#2 ◆ Prime Stone Academy ◆

117 6 3
                                    


*3rd PERSON's POV*

Biglang nagdilim ang paligid ni Ally nang takpan ng panyo ng isang di kilalang binata, ang kanyang ilong.

Napilitan ang binata na gawin yun upang mapabilis ang sapilitang pagkuha niya kay Ally.

"Tsk, i didnt thought this would be hard." Iritableng sambit ng misteryosong binata. At kinarga ang walang malay na dalaga sa kanyang mga bisig, na para bang bagong kasal ang mga ito. At agad ng umalis sa lugar na iyon kasama ang walang malay na si Ally.

"Bakit natagalan ka? Akala ko di kana babalik? Tiyak na malilintikan tayo nyan pag di kana bumalik, at kung hindi mo nakuha ang babaeng yan." Sambit ng inip na inip na kasama ng misteryosong binata.

"Nahirapan akong makuha at paki-usapan sya. Mukhang di nya din nabasa yung sulat kaya hindi nya din alam." Saad ng binata sa kasama.

"Ah. Buti nalang at napatulog mo sya. Magiging madali nalang to. Teka nga alam mo ba kung bakit pinapakuha sa atin ang babaeng yan?" Patakang tanung ng binata.

"Hindi ko sigurado. Pero isang urgent ability rouse. Kaya minadali tayong kunin sya. Ang iba pang dahilan. Hindi ko na dapat pang sabihin." Paliwanag naman ng binata.

"Ah ok. Sabi mo eh." Saad ng binata, at ginawa ang kailangan niyang gawin.

-----

*ALLY's POV*

Arrg ansakit ng katawan ko. Parang naparalisa ako bigla dun ah.

Teka?

Nagblink blink ako ng eyes para makita kung nasaan ako, at kung buhay pa ba ako. Kasi remember nasa binggit ako ng kamatayan ng mawalan ako ng malay. Huuu~ hanggang ngayon ambilis padin ng tibok ng puso ko dahil sa kaba.

Mulat isang mata...

Mulat ng isa pa...

Nanlaki ang mata ko. O holly cow! Asan ako? Nasa heaven na ba? Bakit puro pute ang nakikita ko?

Waaaaa huhu patay na pala ako? Di manlang ako nakapag-paalam sa mga kaibigan ko. Ni di pa nga ako nagkakaboyfriend eh. Waaaah andaya naman.

Maluha-luha na ako dahil sa na-iisip ko. Patay na ko T.T. Walang hiya yung nakamaskara na iyon, killer sya! Humanda sya sakin, mumultuhin ko sya.

"Bakit ka umiiyak?" M-may biglang nagsalita sa may gilid ko. Napalingon naman ako sa may kaliwa ko habang naka-higa padin.

"Waaaaaaaaa--" Tinakpan na naman niya ang bibig ko -___- ang hilig nya dyan ah.

"Shh. Wag ka nga maingay. Kanina ka pa ah." Bwelta nya. Aba potek pati ba naman sa heaven nandun tong mamatay tao na to?

Pero teka lang, hindi pwede ang mamamatay tao sa heaven right? So it means.

"Hmmmm!" Pagpalag ko sa pagkakatakip nya sa bibig ko.

"Shh, tatangalin ko lang to kung di kana sisigaw ulit?" Sabe nitong nakamask na to.

Nagnod nalang ako, at tinangal nya naman ito ng dahan-dahan.

"A-ahmm, mr. Killer. Patay na ba ko?" Direct to the point kong sabi.

"Anung sabe mo? Killer? Patay kana?.... WAHAHAHAHAHA. Grabe. Hahahaha. You. Haha. Thought im a killer. Haha and i killed you? Ahahaha" At walang sawa na syang tumawa? Anung nakakatawa dun? At bakit tumtawa ang isang killer? Baliw na to swear.

"Ehem.. haha. Ok nakakatawa yun." Sabi nya ng makabawi na sa pagtawa.

"Eh totoo naman diba? Killer ka at pinatay mo ako kanina, at di ka pa nakuntento, sinamahan mo pa ako sa langit." Sumbat ko sa kanya. Loko kasi, may killer ba sa-- wait, patay na nga ba talaga ako. Hinaplos haplos ko ang mukha ko at tiningnan ang katawan ko kung buo pa. Buo pa naman, at nararamdaman ko pa naman ang katawan ko.

The Last Gem [ ON GOING ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon