“Ashley can take the curse away from Jupiter,” walang inhibisyong saad ni mama Althea. “So as my daughter Fiona.”
“How, ma?” tanong ko.
She tilted her head a little while looking at me.
“Did you ever try?” tanong niya pabalik.
Umiling ako.
“You find it out yourself. It's an easy process but kinda tiring. It will drain your energy because that's a witch's spell we're talking about.”
“So I can do it? I can bring back Jupiter's eyesight?”
I was so hopeful and I have to make sure. Mars is here. I don't want to give him false hopes, especially now that it's about his brother.
“Light was taken away from him, Ashley. You are light, so you can give it back,” aniya.
“Sakop pa ba iyon ng kapangyarihan ko?” medyo kinakabahan kong tanong.
Tinaasan ako ng kilay ni mama Althea. “Did you forget that you're from the bloodline of the Reign?”
Natahimik ako at nilingon si Mars. May maliit na ngiti siya sa labi. Napangiti na rin ako.
Matutulungan ko na sila.
“So I guess it's okay now.” Mama Althea stood up gracefully. “I'll be going now. The other Gods and Goddesses are waiting for me.”
Tumayo na rin ako at mahigpit siyang niyakap.
“Thank you so much, ma,” bulong ko sa kan'ya.
Marahan naman niyang hinaplos ang buhok ko. “You're a good woman, Ashley. I'm glad you accepted your mate. The Moon Goddess is so proud of you.”
“Please guide us.”
“We will, anak. We will. You have our blessing.”
Pagkatapos ay niyakap niya si mama Fiona at papa bago tinanguan ang iba naming kasama bago umalis.
Wala naman kaming sinayang na oras at kinuha na ni Mars ang kapatid niya upang subukang ibalik ang paningin niya.
“Mama said the process will exhaust you. You have to rest after doing it, Ashley, understand?” paalala sa akin ni mama Fiona.
Tumango ako. Kinakabahan ako sa mangyayari pero alam kong kakayanin ko ito.
Si Ashton naman ay tahimik na hinahaplos ang braso ko na para bang pinapakalma ako. Alam kong ramdam niya ang kaba ko ngayon kaya ginagawa ko ang lahat para makontrol itong emosyon ko.
Pumasok sa bahay sina Mars kasama ang pamilya niya. Kita ko ang pagluha ng ina ni Mars kaya mas kinabahan ako.
Baka magkamali ako. Baka paasahin ko sila kapag walang nangyari. Ayokong masaktan sila.
“Baby, calm down,” bulong sa akin ni Ashton. “You'll do just fine. Calm down.”
He kissed my shoulder and hugged me from the side and I instantly calmed down.
“Ashley, salamat... Salamat sa tulong mo ngayon... Salamat nang marami,” anang Mrs. Chasseur. Halos lumuhod pa ito sa harapan ko.
“M-Ma'am, ayos lang po. Kahit sino ay gagawin ang gagawin ko ngayon para makatulong sa inyo,” nahihiyang sagot ko.
“Salamat... salamat...”
Patuloy pa rin siya sa pagbanggit ng salitang salamat habang itinabi ni Mars sa akin si Jupiter.
“Ate Ashley?”
Hinawakan ko ang kamay ng binatang nasa harapan ko.
“Yes, Jupiter?”
BINABASA MO ANG
The Dangerous Princess: The Blue-Eyed Lady
FantasyCOMPLETED "The famous Ashley Renee Evergreen McKnight," mababaw na tumawa si Morgan, ang witch na may hawak kay Jupiter. "Nandito ka lang pala nagtatago. Alam mo na ba kung anong nangyayari sa mundo mo?" Nilingon ko ang paligid at batid ko ang pagka...