Chapter 26

5.4K 269 65
                                    

May ilang beses na akong nakatungtong dito sa Magic World pero ilang taon pa lamang ako noon. Being here again after decades is nostalgic yet too surreal for me to believe.

Hindi maipagkakailang maraming nagbago sa mundong 'to. Kung meron mang isang hindi nagbago, iyon ang hangin nito. Masarap sa pakiramdam ang hangin dito at talagang malayong-malayo sa nakasanayan kong hangin sa Mortal World.

Ang alam ko'y nasa Magestics Academy ako. Dati naman kasi hindi aabot dito ang academy. Mukhang mas pinalaki nila ang akademya at siniguradong sakop nito ang portal. Kahit ako ay sang-ayon sa desisyon nila. Mas mababantayan nila kung sino ang pumapasok at lumalabas ng mundo.

Napabuntong-hininga ako. Mukhang wala akong ibang magagawa kundi lumabas dito sa tamang paraan. Ayaw ko namang magmukhang kahina-hinala dahil sa desisyon kong patagong paglabas kung nagkataon. Kung tutuusin ay baka makita ko agad ang mga magulang ni Ashley dito kapag sa normal na paraan ako dumaan.

"Who are you?"

I snapped my gaze at the young man sitting under a tree just a few meters away from me.

Nangunot ang noo ko. Kanina pa ba siya diyan? Ba't hindi ko man lang naramdaman ang presensya niya?

Mukhang kaedad lang nito si Jupiter.

"Are you a student here?" tanong ko.

He isn't wearing a uniform, that's why.

Tumango naman siya. "I'm a student here and I am taking advance classes kaya hindi ako nakasuot ng uniform."

His words were precise and his eyes were calculating. I know I shouldn't trust anyone despite the fact that this is where Ashley came from yet I found myself asking this kid about my main reason why I am here.

Maybe it won't be bad to ask him where to find the McKnights. I'm sure he knows them.

"Do you know where to find miss Fiona and Ash McKnight?"

His eyes suddenly turned sharp.

"What do you need from them?"

His tone made my wolf stir in disapproval. This kid is disrespecting me.

"I have some business to do with them, and it doesn't concern you," I said and gave him a sharp look in return.

"They are busy but I happen to know them well so maybe I can help you in meeting them," aniya. "If you give me one valid reason why I should help you."

"Why would I trust you?" mapanuyang tanong ko.

Nagkibit-balikat siya. "Just because."

Umiling ako at nagsimulang maglakad papaalis sa lugar na iyon.

"They know me. Hindi ko kailangan ng tulong mo para lang makausap sila," ani ko.

Ramdam kong tumayo rin siya at nagpagpag ng damit.

"Sure." Naging matunog ang pagngisi niya. "But do know where to find them? Itong Magestics Academy pa lamang ay siguradong maliligaw ka na. Paano na lang kapag lumabas ka? Saan mo hahanapin bahay nila?"

Huminto ako sa paglalakad at nilingon siya.

"Evergreen and McKnight. I'm sure everyone knows them. Who says I can't ask directions?" sagot ko.

Nawala naman ang ngiti niya.

"They won't trust you because you're an outsider," he hissed.

"Oh. They will," I said and smirked.

"Whatever."







Tama nga ang binatang iyon. Kahit nagtanong-tanong ako ay hindi madaling mahagilap ang lugar na sinasabi nila. Siguro nga ay dapat tinanggap ko na lang ang alok na tulong ng bata kanina. But I have no other choice now.

The Dangerous Princess: The Blue-Eyed LadyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon