*ALLY's POV*Isang linggo nadin ang nakalipas, simula ng dalhin ako dito ng sapilitan. Isang linggo nadin ang pamamalagi ko dito. How was my stay here?
Hmm, definitely weird but amazing. Dito ko lang naranasan ang mga bagay na malabong maranasan ko sa mundong meron ako noon. Haaay, dapat ba akong magsaya? Sa totoo lang, namimiss ko na ang mundo sa labas, yung mga kaibigan ko, at yung abnormal kong kapatid. Kailan ko kaya muli silang mabibisita, pati pala ang puntod ni mama 'di ko na nabisita.
Nasa dorm pala ako ngayon, ako lang mag-isa. Umalis kasi sila Aiyen at Namy. May kailangan daw silang gawin. So ako lang mag-isa dito. Inaayos ko naman ang mga damit ko, and yes may mga damit nadin ako haha, nabigyan na ako ni sir. Nexus, napagalitan pa nga ako eh, bakit hindi na daw ako nagpakita sa kanya? Eh s'ya nga ang 'di ko mahagilap. Bukod sa damit, binigyan n'ya din ako ng iba ko pang pangangailangan, tulad ng handbook ng PSA, tapos iba pang mga personal na gamit.
Natapos din naman ako sa pag-aayos ng mga damit ko. Tiningnan ko naman ang oras mula sa orasan sa dorm. Malapit na pala ako magtraining. Hehe limang araw na pala simula ng training ko kay Tyron. Marami nadin akong natutunan, like paano ko maha-hide ang ability ko sa public, and its very effective, to say na 'di ko na kailangang magsuot ng gloves.
Nagbihis na ako, since walang pasok ngayon at rest day, maglalakad-lakad muna ako. I want to explore the whole amenities of Prime stone academy. Matapos magbihis, lumabas na ako ng dorm at sinarhan ang pinto. Naglakad na ako palabas ng dorm. Marami-rami din ang mga istudyanteng nasa labas ngayon, mga sinusulit ang rest day.
Nasa labas na ako ng department. Hmm? Saan kaya muna ako pupunta? Ah! Maglilibot nalang ako sa west gem. Ang sabi kasi saakin ni Aiyen, may mini garden daw doon na madalas ay walang tao, pwedeng tambayan. Ilang minuto lang mula sa east gem kung saan nakapwesto ang dorm at academic sites ng lower class, ay mararating muna ang west gem. Nagdire-diretso ako at hinanap ang garden na sinasabi ni Yen.
At hindi naman ako naligaw, dahil nakita ko na ang hinahanap ko. Namangha ako sa ganda ng lugar. Marami ditong nakapalibot na peach na puno. May mga iba't-ibang klaseng bulaklak din, 'di ko na nga alam kung anong klase ang mga ito. Meron ding mga bench na sculpted.
Haay, all in all ang peaceful ng buong lugar. Naupo naman ako sa isa sa mga bench doon, pinagmasdan ko ang buong paligid. Kahit pala may pagka-weird itong lugar na ito, may mga parte rin palang normal lang at super peaceful. I wanna stay in this garden the whole day.
Hindi ko naman namalayan ang unti-unting pagbigat ng mga mata ko. Inaantok na ako, sobrang hangin kasi dito, nakaka-antok tuloy. Napag-pasyahan ko namang umidlip muna.
*KAI's POV*
Naka-upo ako ngayon sa taas ng puno dito sa garden of peace ng west gem. Pinagmamasdan ang babaeng matagal ko ng sinusundan. Tsk, ang hilig n'ya talaga mag-isa. Mamaya n'yan mapahamak na naman siya. Naalala ko tuloy, yung muntikan na siyang mabagok dahil sa nawalan siya ng malay sa cr. Mabuti nalang talaga at nasalo ko s'ya. Tss napaka-careless.
Natutulog s'ya ngayon. Haha kakaiba talaga ang tao na 'to. I decided to go near her, wala lang, gusto ko lang makita siya ng malapitan, baka maganda pala s'ya. Haha. Bumaba ako sa puno at lumapit sa kanya.
Nasa harap na n'ya ako ngayon. Tinitigan ko s'yang mabuti. Hmm? Maganda nga s'ya lalo sa malapitan. Pero tatanga-tanga, tsk sayang ka. Mabuti nalang at binabantayan pa kita? Kung hindi lang talaga...
Nagulat naman ako ng bigla niyang minulat ang mata n'ya. Fuck makikita n'ya ako. Tatalikod na sana ako para umalis ng biglang..
"Sino ka?" Takang tanong n'ya. Fuck this is not the right time. Tuluyan na akong tumakbo paalis, pero, shit ano 'to? Bakit 'di ko maigalaw ang paa ko? Tiningnan ko naman ang paa ko. Argg, may yelo. Tsk pinigilan n'ya ako gamit ang ability n'ya, wise girl tho.
BINABASA MO ANG
The Last Gem [ ON GOING ]
FantastikIts started in a history, ended by the legacy. Search what kind of fantasy this is, and know what would be its fate.