Chapter 6

11.1K 437 52
                                    

Pag-upo ko pa lamang sa upuan ay ramdam ko na ang titig sa akin ni Mr. Chasseur at ang tensyon sa paligid. Para bang hinihintay nila na magkamali ako upang makumpirma ang kung ano mang hinihinala nila.

“Mark..." mahinahong bulong sa kaniya ni Mrs. Chasseur, nagbabanta.

Lumingon siya sa asawa at marahas na nagpakawala ng hangin. Tumango siya saka lumingon ulit sa akin.

"Let's eat," tanging anunsyo niya saka ginalaw ang pagkain.

Tahimik kaming sumunod at pinapakiramdaman ang bawat isa. Maging ang pagsubo at panguya ko ay sinigurado kong walang ingay, natatakot na baka kasalanan sa kanila ang pag-iingay. Si Jupiter lang ang parang kaswal na kumakain. Balewala sa kan'ya ang tensyon sa paligid. Ramdam ko rin ang palihim na pagsilip ni Mars sa akin.

I sighed and looked at them. I think it's not a good idea to stay here any longer although I just got here, too.

“I think I should go now," mahina kong saad.

Lumingon silang lahat sa akin. Si Mr. Mark Chasseur ay napataas ang kilay.

“Bakit naman, Ash?" tanong ni Mars.

Lihim akong napangiwi.

“You clearly aren't comfortable with me around. I don't want to ruin a moment that is supposed to be for your family." Tipid akong ngumiti sa kanila. "Thank you for the food."

Tumayo na rin si Mars.

"Pero nakakailang subo ka pa lang, Ash," pag-angal niya.

"Ayos lang. Hindi pa naman ako ganoon kagutom. Magluluto na lang ako pag-uwi tutal may pinamili naman na tayo," ani ko.

"Pero—"

"Let the lady go, Mars Chasseur," putol sa kan'ya ng ama niya sa dapat sasabihin.

"But ma, she's our visitor—"

"Your visitor."

"—and I don't think it's appropriate to let her leave just because you're making her feel uncomfortable," he continued despite his mother's sarcasm.

"She is making us feel uncomfortable. In our own house," mariin na tugon ng ginang.

"Ma—"

"Mars," tawag ko sa kan'ya at umiling-iling, pinapahiwatig na h'wag na siyang makipagtalo sa ina niya.

He sighed. "Okay. Pero ihahatid kita sa inyo. Ako nagsama sa 'yo rito kaya ako mag-uuwi sa 'yo."

Agad akong umiling. "Kumakain pa kayo, Mars. And besides, it's not like there's someone who'll scold me when I get home. I can go alone."

"Ash—"

"It's her choice to leave in the middle of our meal, anak. Let her be," singit naman ng kan'yang ina.

That, I felt offended.

"Ma!" nagbabantang suway ni Mars.

"And she's right. We can't eat properly and act like a family because of her presence. Let her leave."

Mariing pumikit si Mars. Nang dumilat ay humihingi ng pasensya ang mga mata niyang tumitig sa akin. Sinuklian ko ito ng tipid na ngiti.

"Ako na ang maghahatid sa kan'ya." At tumayo si Mr. Chasseur.

Napalingon ang lahat sa kan'ya.

"Pa..." Umiling-iling si Mars.

Tinapik ng ama niya ang kan'yang balikat at lumingon sa akin.

The Dangerous Princess: The Blue-Eyed LadyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon