#1-◆ When I dream ◆

140 8 7
                                    

*ALLY's POV*

Teka asan ako?

bakit ang dilim?

wala akong makita. Ang alam ko ay nasa kwarto lang ako kanina, ready to sleep na nga eh. Pero bakit parang nasa isang hindi pamilyar na lugar ako ngayon?

Rawr~

Awooo~

T-teka anu yun? waaa huhu may nag-awooo T.T multo ba yun? Waaa tae naman eh, takot ako sa multo.

Awooo~

"Kyaaaaaaaah!" Napatili nalang ako dahil sa takot. Takot talaga kase ako sa multo.

Nang makasigaw ako, ay sabay naman ang pagtahimik ng buong lugar. Nakakapagtaka, kanina puro mga tunog aso at multo, ngayon kuliglig nalang ang naririnig ko. -_- Yung totoo asan ako?

Trinay kong maglakad para malaman kung saan nga ako napunta. Lakad lang ako ng lakad hanggang sa makarating ako sa isang lugar na mapuno at medyo maliwanag, natatamaan kase ng sinag este ilaw ng buwan ang mga daan dito. Buti naman at maliwanag na, pero ngayon ko lang namention na nasa gubat pala ako. Eh? anyare? kanina nasa kwarto lang ako ah? weird..

Napansin ko naman sa di kalayuan ang isang kweba na...

Potek! san bang mundo tong napuntahan ko -___-?

Saan ka ba naman nakakita ng iglo ( Tirahan ng mga tao sa alaska ) sa gubat??

Arrgg pinagloloko ako ng mga mata ko ah. To confirm kung iglo nga ang nakikita ko, lumapit ako doon. Nang makalapit ako. Napansin ko agad ang isang pintuan doon na may korteng parang dyamante.

"Huh? anu naman to?" pagtatanung ko sa sarili ko, tsk, tingnan mo nga naman, pati ako may defect nadin, kinakausap na ang sarili ko. Eh sino ba kakausapin ko? wala namang ibang tao dito. haay nevermind.

Napalaki nalang ang dalawang pares ng mata ko (alangang isa lang) ng magbukas ng kusa yung pinto. Aba automatic door itey. haha

Pero napapikit naman ang mata ko ng masilayan ang isang malakas na liwanag mula sa loob ng iglo.

And after siguro ng 10 seconds ay nawala din. Kaya napamulat naman din agad ako.

0______0!

Anung kalokohan to?

Where really am i now?

Yan nalang ang pumasok sa isip ko nang makita ang isang pambihirang tanawin sa loob ng iglo.

Maski siguro baliw maloloka pa lalo sa makikita nila dito eh.

Ikaw ba naman makakita ng iglo sa gitna ng gubat na wala namang yelo. Tapos ngayon, Susmarya paano naman nagkaroon ng water falls sa loob ng iglo?

-_____-

Sabihin ninyo nga sakin kung sinong baliw ang may gawa nito, at talaga naman, napakagaling nya. Panu naman napagkasya ang isang, napakaganda at napakalaking water falls sa isang iglo na kasing laki lang ng isang 6 foot na tao, kahit na ba mas malaki sakin ang iglo, aba, sino ba naman ang tanga na magsasabe na kasya pala ang sang napakataas na talon sa loob noon?

Ayts! Huuuu! wake up Ally think about it, mukhang nalipasan ka na naman ng kain kaya ka nakakakita ng mga di kanais-nais eh.

Pumikit ako para masiguradong imagination ko nga lang ito. Pero...

"Waaaaaaaaah!"

*bogssshh

May tumulak sakin papunta sa malalim na tubig ng talon. Potek papatayin mo ko!

The Last Gem [ ON GOING ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon