*ALLY's POV*Kinakabahan man ako sa mangyayari, pero heto ako ngayon, sinusundan sina sir Nexus at ang hindi ko kilalang matandang lalaki, sa kung saan man sila pupunta.
Sa totoo lang, pwedeng-pwede ko silang takasan, kasi nasa likod lang naman nila ako eh. Pero there's something in me na nagsasabing, dapat ko silang sundan.
Ilang minutong lakaran lang ay nakarating na kami sa north gem. At lalong bumilis ang tibok ng puso ko ng malaman ko kung nasaan talaga ako. Sa office ng supreme court at dean. Napalunok nalang ako ng sunod-sunod bago kami tuluyang huminto sa isang malaking pintuan.
"Chairman's Office" yan ang nakasulat sa itaas na bahagi ng pintuan. C-chairman? D-dean? S-supreme court? T-teka anong nagawa ko para mapunta ako dito?
"Ms. Fawn tumuloy kana, wala kaming gagawing masama sayo." Napabalik naman ako sa katinuan ng magsalitasa harap ko si sir. Nexus. Nakatulala pala ako dito sa pintuan ng opisina, habang nasa loob na sila.
Unti-unti kong inihakbang ang mga paa ko sa loob ng isang malaking opisina.
"Umupo ka." Alok sakin lalaking nakaupo sa harap ng malakibg lamesa. So siya ang chairman? Sumunod naman ako sa kanya. Umupo ako sa upuan na nakaharap sa kanya, sa gilid ko naman si sir Nexus.
"Una sa lahat. As you can see, Im the dean's chairman here, so you know already my job here, am I right ms. Fawn?"
"O-opo." Kinakabahang sagot ko naman. Hindi ako mapakali, bakit ba kasi ako nandito?
"So lets just talk about, what is the real thing about your ability." Mahinahon nitong tanong saakin. But there's something in his eyes, something eagerness.
"A-ano pong ibig ninyong sabihin?" Bakit naman nila ako natanong tungkol dito? Hindi kaya?
"Sir. Chairman, yung tungkol po sa nangyari sa laro. Wala po akong matandaan, at ang alam ko lang ay nawalan ako ng malay sa gitna ng nagliliyab na dark forerst. Wala po tala--"
"Yes alam ko na ang tungkol d'yan. Gusto ko lang malaman kung saan ka nagmula? At ano ang tunay na ability mo?" Mas lalo akong kinabahan dahil sa tinatanong niya.
"G-galing po ako sa--" Bigla namang sumingit sa usapan si sir. Nexus.
"Galing siya sa mundo ng mga mortal."
"Hmm ganon ba?" Humalong baba naman ang chairman, ano ba kasing balak nila sa akin?
"So isa kang ice manipulator?" Napa-nod naman ako.
"At galing ka sa mga mortal?" I nod again.
"Sino ang mga magulang mo? May kakayahan din ba silang ganito?" Napatigil naman ako dun. Kakayahan? Ang pagkakaalam ko, ako lang ang abnormal sa amin.
"Wala pa po akong alam. Maski ability ko, hindi ko alam kung saan nanggaling."
"Nakapagtataka naman."
"Ako man ay nagtataka rin chairman. Pero ako pwedeng magkamali, siya na nga ang huli."
"Oo nga. Pero hindi kaba nangangamba? Paanong may natira sa kanila matapos nilang maubos at matalo sa digmaan? Alam mong dalwang klase ng imperyo nalang ang natira."
"Alam ko pero--"
"Uh, excuse po. Hindi ko na kayo maintindihan at tsaka may klase pa po ako, tatlong araw na akong nakarest so kailang--" Pagputol ko sa kanila, pintutol din naman nila ako.
"Teka, anong type of ability ka napabilang? What class?" Tanong naman ng chairman.
"Isa siyang lower type, class D student chairman." Nakakapikon na din itong si sir Nexus. Palaging sumisingit, kaasar ha? Ako ang tinatanong pero siya ang nasagot.
"Lower class? Paano ninyo siya pinabayaang mapabilang doon? Now that you know na sapphira siya?!" Pasigaw niyang sabi kay sir. Nexus. Napayuko naman kami parehas sa takot.
"P-pero chairman ang sabi mo--"
"Ilipat mo siya ng upper class ngayon na Nexus! At wag na wag mo akong mapangungunahan!" Grabe nakakatakot siyang sumigaw. Agad na lumabas si sir. Nexus para daw asikasuhin ang paglipat ko.
T-teka, ako? Sa upper class?
"T-teka sir chairman, hindi ko pa po kayang maging upper class. Mahina pa po ang ability ko." Pagtutol ko naman, hindi pwede 'to mahina pa ako para sa mga upper class.
"Iyo nga ang balak ko." Mahina niyang bulong.
"Po?" Hindi ko 'to narinig.
"Ang sinasabi ko ay, hindi ka pwedeng tumutol sa akin. Isa pa, mas lalakas ka kung sa class S ka magsasanay. Sige na, bumalik ka na sa dorm mo at magbalot na ng mga gamit mo." Ayoko man, pero wala akong magagawa, utos na ito ng dean's chairman.
Nanlulumo akong bumalik sa lower class. Maiiwan ko na ang mga kaibigan ko dito. Nakakainis naman. Ano ba naman kasi yung sinasabi nila? Sapphira? Sino ako?
What the hell! Ni hindi ko nga alam kung saan nanggaling ang ability ko. Arrg, this is more difficult than I expected.
Haay life~
Dati normal lang akong tao, na namumuhay ng normal at nakakasama ang mga normal. But when I suddenly drop here? Everthing turns upside down, na hindi ko na alam kung ano ba ang totoo sa pagkatao ko.
*****
Another short update for today. Ayan po bumabawe na me :) haha.
Love love

BINABASA MO ANG
The Last Gem [ ON GOING ]
FantasyIts started in a history, ended by the legacy. Search what kind of fantasy this is, and know what would be its fate.