Chapter 11

11.6K 465 265
                                    

I had a wide smile when I woke up the next morning. Masakit ang katawan ko pero kaya ko naman. Saka nagamot ko na rin ang pasa ko sa mukha. Hindi pa ito naghihilom pero I feel better.

Iba talaga ang kamandag ng first aid kit na binigay ni Ashton. Nakaka-good mood sa umaga.

Nakangiti ako akong pumuntang training ground. Maaga rin ako dahil naunahan ko pa si Mars na magpunta roon. Ngunit kahit maaga ako ay medyo marami nang nagte-training na hunters sa ground. Hindi ko alam kung ilan eksakto silang hunters pero sa napapansin ko, mukhang 30 or mas marami pa.

Agad ko ring namataan si January na nakaupo sa gilid at nakatitig sa bawat galaw ng dalawang hunters na nagspa-sparring hindi kalayuan sa kinauupuan niya.

Lumapit ako sa kan'ya. "You're early," ani ko.

Lumingon naman siya sa akin n umupo ako sa tabi niya.

"Akala ko kasi maaga kang pumupunta rito, kaya inagahan ko na rin," sagot niya at tinitigan ang mukha ko. "Sorry pala sa ginawa ko sa mukha mo."

Ngumiti ako. "It's okay. Mawawala rin naman 'to. Saka hindi naman masakit."

Bigla niyang pinisil ang pisngi kong may pasa kaya napa-aray ako.

"Akala ko ba hindi masakit," sabi niya.

"Syempre, masakit kasi pinisil mo! Ikaw kaya magkapasa tapos pisil-pisilin ko mukha mo?"

Mahina siyang natawa. "Sorry. Nakalimutan kong tao ka pala."

Natahimik ako at tinitigan siya. Tao ako? What does he mean? Na sila hindi?

"You mean?" nagtataka kong tanong.

Umiling lang siya at ngumiti. "Wala," sagot niya bago tumango. "Training na tayo."

I learned from him that he's just 18 years old like me. Kaka-18 lang daw niya and a very late bloomer as he call himself. Mas matanda lang ako ng buwan sa kan'ya. At first, I was shocked. Alam kong binata pa siya dahil sa baby face niya, but his body is mature. Maskulado siya't mukhang nasa mid 20's na, kaya medyo nakakagulat ang sinabi niya sa akin. I wonder how old those other hunters are.

Tumayo na lamang ako at sumunod sa kan'ya. Ako na ang magiging personal trainer niya at mas kumportable ako roon kesa doon siya sa mga mapanakit na hunters. They kept on telling me that's it's way of training newbies pero ayokong tanggapin ang rason nila. They torture people, for Pete's sake! Gah. Screw their reasons.

"Physical combat again?" tanong ko kay Enero.

"Yes. Gusto ko munang ma-master ang pisikal na pakikipaglaban bago sanayin ang sarili kong gumamit ng mga sandata," aniya.

Tumango ako. "Okay. Good."

Pagkatapos ay nagsimula na akong magbigay ng advice para sa training namin na seryoso naman niyang pinakinggan. Habang umaatake siya ay pinupunto ko rin ang mga mali niya. Tuwing nakakatama siya sa akin, hindi ko maiwasang mapangiwi. Masakit, syempre. Hindi naman maipagkakailang malaki ang katawan niya't malakas siya. Pero iniinda ko na lang dahil sigurado akong hindi
naman ma
gtatagal itong pagtuturo ko sa kan'ya.

It was past 12 pm when we decided to end the session. Halos kakaunti na lang ang nandoon dahil dapat ang training ay hanggang 11 am lang. Masyado akong naaliw sa pagtuturo sa kan'ya at willing naman siyang matuto kaya hindi namin namalayan ang oras.

Nagbihis ako saglit sa isang comfort room malapit sa training ground bago sumabay kay Enero papunta sa isang  kung saan madalas kumakain ang mga hunters.

I was wearing a black fitted V-neck t-shirt and a black tight jeans when I went out. Agad naman siyang sumipol nang makita ako.

"Black looks good on you. You look hot," komento niya.

The Dangerous Princess: The Blue-Eyed LadyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon