Maaga akong nagising kinabukasan. Ninakaw ko ang kabayo na nasa likod ng bahay nina Mars at napagpasyahang mag-ikot-ikot sa kagubatan. Hindi ko alam kung bakit naisipan ko 'to pero ramdam kong kailangan kong makahinga mula sa mga panghuhusga nila.
May iilan nang gising at nakita ang aking ginawang pagkuha sa kabayo nina Mars pero hindi ko na inintindi. Masama naman na ang tingin nila sa akin, bakit ko pa sila papansinin? Mag-e-explain nalang ako sa mga Chasseur mamaya pagbalik ko.
Nakasakay ako sa likod ng kabayo papunta sa likod ng bahay ko na nakakonekta sa malawak na gubat at pumunta sa pinakasentro ng kagubatang ito. Nang masiguradong walang sumusunod sa akin o walang ibang presensya na maaaring makapansin sa kapangyarihan ko ay bumuga ako ng hangin at napangiti.
I made a bow and arrow using my power. It was formed using light and darkness, giving me the combination color of white and black. It was enthralling and magical. Black and white fits perfectly.
Breathing in the fresh air, I tied up my hair and started my little escape.
"HAH!" sigaw ko at hinayaang dalhin ako ng kabayo ko sa kung saang parte ng gubat.
Malaki ang ngiti ko habang dinaramdam ang preskong hangin na humahampas sa aking balat. At nang makakita ng kunwari ay target kong puno ay kahit medyo malayo pa ay bumwelo na ako at itinutok ang aking pana't palaso sa tiyak na target.
One, two... three!
Saka ko binitawan ang palaso na sakto namang tumama sa mismong spot na gusto kong tamaan.
Bumuga ako ng hangin dahil sa tuwa habang patuloy pa rin ang pagtakbo ng kabayo. I did that for a couple of hours before I decided to head back home.
Home.
Sana talaga maaari ko itong tawaging home. But I don't know any place that I can call home. I don't even know where I belong. Because the person who's supposed to make me feel at home is pushing me away.
Breathing hard from my little adventure, I let my power hide inside me and turned around to walk back home while I hold the rope that was attached to the horse's head. Ngunit hindi ko inaasahan na nakaabang sina Mars, Ashton, Mr. Chasseur at iba ang hunters sa likod ng bahay ko kung saan kami nagtraining ni Enero noon na para bang hinihintay ang pagbabalik ko.
I heaved a sigh. Sermon na naman 'to.
Pagkalapit ko sa kanila ay agad akong nagsalita.
"Look, Mr. Chasseur, Mars, I'm sorry. Kinuha ko kaayo niyo na hindi nagpapaa—"
"ANO BANG NASA ISIP MO'T NAISIPAN MONG MAGGALA SA KAGUBATAN, ASH? ALAM MO BA KUNG GAANO KA-DELIKADO RO'N?" sigaw ni Mars.
What?
"Huh?" wala sa sarili kong sagot.
"PUNO NG MABABANGIS NA HAYOP ANG LUGAR NA 'TO, ASHLEY RENEE! NAG-IISIP KA BA?" galit na sigaw pa niya.
"Mars, calm down," ani Mr. Chasseur.
Imbes na sagutin si Mars ay humarap ako sa ama niya. "Sir, I'm sorry. I just feel like breathing, and it just happen that I saw your horse yesterday and decided to breathe through this," paliwanag ko sabay turo sa kabayo.
Kinuha niya sa akin ang hayop at tumango. "Walang problema sa akin. Sila ang kausapin mo," aniya.
Lumingon ako kay Ashton saka bumaling kay Mars.
"Mars, okay lang ako. I know what I'm doing," saad ko.
"Sure you do. Kakapasok mo pa nga lang sa gubat, diba?" sarkastiko niyang sagot.
BINABASA MO ANG
The Dangerous Princess: The Blue-Eyed Lady
FantasyCOMPLETED "The famous Ashley Renee Evergreen McKnight," mababaw na tumawa si Morgan, ang witch na may hawak kay Jupiter. "Nandito ka lang pala nagtatago. Alam mo na ba kung anong nangyayari sa mundo mo?" Nilingon ko ang paligid at batid ko ang pagka...