#6 ◆ History ◆

53 6 7
                                    

*AGHATA's POV*

Ilang minuto nadin ang nakalipas simula ng bumisita saakin ang aking kapatid, kasama ang taong hindi ko inaasahan.

Balot padin ako ng pangamba. Pangamba sa lahat ng aking nakita.

Ang mga bagay na kinatatakutan kong masaksihan, unti-unti ko ng nasisilayan. Simula sa araw na ito, alam kong magugulo na muli ang kasaysayan at hinaharap, pero alam kong may pagkakataon pa itong mabago.

Tumayo ako sa aking kinauupuang tela. Lumakad ako papunta sa lugar na may bintana. Binuksan ko ang isang bahagi nito upang masilayan ang mundo sa labas.

*wusssh~ ( Pag-ihip ng hangin)

Matagal-tagal narin na panahon. Marami ng nagbago sa mundo, lalo na sa lugar na ito. Pinagmasdan kong maigi ang tanawin mula sa labas ng aking tahanan, habang nakatanaw sa bintana sa aking silid. Umihip muli ang malamig na simoy ng hangin. Inumpisahan ko muling ngumiti.

Matagal na panahon ko na ipinangarap ang mga bagay na tulad ng payapang buhay na meron ako ngayon. Isang buhay na malabong maranasan kung mananatili ako sa panahon ng sumpa na iyon.

Itinaas ko ang aking kamay, at may dumapong maamong ibon sa aking palad. Hinaplos-haplos ko ang ulo nito.

"Munting nilalang. Masaya ka ba sa buhay na ito? Masaya ka bang maging malaya? Kahit na ang kapalit nito'y mawalay ka sa iyong pamilya?" Mahinahong tanong ko sa ibon, humuni naman ito. Alam kong sumagot ang nilalang na ito, ngunit hindi ko batid ang kanyang kasagutan. Lumipad siya muli, tiningnan ko ito habang unti-unti itong lumalayo saakin.

Labing-walong taon nadin ang nakalipas.

Labing-walong taon ko ng natatamasa ang kalayaan, na naranasan ko lang matapos ang taong iyon.

Naalala ko pa noon.

-FLASHBACK-

"Aghata anong ginagawa mo d'yan sa may bintana? Sinabi ko naman sa iyo na bantayan mo ang kapatid mo. Mamaya niyan ay umiyak na naman si Tyron." Sambit ng aking ina.

"Paumanhin ina. Naaaliw lamang ako sa mga tanawin dito malapit sa ating bahay. Gusto ko na muling makalabas." Nalulungkot kong sambit. Gustong-gusto ko na muling maranasan na lumabas at maglaro sa damuhan. Tumakbo ng malaya at mabuhay ng malaya.

"Anak.." Lumapit saakin si ina at umupo sa tabi ko, kasabay ang paghaplos n'ya sa buhok ko. "Alam mong hindi mo pa muli 'yan mararanasan ngayon. Ipagdasal na lamang natin ang pagtatapos ng digmaang ito."

"Ngunit ina, bakit ba kailangang humantong ang lahat ng ito sa ganito?"

"Dahil sa kasakiman anak. Labis na paghahangad ng kapangyarihan. Ito ang tandaan mo Aghata." Umayos siya ng upo at mariin akong tiningnan.

"Ang lahat ng labis ay walang maidudulot na kagandahan. Isa itong panandaliang kaligayahan, ngunit darating ang panahon kung saan ay sasabog ito at mawawala. Kung kaya't anak, hindi pagkasakim ang magiging sagot sa ano mang karangyaan, ngunit pagiging kontento ang magandang sulosyon. Hindi man maranyang pamumuhay, ngunit mapayapa at masayang mundo." Turan ni ina. Sa sandaling iyon ay naiintindihan ko na kung ano ang sasapitin ng lahat ng nangyayaring ito.

"Isa pang pakatandaan mo anak. Piliin mo ang sa tingin mong makakabuti sa nakararami at ipagpaliban ang iyong sarili. Hindi man ngayon, ngunit balang araw, ang disisyon mo ang magdudulot saiyo ng kaligayahang ninanais mo." At niyakap ako ni ina.

-END OF FLASHBACK-

Napakarami pang payo ang natanggap ko sa aking ina noon. Ngunit ang isang iyon ang naging huli at naging sandigan ko para matamasa ang hinahangad ko.

The Last Gem [ ON GOING ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon