Maya-maya pa ay sabay-sabay kaming tatlo ni Ashton, ako, at Mars na umakyat sa may mini stage na sini-setup nila tuwing may pagpupulong katulad nito sa training grounds. Nandito na ang lahat. Lahat sila ay nakangiti at mukhang inaasahan na ang balitang sasabihin ni Ashton. Tuluyang nawala sa mukha nila ang pag-aalinlangan sa presensya ko. Siguro dahil kahit papaano ay ramdam na rin nila ako bilang isang bahagi ng pack na inaalagaan nila.
Tumikhim si Ashton nang makaharap ang kan'yang nasasakupan.
“I know you already know what I'm about to announce but before that, I'd like to personally apologize for failing you as an Alpha,” panimula niya.
Nagtataka naman akong lumingon sa kan'ya. Anong pinagsasabi niya?
“I let Mars lead for a while because I was emotionally a wreck after what happened to my mate.” Nagnakaw siya ng sulyap sa akin. “Whoever who has a mate, I know you know the feeling of fear when you see your mate laying unconscious on the floor, covered with her own blood.”
They nodded in agreement.
“I couldn't work properly knowing my other half is still unconscious after a few days of being treated. I know I have to be an Alpha to you but...” Huminga siya nang malalim at may maliit na ngiting nilingon ang lahat. “This is my first being a mate to the only person destined to me. I only have this chance to show and prove to her my genuine feelings towards this amazing woman beside me, and so I was threatened when I saw her in the infirmary's bed. We are only starting to strengthen our bond, I don't want to lose her this early.”
“I am already hundreds years old.” He scoff when Mars silently laughed. “And all through those years, I was alone. Alam niyo kung gaano naging mahirap sa akin ang mga taong nagdaan. You saw me through my ups and downs. So now, I hope you understand why I chose to be a mate to my mate for a couple of days.”
Sandaling natahimik ang lahat, inaabsorb pa ang mga binitiwang salita ni Ashton. Mahigpit naman ang pagkakahawak ko sa kan'yang kamay.
I know he feels sorry for neglecting his duties as an Alpha for days just to take care of me when I was unconscious. He's been this pack's Alpha for almost his whole life. Siguradong bago rin sa kan'ya ang desisyong pinili niya noong mga nakaraang araw.
“Isa kang mahusay na Alpha sa amin, Alpha Ashton, at wala kaming karapatang ipagkait sa ‘yo ang karapatan mong alagaan at mag-alala sa iyong kapareho. Katunayan ay masaya kaming sa wakas ay nakikita naming masaya ka na,” lakas-loob na saad ng isa sa mga pack members.
“Ramdam namin ang takot mong mawala ang iyong mate, Alpha, at kahit ako ay pipiliing manatili sa tabi ng mahal ko hanggang sa gumaling siya. Saka lang siguro ako makakapagtrabaho nang maayos kapag alam kong maayos na ang lagay ng mate ko,” sunod naman ng isa.
“Wala kaming problema sa naging desisyon mo, Alpha. Alam naman naming hindi mo pa rin kami papabayaan kahit anong mangyari.”
“At masaya po kami na kahit papaano ay nagdedesisyon ka na rin po para sa sarili mo. Hindi iyong puro para sa amin na lamang ang desisyon na ginagawa mo.”
Nakangiti akong tumingin kay Ashton na ngayon ay may maliit pero sinserong ngiti na rin sa labi. Alam kong nakahinga siya nang maluwag nang marinig ang opinyon ng pack niya.
“Masaya ako dahil kayo ang naging pamilya ko,” sinserong aniya.
“At ngayon po gagawa ka na ng sarili mong pamilya!” sigaw ni Jupiter na nasa harapan.
Mahina akong napatawa sa kabibohan ni Jupiter.
“Oo nga.” Hinapit ako ni Ashton mas papalapit sa kan'ya. “Gagawa na ako ng sarili kong pamilya.”
BINABASA MO ANG
The Dangerous Princess: The Blue-Eyed Lady
FantasyCOMPLETED "The famous Ashley Renee Evergreen McKnight," mababaw na tumawa si Morgan, ang witch na may hawak kay Jupiter. "Nandito ka lang pala nagtatago. Alam mo na ba kung anong nangyayari sa mundo mo?" Nilingon ko ang paligid at batid ko ang pagka...