*Gray's POV*"Ano pang parusa ang gagawin namin sainyo'ng tatlo para lang magsalita kayo sa nangyari?!" Galit na sigaw sa amin ng chairman ng dean. Tss wala namang magsasalita sa amin, kahit pa ang anak niyang si Zach. Alam kong wala siyang alam, at lalo na itong mukhang unggoy na ito. Pero ako? Alam ko lahat ng nangyayari, but I choose to keep it, since hindi ko pa rin nakakausap ang babaeng iyon.
"You all wasting my time! Nexus, bring them all out of this school--" Naputol ang sigaw niya ng biglang lumuhod ang unggoy na kasama ni Zach. Napakunot-noo ako nang bigla siyang humagulhol ng iyak?
"Wag po please chairman, n-nagmamakaawa po ako wag n'yo po akong ipatapon sa fire dome. Sasabihin ko po lahat ng malalaman ko." Maiyak-iyak n'yang sabi. Lalaki ba talaga 'to? Tss how coward.
[A/N: Fire dome> Ito po ang dome kung saan ang mga istudyanteng nakagawa ng mabigat na kasalanan sa PSA ay ipinapatapon. Dito ay isinusunog sila ng buhay...]
"Okay sabihin mo. Ano talaga ang nangyari sa laro? At ano ang nangyari sa laro? At anon ang pinag-gagawa ninyong lahat doon?"
"Naglaban po kaming apat, kasama po ang isang babae. Una ay inutusan lang ako ni Zach na guluhin sila Gray para maatake niya si Gray, pero.." Sabay kaming napa-tss ni Zach after hearing him. What a bullshit! Napaka-gago talaga n'ya
Handa siyang manakit ng iba para lang mapatumba ako? Napa-grin nalang ako kaya napatingin saakin ng masama si Zach. Tss hanggang ngayon pala hindi parin siya tumitigil para lang mapatumba ako, now I know, hes always threatened on me.
"Pero gumana naman sana ang plano namin. Pero hindi ko akalaing, makikisali ang babaeng iyon. At hindi ko din po inaasahang malakas ang ability n'ya."
"Anong sinsabi mo? Sinong babae? Anong ability?" Napatayo ang ubaning chairman na ito matapos niyang marinig ang mga sinasabi ng lalaking duwag na ito.
"Hindi ko siya kilala. Pero isa siyang ice manipulator."
"Hindi maari ito!" Galit na napasigaw siya. Ako man ay hindi makapaniwala.
Is there really, a legend remains?
*ALLY's POV*
Analie...
Analie...
Anak...
T-teka sino 'yan? Bakit ang dilim ng paligid ko? Wala akong makita na kahit na anong liwanag.
Analie..
Ayan na naman yung kanina pa natawag saakin.
"S-sino ka?" Sigaw ko sa kawalan, wala talaga akong ibang makita kundi dilim.
Anak...
"M-mommy?" Sambit ko, pero imposibleng si mommy ang tumatawag saakin, hindi ganito ang boses ng mommy.
Analie ingatan mo ito, hanggang sa muli anak...
Pagkasambit ng hindi ko kilalang boses na iyon, may biglang liwanag ang lumitaw, napakalakas nito kaya napapikit nalang ako.
"T-teka sino ka? Anong anak? Anong iingatan ko?!" Sigaw ko muli sa kawalan, pero matapos noong liwanag, wala na ulit akong narinig na boses ng babae.
Bakit pakiramdam kong kilala ko ang boses na iyon kahit hindi?
Pinilit ko ulit tawagin yung nagsalita kanina, pero bigla nalang akong nagliwanag.
Ano 'to?! Bakit ako lumiliwanag? Bakit ako lumulutang?
"Aaaaaaah!"
"Ally gising ka na rin! Yen gising na siya!" Bigla ko nalang nakita ang sarili ko na nakaratay sa isang kwarto, habang nasa harap ko si Aiyen at Namy. Bakit kanina nasa madilim lang ako na lugar.
"Waaaah salamat naman at nagising kana rin Ally! Pinag-alala mo kami bruha ka!" Sigaw ni Namy.
"Anong nangyari?" Tanging nasabi ko, mukhang nag-aalala sila saakin.
Lumapit saakin si Aiyen at Namy, "Wala ka bang naaalala?" Tanong ni Aiyen. Umiling ako at tiningnan sila ng may pagtataka, " Ang alam ko lang nasa isang madilim akong lugar kanina."
"Malamang puro dilim makikita mo kasi tulog ka, haaay naku Ally almost 3 days kang tulog at walang malay dito." Tatlong araw?! T-teka nga paano nangyari 'yun?
"Bakit ako nakatulog ng ganoon kahaba? Ano ba talagang nangyari?" Tanung ko sa kanila at pinilit kong umupo mula sa pagkakahiga ko sa kama. Nagkatinginan naman yung dalawa.
"Seriously wala talaga s'yang maalala Yen? Eh paano natin itatanung sa kanya ang nangyari noong fest?" Sabi ni Namy kay Aiyen, napailing naman si Yen at napabaling ang tingin saakin.
"Ally, tatlong araw ka natulog dito sa infirmary simula ng nangyari noong festival. Hindi din namin alam kung bakit pero ang sabi ni sir. Nexus naubusan ka daw kasi ng energy at masyado kang napagod. Pero Ally wala ka bang naaalala noong nasa play room kayo?" Paliwanag ni Aiyen, ah ganoon pala ang nangyari, hindi ko matandaan.
"Meron pero--"
Toktok
Nagulat kaming tatlo ng biglang may kumatok sa pintuan. Si Aiyen naman ang lumapit doon at nagbukas ng pinto.
"G-good day po ano pong kailangan ninyo sir. Nexus at chairman?" Nagtataka at parang natatakot na sabi ni Aiyen doon sa kumatok, nasa pintuan si Aiyen pero hindi namin makita kung sino ang kinakausap niya dahil naka half-open lang yung door. Pero binuksan n'ya naman na ang pinto ng maayos at pinapasok ang kausap niya, napaurong naman bigla si Namy. Bakit kaya? Si sir. Nexus lang naman yan at isang di ko kilalang matandang lalaki. Umayos ako ng upo saka humarap sa kanila.
"Good day po sir." Sabi ko sa dalawa. Parehas silang siryoso ang mukha at tinitingnan ako ng siryoso at may pagkilatis.
"Siya ba ang batang Sapphira?" Sabi ng matandang lalaki na kasama ni sir. Nexus. Nagnod naman si sir sa kanya, sabay tiningnan ulit ako ng maigi.
"Hindi ko ito inaasahan." Siryosomg sambit ulit noong matanda. Kinakabahan ako sa usapan nila na hindi ko maintindihan.
"Ms.Fawn kailangan ka namin makausap." Sabi ni sir. Nexus saakin. Ano kayang pag-uusapan namin?
*****
ohorat! nakapag-update din! For almost a month din po akong di nakapag-update. sorry naman po, ako'y istudyante pa. and hanggang ngayon ay may pasok pa.may nagbabasa pa ba nito? ahaha please support :) Selemet, mehel ke keyeng mge readers!
BINABASA MO ANG
The Last Gem [ ON GOING ]
FantasíaIts started in a history, ended by the legacy. Search what kind of fantasy this is, and know what would be its fate.