Chapter 30

5.6K 235 54
                                    

Wala kaming sinayang na panahon. Agad na napagdesisyunan ang pag-alis doon at ang pagpunta sa Vampire World.

Kinausap ko sina mama at King Shon tungkol sa sitwasyon namin at walang tutol naman ang hari tungkol sa mabilisang paglipat ng pack.

"I had their land ready for their return. Hinihintay na lang sila nito," ani King Shon.

Kung dati ay magkaibang mundo ang Vampire at Werewolf, ngayon ay magkaibang lupa na lamang dahil na rin sa nangyaring gulo noon sa pagitan ng dalawa na nagsira sa mundo nina Ashton.

Pabalik-balik ako roon para masigurado na ang lahat. May mga bahay na nakatayo na roon na labis kong pinagpapasalamat kay King Shon. Maging ang pagpapatayo ng pack house ay siya rin ang umasikaso.

"This is the least thing I could do for you and for them. Our kinds did awful things against them before and I somehow want to make it up to them."

Kinabukasan ay gumawa ng lagusan ang hari papunta sa Vampire World dito lang mismo sa Miztac Town para makaiwas kami sa kuryusong mga mata ng mga tao sa labas.

Ashton was holding my hand tightly.

"Are you okay?" tanong ko.

"I can't believe after years of staying here, we're finally leaving," aniya. "This place became our home. Miztac Town became our safe place and I can't believe we're going to say goodbye already..."

I gave him a sad smile. "I'm sorry."

"Why?"

"Hindi sana kayo magugulo kung wala ako."

"This is meant to happen, Ashley. We are meant to meet. You are meant to my Luna. And eventually, my pack is meant to leave this place. We are never bound to stay here longer."





"The whole clan of vampires are already aware of your existence. Pero hindi ibig sabihin no'n ay payag ang lahat sa naging desisyon ko. I hope you'll besr with some of our kinds if they don't welcome you warmly. No worries. Any action from our kind against you is punishable by the Vampire law. I'll make sure of that," ani King Shon pagkatapos ng ilang oras na pag-iimpake at pagpapalagay ng sarili sa bagong tahanan. Hindi naman maiiwasan na ang iba ay parang hindi pa rin mapakali. Lalo na ang mga matatanda na may alam tungkol sa nangyaring hidwaan ng dalawang lahi.

"We'll stay out of trouble," sagot ni Ashton. "Thank you for your help."

Napalingon ako sa papalapit na pigura ni tito Alvin sa gawi namin. Siya ang dating manliligaw ni mama na ngayon ay asawa ni tita Veronica.

"Ashley!" tuwang-tuwang tawag sa akin ni tito at niyakap ako nang mahigpit.

"Tito," bati ko pabalik sa kan'ya.

"How are you, darling?" malaki ang ngiti niyang tanong sa akin.

"Ayos lang po. We're just a little busy now that my pack's staying here."

Napalingon siya sa likuran ko. "Is he your mate? The Alpha?"

Tumango ako at marahang pinagsakop ang kamay namin ni Ashton.

"Tito, si Ashton po, mate ko. Ash, si tito Al Vincent, dating manliligaw ni mama."

Natawa naman si tito sa introduksyon ko sa kan'ya. Iyon kasi lagi kong sinasabi kapag pinapakilala ko siya sa iba.

"Iyan pa rin pala talaga lagi mong sinasabi, Ashley Renee," natatawang aniya.

"Dad!"

Sabay kaming lumingon sa humahangos na binata nang makalapit sa amin.

The Dangerous Princess: The Blue-Eyed LadyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon