#15 ◆ End Game ◆

46 2 2
                                    

*3RD PERSON's POV*

Hila-hila parin ni Gray si Ally sa kung saan. Hindi batid nang dalaga kung ano ang balak at kung saan siya dadalhin ng binata, na kanina lamang ay iniwan siyang mag-isa sa madilim na kagubatan.

Samantala, naiwan naman doon na nakatayo at inis na inis si Kai. Hindi s'ya makapaniwalang babaliwalain lamang siya ni Gray.

Tss, wala talaga s'yang kwenta.

Asar nitong sambit sa sarili. Dahil din sa inis ay napagdisisyunan niyang wag na munang sundan ang dalawa. Umupo siya sa ilalim ng malaking puno, at umupo sa mga nakalabas na malalaking ugat nito. Iniligay niya ang dalawang kamay sa likod ng ulo niya at saka isinandal ang ulo.

Bakit ba napaka-importante ng babae'ng 'yun kay ama? Tsk isa lamang siyang ordinaryong nilalang.

Inisip niya kung bakit siya naging lihim na guardian nito. Noong unang panahon pa nauso ang mga tagapagbantay o guardian. Mga nilalang na nakalaan ang buhay upang maprotektahan ang mga importanteng tao sa bawat imperyo. Hindi lahat ay may kakayahang o may karapatang magkaroon ng tagapagbantay. Tanging mga importante o nasa lupon lamang ng mga tagapagmana ng imperyo ang mayroon nito. Kabilang ang mga dugong bughaw.

Isa si Kai sa mga tinatawag na guardian, ipinanganak siya upang bantayan ang prinsesang itinadhanang bantayan niya. Pero hindi n'ya pa ito nakikita at nakikilala ang tanging alam n'ya lang ang prinsesa'ng iyon ay ang mamahalin n'ya. 'Di man batid kung sino ito, pero ipinangako niya sa kanyang sarili na, mamahalin niya ang prinsesang iyon. Ngunit isang nakapagtatakang pangyayari, bakit ang isang ordinaryong babae lang ang binabantayan n'ya ngayon? Ni wala siyang makitang espesyal dito. Naalala niya ang sinabi nang ama.

"Kailangan mo siyang pangalagaan, kung ayaw mong hindi na makita ang pa ang prinsesa"

Ginulo-gulo niya ang sariling buhok dahil sa pagkalito.

Arrg sino ba talaga s'ya?

Isang tanung muli ang kanyang nasambit sa sarili. Bago siya makapagdisisyong sundan muli ang babaeng binabantayan n'ya.

Sa pagkakahila naman ni Gray kay Ally ngayon ay parang nagmamadali ito. Kanina pa kasi may nararamdamang kakaiba si Gray. Bukod sa kakayahan nitong magmanipula ng kuryente, kaya n'ya ring makaramdam ng kung sino man ang malapit na tao sa kanya, ito ay sa pamamagitan ng pagdama ng sariling koryente sa katawan ng bawat nilalang. Alam din ni Gray na may makakalaban silang dalawa ni Ally sa larong ito, ngunit hindi niya kilala kung sino ito. Kaya madali niyang hinila si Ally para maiwasan ang mga ito.

"T-teka saan mo pala ako dadalhin?" Tanung ni Ally sa kanya dahil kanina pa ito nagtataka sa ginagawa ni Gray.

"Pwede ba sumunod ka nalang?" Inis na sagot nito kay Ally, ang totoo n'yan hindi komportable si Gray na makasama ang isang babae, at lalo ng hawakan ito pero wala na siyang magagawa, imbes na iwanan itong patanga-tanga ay hinigit nya nalang ito kasama niya.

Ilang minuto din nilang tinatakasan ang inerhiyang nararamdaman ni Gray, at ngayon ay napatigil na sila matapos maramdaman ang paghina nito.

Huminto sila sa isang parte ng gubat na puro damo at malalaking puno lang ang makikita. Binitiwan agad ni Gray ang kamay na kanina n'ya pa'ng pinagtitiisang hawakan.

"A-ah anong ginagawa natin dito." Awkward na sabi ni Ally, hindi parin kasi siya komportableng makasama ang isang cold at nakakatakot tumingin na si Gray, isa pa, palagi siya nitong sinisigawan.

"We're safe here, for now." Nagtataka naman si Ally sa sinasabi nitong lalaki. Bakit naman sila magiging safe? At para saan? Paano ang hinahanap nilang susi?

The Last Gem [ ON GOING ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon