*ALLY's POV*Nilibot ako ngayon ni sir. Nexus. Kailangan pala talagang galangin ang matandang ito, lahat kasi ng mga nakakasalubong namin ay binabati sya ng may paggalang. Nahiya naman ako, baka sabihin nya pinalaki akong walang manners.
Sabi rin niya sakin, permanente na ko dito, at hindi na muling makakabalik pa sa mundo ko. At yun ang pinag-aamok ko kanina pa.
"Grabe naman sir. Nexus, ni hindi pa nga ako nakapag-paalam manalang sa kapatid ko. Ni hindi ko na nga nadalaw manlang ang puntod ng nanay ko. Tapos ngayon sapilitan ninyo akong pinakuha sa mundo ko, at dinala ako dito ng permanente? Unfair naman ata yun." Pagmamaktol ko, actually kanina pa.
"Hindi ko na kasalanan yun. At ginawa lang namin iyon dahil sa utos at para narin mailigtas ka kung sakaling bigla nalang lumabas ang ability mo sa lugar na iyon. Lubhang delikado sa parehas nating mundo." Paliwanag nya naman.
"Kanina pa kayo ability ng ability, eh wala naman ako nun. Normal po ako. Mukha lang abnormal pero normal talaga ako promise. Wala akong powers o ano man."
"Yun ang hindi mo alam, at malalaman mo palang. Hindi nagkakamali si Aghata sa kanyang mga nakikita." sambit nya.
"Aghata? sino naman yun? at yung sinasabi mong nag-utos sainyong kunin ako. Sino sya?" Pagtatanung ko.
"Hindi pa panahon para malaman mo ang mga kasagutan dyan. Sa ngayon, Nandito na tayo." Sabi nya at tumigil kami sa harap ng isang pintuan. Yung lugar namin ngayon ay parang isang apartment so i guess itong hinintuan namin ang magiging kwarto ko.
Kumatok sya ng tatlong beses, at may nagbukas ng pinto na isang babae. Maputi sya at blonde ang buhok.
"Oh, sir.Nexus? anu pong kailangan nyo?" Sabi nung babae. Mukhang nagulat nga sya eh.
"Inihatid ko lang dito ang magiging dormate mo ms.Lee." Sabi nya sa babae at biglang tumingin sakin. " Ms.Fawn ito na ang dorm room mo, magpakabait ka. At kung may tanung ka pa, itanung mo nalang kay ms. Lee alam nya ang isasagot."
"Teka sir--" Aangal pa sana itong babae ng bigla nalang nawala ng parang bula si mr.Nexus. At napabaling naman sya sakin ng tingin.
"Hehe helo. Pasok ka nga pala muna, welcome sa dorm ko, ay dorm natin na pala. Lika feel at home." Masaya nyang sabi sakin. Mukhang mabait naman sya. Umupo naman ako sa isang sofa at tiningnan ang buong kwarto, malinis ito at halata mong babae ang nakatira. Hmm mukhang magkakasundo kami.
"Hi! ako nga pala si Aiyen Lee, Aiyen or Yen nalang. Teleportation ang ability ko. Ikaw?" sabi nya ng makaupo din sa sahig habang nakaharap sakin. Teka may ability din sya? Obviously ako lang ang OP dito sa academy. Pfft
"hello, Ahmm Ally nalang ang itawag mo sakin. nice to meet you. ahmm anu kase, hmm panu ko ba ipapaliwanag to." Kinakabahang sabi ko, panu ko ba sasabihing wala akong ability chuchu na yan? Baka kase palayasin nya ako pagsinabe ko sa kanya.
"Hmm? anu yon?" Tanung nya naman.
"Kasi ganito yun Aiyen, sana wag kang mabigla. Pero, kasi wala akong ability." Deretsyahang sabi ko. Pero ako yata ang nashock, imbes kase magulat sya. Ngumiti lang sya. Eh?
"Haha naku di na bago yan. Haha wag kang mag-alala, sigurado akong meron kang ability. Sadyang wala pa sa oras o hindi mo pa ito napapansin." sabi nya at tumabi na sya sakin at inakbayan ako.
"Ganito kasi yan Ally, may mga kasong ganyan din dito. Akala nila nung una wala talaga silang ability, pero imposibleng makapasok ka dito ng wala yun." Paliwanag nya naman.
"Eh wala nga eh, isa pa sapilitan lang akong pinasok dito." Explain ko din. How many times will i explain to them na di nga talaga ako pwede dito.
"Its impossible na kunin ka nila ng walang dahilan. Hmm siguro ay hindi pa lumalabas ang ability mo. Hintayin mo nalang at lalabas din yan. hehe." At nag smile nalang sya, to convince me siguro.
"Hmm sana nga."
"Haha dont worry, maraming tutulong sayo para mapalabas yan."
"Ah ok." nasabi ko nalang.
TokTok
May biglang kumatok sa pinto.
"Oh buti naman dumating na siya." sabi ni Aiyen at tumayo na para bukasan ang pinto.
"Aiyeeeeeeen! sorry nalate ako. Si Cole kasi eh, ang hirap nya gisingin, baka kasi alam mo na? kaya ang hirap iwanan eh." Isang babae yan. Kausap nya si Aiyen. Baka kaibigan nya.
"Hay nako bat di mo nalang kasi isama yan si Cole? wala naman din syang gagawin dun eh."
"Ayoko nga mamaya nyan pagtulungan nyo na naman ako eh. Hmp never again."
"Uh, nga pala may roomate narin ako sa wakas."
"talaga? sino patingin, andito sya?" Tanung nung babae at saka tumingin saakin.
"Ow ikaw ba?" Sabay turo nya sakin. Nagnod naman ako.
"Hiiii!" maliksi syang lumapit sakin. Ang jolly nya.
"ah-hehe hello" sabi ko naman out of embarrasment, niyayakap nya kase ako ngayon.
"Hoy Namy wag mo naman syang harasin." Saway naman sa kanya ni Aiyen.
"Hindi ko naman hinaharas eh, niyayakap ko lang sya, sign of welcoming her. Duh, hehe by the way, anu name mo?"
"Ally, hehe"
"Wow cute name. Hi Ally, im Namy Winslow, nagmula sa angkan ng mga summoners at ako ang pinakamaganda, mwahaha" Pakilala nya, Summoner? as in...
"Tumatawag ka ng monster? Wow!" Nashock ako at the same time namangha.
"Yep, Pero type D palang din ako kase di ko pa masyadong kontrolado ang kapangyarihan ko. Ikaw anung ability mo?" Ayan na naman tayo -_-. Hays magpapaliwanag pa ba ako?
"Baguhan palang sya Namy, at di nya pa alam ang ability nya." Sabat naman ni Aiyen, buti naman at di ko na kailangan pa ulit magpaliwanag.
"Ow i see. Di mo pa natutuklasan? Ibig sabihin?"
"I thought so." sabi naman ni Aiyen. Anung iniisip nila?
"Hmm anyway, hintayin mo nalang hanggang maging burden na ang ability mo." Pagchi-cheer-up naman sakin ni Namy.
"Uh oo nga. Sana"
"Haha yehey may bago na namang friend. Wag kang mahihiya sakin ah?" Sabi ni Namy.
"Sige." at ngumiti nalang ako.
"Haha masanay ka na dyan Ally, maingay talaga yan si Namy. Haha diba Nams?" Pang-aasar naman ni Aiyen kay Namy.
"Hoy hindi kaya, friendly lang talaga ako nuh." At nagpout naman si Namy. Mukhang masaya sila kasama. I guess I found new friends. *smiles*
"Sya nga pala Ally, ipapakilala din namin sila Cole at Thera sayo bukas, kaibigan din namin sila." Sabi naman ni Aiyen.
"Tama at magugulat ka sa isa samin. hihihi" Gigle naman ni Namy. Eh?
___
BINABASA MO ANG
The Last Gem [ ON GOING ]
FantasyIts started in a history, ended by the legacy. Search what kind of fantasy this is, and know what would be its fate.