*ALLY's POV*"Simula sa araw na 'to, ito na ang magiging kwarto mo ms.Fawn, ito ang susi." Paliwanag sa akin ni sir Nexus. Nasa tapat kami ngayon ng pintuan ng magiging permanente ko na daw na kwarto.
"May itatanong ka pa ba ms.Fawn? Kung wala na aa--"
"Teka lang po sir Nexus. Kailan po ako papasok sa klase ko?" Pahabol kong tanong sa kanya.
"Mamaya-maya lang ay magsisimula na ang klase ng class S. Susunduin nalang kita dito at ihahatid sa room mo. Sa ngayon ihanda mo na muna ang sarili mo." Matapos noon ay hindi na ako muli pang nakapagtanong sa kanya.
I sigh. Nakakamiss na agad ang lower class. Sana kasi malapit lang ang department namin sa kanila. Tiningnan ko ang susi na hawak ko.
"Hay nako Ally, wala ka na namang magagawa pa, nandito ka na, so just accept it." Sabi ko sa sarili ko, but of course sa isip ko lang 'yun.
I unlock the door, and start to open it. Napa-wow nalang ako sa kwarto ko. This is not big but also not small for me, sakto lang at medyo maluwag. And complete set na ang room ko, and ang pinaka-maganda sa lahat, ako lang mag-isa at walang kahati sa kwartong 'to.
Mukhang special treatment talaga ang binibigay nila sa mga upper class, that's too unfair. Nilock ko ulit ang pinto ng makapasok na ako ng tuluyan sa loob. Agad kong hinanap ang kabinet at kama ko. Pagkakita ko naman rito, agad kong bininyagan ang kama ko.
"Wiih ang lambot!"
Nakahilata lang ako dito at nakatingin sa kisame. I gasp, at kinausap muli ang sarili ko, but this time it is spoken.
"Haaay goodluck Dawn Analie Fawn. Siguradong another trials na naman ang maeencounter sa paglipat mo dito sa class S. Haay sana lang talaga may maging mga kaibigan din ako dito." And again I sighed. Whats worst than being a new student in the higher rank of ability users?
Nandito ang 3kings and ang dark knights. And all they want to do is to dwel. I don't even know if there is someone I can befriend in this class. Oh ghad kinakabahan ako.
Para maalis ang kaba ko, ipinikit ko ang mga mata ko at sinubukang umidlip kahit sandali.
Toktok
Naalipungatan ako ng may narinig akong katok mula sa pinto.
Ay patay, nakalimutan ko. Susunduin pala ako ngayon ni mr Nexus. At may klase ako ngayon. Dali-dali akong nagbihis ng uniform at nag-ayos ng sarili ko. Nako po, baka galit na si sir.
Patakbo akong pumunta sa harap ng pintuan na kanina pa may kumakatok. Bumilang ako ng tatlo, saka ito binuksan.
"Sir im sorry po talaga naka-- A-anong ginagawa mo dito?" Nagulat ako ng pagbukas ko ng pinto, iba ang nakita ko imbes na si sir Nexus.
"Haist ang bagal-bagal mo naman. Nakailang katok na ako dito ah." Inis na sabi nito at nakakunot pa ang noo. Napataas naman ang kilay ko at napa-cross arms ako. "Excuse me?! Bakit ka ba nandito ha?!"
"Tsk bilisan mo na malelate ka na." Pag-iwas nitong sagot. Aba! Tingnan mo 'tong taong 'to, nakakaasar talaga lagi ang presence n'ya.
"Hoy Kai wala akong oras sayo, at talagang malelate na ako kaya tabi d'yan!" Tinulak ko s'ya para umalis sa harap ng pinto, pero ang loko, imbes na umalis sa harapan ko ay nagpoker face pa at nakacross-arms.
"What the hell! Sinabi nang--" Natigil ako ng bigla niyang hawakan ang right wrist ko at hinila ako or more likely kinaladkad ako.
"H-hoy saan mo ako dadalhin?"
"Tsk ang dami mo pang sinasabi, bilisan mo nalang ang paglalakad mo." Tsk ano pa nga ba ang magagawa ko? Eh hinihila na n'ya ako. Pero kinalas ko ang pagkakahawak n'ya sakin.
"Tsk kaya kong maglakad mag-isa 'no." At sumabay ako sa kanya sa paglalakad.
"Teka nga Kai. Bakit ikaw ang nagsundo sakin? Asan si sir Nexus?" Nakapagtataka namang alam n'ya kung nasaan ako. "Inutusan ka ba n'ya."
"Wala ka na dun."
"Tss tinatanong lang, ang sungit mo!"
Naglakad na kami ng tahimik, wala ni isa saamin ang nagsasalita. Paminsan-minsan ko siyang tinitingnan, palagi siyang nakapoker-face at laging kunot ang noo. Tsk tsk, maaga siyang magmumukhang matanda n'yan. Mga ilang sandali lang, tumigil kami sa isang malaking bahay o parang palasyo. Binabantayan ito ng dalawang malaking cyclopes.
"T-teka Kai, may klase pa ako ngayon bakit mo ako dinala dito?"
"Dito nga ang klase mo, haist bakit ba masyado kang nakakairita?" Aba! Sumusobra na 'tong isang 'to ah. Susuntukin ko na sana siya, kaso napansin na ata kami ng dalawang higanteng cyclopes.
"Anong ginagawa ninyo dito? Diba dapat nasa loob na kayo?" Pagsita nito saamin. Binuksan na nila ang isang malaking gate, at bumungad saakin ang isang kamangha-manghang tanawin sa loob. Inside this big castle, there is a breath-taking place, or something like mall? Or what so ever. Ang ganda!
Paano ko ba ito ieexplain. Sa loob kasi nito ay may malawak at magandang open field, merong fountain ito sa gitna. And sa gilid niya ang isang malaking building at sa isang gilid ay isang gymnasium.
Paano nagkasya ang lahat ng 'to, sa isang castle lang? Weird, but what should I expect for.
"Isara mo bibig mo, konti nalang tutulo na ang laway mo. Tss how disgusting." Napahawak naman ako bigla sa bibig ko. Sinamaan ko ng tingin ang napakayabang na lalaking 'to.
"Tss ang yabang mo!"
Nagsimula na kaming pumasok sa loob. Nakaka-wow talaga, napaka-galing ng gumawa nitong lugar na 'to.
Umakyat kami sa building na tinutukoy ko kanina. Pagpasok dito, andami na bigla ng tao, pero mas marami parin pala ang mga estudyante sa lower class kumpara dito. Pero mas malaki ang department nila kaysa saamin. Mga ilang oras lang din ay tumigil kami sa isang kwarto, siguro ito na ang room ng class S.
Nakita kong isa-isa nadin nagdatingan ang iba pang class S. Pero kami ni Kai ay nanatili lang sa labas ng room, sabi n'ya kasi hintayin muna namin ang trainor namin bago kami pumasok. At maya-maya pa ay dumating nadin s'ya.
"Oh, ikaw siguro ang new student na sinasabi ni sir. Nexus? Congratulations nakapasa ka agad into upper class, I anticipate on what kind of ability you can show me later." Bati nito sa akin. Isang babae na dalaga pa, bata pa kasi s'ya at maganda.
"Salamat po." Napatingin siya bigla sa may likuran ko, si Kai.
"Mr.Froster anong ginagawa mo dito?" Takang tanong niya kay Kai. Kilala siya dito?
"Hello Saireen. Nice meeting you again. Nga pala hindi mo din ba ako iwewelcome sa klase mo?" Nakangiti nitong bati sa kanya. Magkakilala sila?
"Dont tell me isa karin sa bagong studyante ngayon? Paano naman nangyari 'yun?"
"That's not impossible." Ngumisi naman si Kai.
"Ah okay, sige please come in. Ipapakilala ko kayo sa class." Pumasok naman kami.
Ghad ito na talaga, ang moment of truth, papasok na ako ng Class S. Ano kayang mangyayari saakin sa araw na 'to.
****
Hello again! Sorry sa short update. Babawe nalang ako ulit ^_^
BINABASA MO ANG
The Last Gem [ ON GOING ]
FantasiIts started in a history, ended by the legacy. Search what kind of fantasy this is, and know what would be its fate.