#11 ◆ Pains and Past ◆

33 3 3
                                    


*AIYEN's POV*

Naghahanda kami ni Ally ng pananghalian ngayon, medyo late na nga kaming naka-uwi eh. Buong maghapon kasi namin pinag-usapan ang booth na gagawin naming mga lower class, pero sulit naman kasi may naisip nadin kami. And sicret muna 'yun haha.

"Ally paabot naman nung pitsel at dalawang baso." Pasuyo ko kay Ally, sinunod n'ya naman. Pagka-abot niya nung baso ay umupo narin s'ya at sabay na kaming kumakain.

"Alam mo Yen, naeexcite na ako sa festival this week. First time ko ata 'to." Halata nga na-excited na s'ya. Napa-sigh naman ako, habang sinusubo ang pagkain ko. Ako? Ni hindi ako maexcite-excite sa bagay na 'yan.

"Yen? Okay ka lang ba?" Natauhan naman ako sa tanong na iyon ni Ally.

"Ah oo. Hehe sorry may naalala lang ." Tsk nakakawala ng mood, ganito ako lagi lalo na pagmalapit na ang festival.

"O...kay? Pero seriously talking Yen. Simula nang I-announced ni Tyron ang tungkol sa festival, wala kana sa mood. May problema ba? You can tell me, so I could help." Nag-aalalang tanong niya.

"Haha nako ok lang talaga ako Ally, don't worry." Ok I lied.

"Ah nga pala Ally. Bukas aalis pala ako ng maaga, kaya hindi na kita mapagluluto pa nang breakfast. Kung gusto mo diretso ka na nang downtown, may mga stalls doon." Paalam ko sa kanya. Downtown? Since nga malapit na ang pinaka-hihintay ng marami, ang festival. Dito sa PSA ay merong downtown, pero tuwing festival lang iyon binubuksan o ipinapakita sa mga istudyante. Iyon ang parang entertainment place tuwing fest, bukod sa taon-taon na booths.

"Ah ok lang. Hehe saan ka pupunta?" Tanung niya.

"Sa taong matagal ko nang 'di nakikita. Hehe." At napa 'Ahh' nalang siya.

Matapos kumain ay nagligpit na kami ng pinagkainan at saka dumiretso sa kama para matulog. Maaga-aga kaming natulog ngayon ni Ally, pagod narin kasi kami.

---

Kinabukasan..

As Ived said last night maaga nga akong aalis. Kaya naligo na ako't nagbihis. Ni hindi na ako kumain ng almusal. Ayoko kasing maabutan doon ng kung sino.

Nang masatisfied na ako sa look ko, ay naghanda na ako para umalis. Mula sa dorm namin ay nagteleport na ako papunta sa bahay ng pupuntahan ko.

Within 3 seconds, luminga-linga ako sa paligid. Nandito na nga ako. Humarap ako sa unahan ko. At doon nakita ko ang taong pakay ko.

"Aiyen? Ikaw ba 'yan?" Napangiti ako nang bigla s'yang nagsalita. Mukhang tanda n'ya pa talaga ako.

"Tita Erin." Sambit ko ng makalapit ako sa kanya. Lumuhod ako para mapantayan ang kamang hinihigaan n'ya, nakaratay kasi s'ya dito.

"Ikaw nga. Salamat naman at nabisita mo rin ako." Masigla n'yang sabi habang pilit n'ya akong niyayakap. Niyakap ko naman siya at saka bumitaw at pinagmasdan siya. Namiss ko s'ya.

"Sorry tita ah. 'Di na kita nabibisita. Masyado na po kasi akong naging abala. Pasensya na po talaga." Mahigit dalawang buwan na rin kasi na hindi ko s'ya nabisita.

"Ayos lang, naiintindihan ko. Kamusta kana? Nagkita na ba kayo ni Ethan?" Pagkatanong n'ya noon, napa-iwas ako ng tingin sa kanya.

"Ay pasensya na iha. Hindi ko sinasadyang itanong." Paghingi niya ng paumanhin.

"Hehe ok lang tita. Ok naman po ako ngayon, marami nang kaibigan. Y-yung kay Ethan? Tita... Pasensya na po, hindi ko kayang harapin ang anak n'yo." Napayuko nalang ako. Pilit kong iniiwas ang sarili ko sa topic na 'to, pero bakit nauungkat parin?

The Last Gem [ ON GOING ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon