#12 ◆ Gem festival ◆

39 2 0
                                    


*ALLY's POV*

HAPPY FESTIVAL!! Haha Happy Gem festival pala. Napaka-saya pala talaga dito pagfest na,lahat ay excited.

Maaga kaming nagising para maayos ang booth namin.

Anong booth iyon? Wait for a while. Nasa loob na ako ng room namin, tumutulong ako na magbuhat ng gamit papunta sa booth, nasa may labas ng bawat department kasi ang mga booth. Bubuhatin ko ngayon ang isang medium size na karton na may lamang ibang tools, kaya mabigat. Bubuhatin ko na sana ito, ng may biglang humigit noon mula sa kamay ko.

"Trabahong lalaki 'to, bakit ikaw ang nagawa?" Sermon naman ni Tyron, habang buhat-buhat ang mabigat na box.

"Ah, wala naman kasi akong ginagawa, isa pa konti lang ang mga boys dito kaya naisip kong tumulong." Paliwanag ko naman.

"Kahit na, ang babae hindi dapat pinagbubuhat ng mabibigat." Sabi n'ya. Despite of the looks he has, his indeed a gentlmen, haay perfecto. Napangiti naman ako sa sinabi n'yang 'yun.

"O bakit ka nangiti d'yan? Pumunta kana du'n sa booth, doon ka tumulong, pero light works lang dapat ang gawin mo. Ok?" Aww, bakit ba s'ya ganyan? Baka mahulog na ako ng tuluyan sa kanya, at walang sumalo. Haha masakit 'yun.

"Yes sir." Sabi ko naman with a salute, napangiti naman s'ya. Umuna na akong maglakad sa kanya pabalik nang booth, pero habang naglalakad ay kinikilig-kilig ako. Haay anlandi ko din minsan hahaha atleast amindo ako.

Pagkarating ko sa booth namin, tumulong ako sa pag-assemble ng props and so on. And after one hour...

Teren!!

Wow ang ganda na nang booth namin. Napangiti naman kaming lahat sa team at napa-apir sa isa't-isa nang matapos namin ang booth.

"Great job guys. May booth narin tayo sa wakas." Masayang sabi ni Tyron habang nakangiting pinagmamasdan mula sa labas ang booth namin. Mukhang everthing is ok na, ready na kami sa opening ceremony, na ginawa rin ng mga kapwa kong lower class.

Hinati kasi kami sa dalawang grupo ni Tyron. Isang group na gagawa ng booth at isang group para sa gagawa ng props and presentation sa opening ceremony. Sa booth magkakasama kaming lima.

Excited kaming lahat na dumiretso sa gymnasium para sa opening ceremony, p'wera lang kay Aiyen. Actually simula noong umalis siya dahil may pinuntahan siya noong isang araw, sobrang tamlay na nya at hindi ko na halos maka-usap. Ewan ko ba? Maski sila Namy hindi rin alam kung ano ang nangyayari sa kanya.

Nang makarating kami sa gymnasium, agad naming nasilayan ang napakaraming tao. Wow marami rin talagang istudyante dito, nasa libo din ito. Lahat ay naghanap ng kanya-kanyang upuan. Marami rin tao kasi, sama-sama ang iba't-ibang class dito, maging ang mga lead boards or faculty nandito din para masaksihan ang opening ceremony.

Nakahanap naman kami nang mauupuan nila Namy sa may bandang gitna, kaya ok nadin kasi makikita parin namin ng malapitan.

Ilang sandali lang ay dumating narin ang dalawang MC na isang class A students, Si Murphee at Acel daw ang name. Ang class A ang naging organizer ng taong ito, kaya sila ang maghohost.

Tahimik ang lahat nang nasa loob ng dumating sila sa stage.

"Wow, a pleasant day for all of us here! Its just amazing to see all of the students here merging in this gymnasium. Well in behalf of the commitee, boards and the whole organizers of this most awaiting festival, a Happy Gem festival to all." Bati naman nang lalaking MC na si Murphee.

The Last Gem [ ON GOING ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon