo. "Aalis na ako. Baka hanapin ako ng Alpha. Tumakas lang ako sa trabaho para lang makausap ka."
BINABASA MO ANG
The Dangerous Princess: The Blue-Eyed Lady
FantasyCOMPLETED "The famous Ashley Renee Evergreen McKnight," mababaw na tumawa si Morgan, ang witch na may hawak kay Jupiter. "Nandito ka lang pala nagtatago. Alam mo na ba kung anong nangyayari sa mundo mo?" Nilingon ko ang paligid at batid ko ang pagka...