#14 ◆ Versus ◆

36 2 0
                                    

*ALLY's POV*

Naglalakad-lakad ako ngayon sa kakahuyan dito sa dark forest daw. Ang dilim-dilim dito, parang nasa set ako ng isang horror film. Its really a dark forest. Nilalakasan ko na lang ang loob ko habang nilalakad ng mag-isa ang nakakatakot na lugar na ito.

"Walang kwenta pala ang Gray Harvor na iyon Hmp. Nang-iiwan nalang basta basta? Aba hindi na ba talaga uso ang gentlemen ngayon? Psh." Sabi ko sa sarili ko. Haaay wala naman akong maka-usap kaya heto 'Talk to myself' ang peg ko.

*Tshhhh

Napahinto naman ako sa paglalakad nang may marinig akong kaluskos sa may 'di kalayuan. Waaaah ayoko ng ganito T.T. Hindi naman ako makagalaw dahil doon.

Pinakiramdaman ko din ang paligid, baka anytime may biglang umatake saakin. Nako po hindi pa ako ready, ni hindi pa ready ang ability ko. Oo nga kung sakali, may sandata ako pag may biglang umatake saakin dito, pero ang masaklap, hindi ko pa alam gamitin at kontrolin ito.

*Tshhh

Nasundan muli ang kaluskos, at ngayon ay alam kong malapit na ito saakin.

*Tshhh

Papalapit nang papalapit ang tunog na iyon. Hanggang sa...

"Kyaaaah--- Hmm!" Bigla nalang na may tumakip sa bibig ko mula sa likod at hinila ako papunta doon sa isang puno, at sinandal ako dito. Ang harsh, ansakit nang pagkakasandal ko.

"S-sino ka?" Nanginginig kong sabi sa taong kaharap ko. Madilim kasi dito at tanging liwanag lang ng buwan ang nagsisilbing ilaw, pero hindi natatamaan ng liwanag ng buwan ang taong ito, kaya mukha siyang anino sa paningin ko.

"Tss, wag kang sumigaw baka matalo ka agad." Iritableng sabi n'ya. Teka lang, parang pamilyar yung boses na ito saakin.

"T-teka nga. Ikaw ba si?" Lumapit ako nang kaunti sa kanya para maaninag ko kung sino ang taong ito. Nang makalapit ako ng konte sa mukha niya, isang  nakabusangot na mukha nang napaka-yabang na lalaki ang nakikita ko. Letse naman, sa lahat ng makikita kong tao dito, at sa lahat ba naman ng hihila saakin, s'ya pa. Ang hilig n'ya talagang mangkidnap.

"Kai? Anong ginagawa mo dito?" Sabi ko ng pataray, tss hindi kami okay nang hambog na 'to 'nuh.

"Bakit hindi mo kasama ang partner mo?" Pagbalik n'ya nang tanong saakin. Iniba pa ang usapan haist.

"Ano bang pake mo? Bakit ka ba nandito?" Inis na tanong ko ulit.

"Wala lang napadaan lang, then I found you, acting like stupid here. Diba nasa game ka? Ba't hindi mo pa hanap--" Pinutol ko na ang sasabihin n'ya.

"Hoy stupid your face! Alam mo, ako ang naglalaro dito, kaya wag kang mangi-alam, bakit ka ba kasi nandito? Don't tell me?" Bigla naman akong may naisip na conclusion kung bakit s'ya nandito.

"Waaaaah! Ikaw ang kalaban namin nuh? Shit naisahan mo ako. Walang hiya ka talaga!" At pinagpapalo ko na s'ya sa braso n'ya

"Aray! Shit stop! Aray!" Sigaw n'ya sabay hawak sa dalawang braso ko at kinorner n'ya agad ako sa puno.

"Ma.sa.kit! Hindi ako ang kalaban mo! Sinabi ko na sayo na napadaan lang ako!" Sinigawan n'ya na ako sa mukha ko.

"Eh baki--" Naputol ang sasabihin ko nang may biglang sumigaw.

"Get off her!"

S-si Gray!

*KAI's POV*

The Last Gem [ ON GOING ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon