*ALLY's POV*
Nasa classroom na kami ngayon. At kami palang talagang 5. Yung iba nagstay pa kasi doon, para lang mang-chismis.
"Ok pwede bang ipaliwanag ninyo sakin yung nangyari? Anung klase ang mga yun? At bakit sila nag-rarambulan? Sino-sino sila?" Sunod-sunod kong tanong, andami ko kasi talagang katanungan.
"Ok Ally take it easy. Yung iba mong tanong di namin alam, but the others, we can explain to you. Pero si Aiyen na bahala jan. Nagugutom pa kasi ako, di manlang ako nakakain ng maayos kanina. So bye for a while." At wala pang 5 sigundo ay nawala na sya sa paningin namin, iniwan kaming gulo-gulo ang buhok dahil sa hangin na iniwan nya. Bale bumulusok kasi sya ng takbo so ayan nag-iwan ng malakas na hangin. Tsk.
"Hay nako kahit kailan talaga yung taong yun. Anyway, Ally kailangan mong malaman, na yung mga nakita mo kanina ay isang battle. Mukhang naghamunan na naman yung dalawang dating magkaibigan." Lalo lang pinalilito nitong si Aiyen ang utak ko.
"Aiyen malilito lang sya at dadami lang ang kailangan mong iexplain. Ganito nalang, magtanaung ka Ally at sasagutin namin yun as long as we can." Sumang-ayon naman ako sa sinabi ni Namy.
"May sense ka pa palang sinasabi Nams? Kala ko puro Tyron lang yan. Hahaha" Pang-aasar naman ni Aiyen.
"Tse. Oh Ally tanung ka na." Sabi nya sabay baling sakin.
Hmm napa-isip naman ako ng mga itatanung. Ah alam ko na, "Ok, yung kanina? Ano yung sinasabi nyong joined ability?"
"Ahh yun ba? Isa yung technic na kailangan ay 2 o marami ang gagawa. Ipagsasama ang bawat isang kapangyarihan para makabuo ng another power na mas malakas. Yung kanina, i bet ang DK5 ang gumawa nun." Paliwanag naman ni Aiyen.
"Ang DK5 or 5 Dark knights ang isa sa pinaka-malalakas na grupo dito sa academy Ally. Pinosses kasi ni ang 5 malalakas na ability. Lalo na ang Leader nila. Sino nga ba yun Aiyen." Sabat at tanung ni Namy.
"Si Zach Hawkwood. Fire manipulator sya. Mag-ingat ka dun, napakalakas nya." Payo ni Aiyen.
"Grabe nakakatakot naman sila. Anyway next question. Sino-sino ang DK5 at yung 2 kanina na may kasamang dragon?"
"DK5. Hmm. Kilang-kilala ko sila. Kaya ako na ang magpapaliwanag." Sabi ni Aiyen at umayos ng upo at sumiryoso ang mukha nya bigla. "Leader, Si Zach Hawkwood nga, Fire manipulator. Yung isang lalaki doon na nakatayo ang buhok na parang spikes ay si Iran Drymer, Storm manipulator. Kapatid nya yung naka-dress na red kanina, si Gwen Drymer. Yung nakanerd glass naman at maputi ay si Ethan Dio. Ash manipulator."
Pagkasabi nya nung Ethan biglang umiba ang timpla nya, parang naging malungkot sya. Eh?
"Aiyen?" Pagpansin ko sa kanya.
"Ah oo nga, haha sorry natulala ako. Anyway continue." Ang weird nya bigla. Hmm?
BINABASA MO ANG
The Last Gem [ ON GOING ]
FantasiaIts started in a history, ended by the legacy. Search what kind of fantasy this is, and know what would be its fate.