*ALLY's POV*"Huwaaaaat!! Bakit naman ganon agad-agad? Waaaah Ally bakit mo kami iiwan? Huhuhu." Grabe talaga makareact tong si Namy. Kanina pa siya nagwawala, dahil sa sinabi kong ililipat na ako ng department.
"Ally mag-iingat ka palagi doon. Kilala ko ang mga upper class. Nandoon yung mga nakalaban mo." Nag-aalalang sabi naman ni Yen.
"Oo nga eh. Sa totoo lang, bukod sa nandoon si Gray at Zach. Si Gwen, nandoon din, alam n'yo naman ang nagawa ko sa kanya diba?" Maiisip ko palang ang galit na galit niyang mukha, kinakabahan na ako eh.
"Hayaan mo nandun naman si Gray para protektahan ka ulit eh. Yiee, alam mo Ally parang destiny kayo. Palagi kayong pinagtatagpo eh. Kyaaah!" Nang-init bigla ang mukha ko.
"Ewan ko sayo! Ang yabang at ang sungit kaya n'ya saakin."
"Sus, ganun talaga sa umpisa 'yan. Ang boys na kasi ngayon ang pa-demure, wahaha." Hay nako, andami talagang alam ni Namy, puro kalokohan.
"Pero paano naman si sir.Tyron Ally? Iiwan mo na siya? Este diba trainor mo s'ya?" Bigla naman akong napatigil. Oo nga, isa sa mga taong napalapit na saakin dito sa lower class ay si Tyron. Hindi pa pala ako nakapagpaalam sa kanya.
"Oo nga Ally? Pero hayaan mo pag-alis mo, nandito naman ako para sa baby Tyron ko. Kyaah!" Nabatukan naman siya ni Aiyen. Haha kahit kailan talaga 'tong si Namy, haay nakakamiss ang ganitong mga scene.
"Hoy Namy, pang ilang baby mo na si sir Tyron? Una si Mirco ngayon si Tyron. Tsk tsk."
"Hoy Aiyen, dalawa lang silang baby ko 'no. Wala pa akong makitang ibang baby ko bukod sa kanila."
"Hindi ka gusto ni Mirco, hindi ka nga niya kilala eh. At lalong hindi ka gusto ni sir Tyron, dahil si Analie ang gusto n'ya. Diba Analie?" Nang-init naman ulit ang mukha ko. Ano ba naman kasing pinagsasabi ni Aiyen? Binibigyan nila masyado ng meaning ang pagiging close at mabait sa akin ni Tyron.
Pero teka, asan kaya ngayon si Tyron? Gusto ko sanang magpaalam sa kanya.
"Teka guys asan ba si sir Tyron?"
"Yiee bakit Ally? Aamin ka na ba sa kanya?" At alam kong cliche na masyado 'to pero, nang-iinit talaga ang mukha ko.
"Ang baliw mo talaga Namy. Gusto ko lang magpaalam sa kanya."
"Sus defensive hahaha pero try mo sa faculty. Andun lang naman siya lagi."
"Sige puntahan ko muna siya." At tuloy-tuloy na akong tumakbo palabas ng dorm, alam ko kasing hihirit pa silang dalawa eh, mamaya ko na sila proproblemahin.
Hingal na hingal akong nakarating sa tapat ng faculty ni Tyron. Kinatok ko ang pinto ng tatlong beses, pero walang Tyron na nagbubukas nito. Wala siya? Asam naman s'ya pumunta?
Hinanap ko siya sa buong department ng lower class, pero no signs of him. Hanggang sa makasalubong ko si Cole na nagkataong galing din sa faculty.
"Cole!" Tawag ko sa kanya, hindi parin pala ako nakapag-paalam sa kanilang dalawa ni Thera. Napalingon naman siya sa akin, at dali-dali siyang tumakbo papalapit sa akin.
"Ally! Uy nabalitaan kong ililipat ka na sa upper class. Congrats ah."
"Salamat Cole. Ayoko nga sanang umalis dito eh."
"Naku Ally, kung kami ang iniisip mo. Wag kang mag-alala, makakarating din kami sa upper class. Magsasanay kaming mabuti para mapabilang din kami sayo." Napangiti naman ako sa sinabi niya. Ang galing n'ya talagang magcomfort. "Ay ano nga palang ginagawa mo dito? Hindi ba dapat naghahanda ka na sa paglipat mo?"
"Si Tyron kasi hinahanap ko. Nakita mo ba s'ya?"
"Uhm nakita ko s'ya kanina, papunta s'ya sa gymnasium eh. Baka hindi n'ya pa alam na aalis ka na? Kasi kanina ka pa niya hinihintay." Bigla naman akong nanlumo, mukhang hinihintay n'ya nga ako.
"Ah sige Cole, pupuntahan ko na muna s'ya at magpapaalam ako."
"Sige bye."
Tumakbo na ako ulit papuntang gymnasium para mapuntahan ang trainor kong naghihintay parin sa ako kahit na aalis na ako.
Hingal na hingal ako ng makarating ako sa gym. Pero napawi 'yun ng makita ko na s'ya.
"Tyron!" Bigla siyang napalingon sa akin. Nag-aayos kasi siya ng mga dummy. Pero hindi ayos na nag-aassemble, kinalas n'ya ito.
Ngumiti siya saakin, lumapit naman ako sa kanya.
"Oh Ally. Akala ko hindi ka na magpapaalam sakin. Magtatampo na nga sana ako eh. Haha." Nakangiti n'yang sabi.
"Sorry hindi ako agad na nagpaalam. At Tyron sorry ah? Kasi ilang beses na din kitang hindi sinipot dito."
"Hmm sa totoo lang, nakakatampo nga 'yon. Pero ano pang magagawa ko? Haaay mamimiss kita." Ginulo niya naman ang buhok ko.
Ayts bakit n'ya ba lagi itong ginagawa sakin?
"Kasi ang cute mo. Hahaha." Sabay kindat n'ya naman.
"Hmp bakit ba lagi mong binabasa ang nasa isip ko?" Napa-pout naman ako.
"This is the last time, i'll be doing this to you. Masyadong malayo ang south gem para magkita ulit tayo. Isa pa alam kong tututukan ka nila doon. We've done this well Ally. So please, be the best ice manipulator ok?" Halos madurog ang puso ko dahil sa sinabi niya. Well dapat diba masaya ako't chinicheer up n'ya ako. Pero bakit parang nalulungkot ako, dahil hindi na siya ang magtuturo sakin?
"Ha-ha, bakit naman ganyan ka magpaalam sakin? Malapit lang ang south Gem 'no. At promise babalik ako dito sa lower class." Binigyan ko siya ng isang ngiting hindi ko alam kung totoo.
Pero nagulat ako ng bigla siyang nag-lean-forward sa akin. At ng pumantay na ang mukha ko sa kanya, bigla nalang siyang ngumiti.
Hindi ko alam kung gaano na kapula ang mukha ko ngayon, at hindi ko na alam kung normal pa ba ang paghinga ko pati ang tibok ng puso ko.
At halos mahimatay na talaga ako, ng bigla niyang hinawakan ang magkabilang gilid ng bewang ko.
A-anong gingawa n'ya?
"Muntik ka ng matumba." Sabi niya habang ganoon padin ang posisyon namin.
"T-tyron--" Hindi ko na naituloy pa ang sasabihin ko dahil, bigla n'ya nalang akong...
Hinalikan...
Sa pingi...
*dug dug dug dug
Parang mamamatay na ako sa bilis ng tibok ng puso ko. Alam kong OA pero, ng maramdaman ko ang labi niyang dumampi sa pisngi ko, parang bigla nalang akong kinoryente.
"Mag-ingat ka Ally." Iyan ang huli niyang sinabi saakin bago siya umalis sa gymnasium. At naiwan akong, sapong-sapo ang dibdib kong ang bilis ng tibok.
****
Another update!!
Haha isang scene para sa mga AlRon Shipper.Anong ship kayo?
#GraLy#AlRon
#KaiLy
Ano sa tingin n'yo? Haha makikiuso lang po ako. Tweet me here @IamElHyen with the hashtag #TheLastGemWP and your thoughts.
IWabYo~

BINABASA MO ANG
The Last Gem [ ON GOING ]
FantasyIts started in a history, ended by the legacy. Search what kind of fantasy this is, and know what would be its fate.