*3RD PERSON's POV*Nang matapos ang mga pangyayaring naganap sa pagitan nila Gwen at Ally, ay agad namang nabalik sa normal ang mga istudyanteng nasa foodcourt. Ngunit lahat sila ay may pagtataka padin lalo na sa ginawa ni Gray Harvor.
Maging si Gwen ay patakang umalis na doon. Halo-halo ang nararamdaman niya sa mga oras na 'to.
Bakit nila tinulungan ang babae'ng 'yun? And to Gray? Hindi ako makapaniwala.
Tanging nasambit n'ya sa sarili habang naglalakad paalis ng foodcourt. Matapos kasing makaramdam ng takot, dahil sa matatalim na tingin na pinakawalan sa kanya ni Gray, ay napagpasyahan n'ya nalang na umalis na doon.
Samantalang sa kabilang banda ay isang inis na inis na Gray Harvor ang makikita. Patuloy padin kasi ang panunukso ni Mirco sa kanya. Pikon na pikon naman na si Gray, pero dahil wala sa mood ay napagdesisyunan n'ya nalang na pabayaan ito.
Sa isang banda naisip niya ang katangahang nagawa niya. Wala sa plano nila ang yakapin at ipagtangol ang babaeng hindi n'ya naman kilala. Ang plano ay atakihin si Gwen ng direkta, at kunin ito sa DK5 upang maging hostage. Pero bigo sila dahil sa palpak na nagawa ni Gray.
Maging si Gray 'man ay naguguluhan sa ginawa niya.
Damn you stupid! Ahh Im so idiot, bakit ko ba nagawa 'yun?
Laking inis ni Gray sa sarili, bukod sa mali ang nagawa n'ya, hindi n'ya rin lubos na maisip kung bakit n'ya nagawang hawakan at yakapin ang isang babae. Wala naman kasi sa bokalbolaryo niya ang pagbigay pansin sa mga babae, at lalong wala s'yang pakialam sa mga babae. Na isip n'ya, baka pagod lang s'ya kaya n'ya nagagawa ang mga hindi inaasahan.
*ALLY's POV*
"Hoy Ally! Ano na? Tulala ka parin hanggang ngayon? Wala ka na bang balak umalis d'yan sa pwesto mo?" Sunod-sunod na sabi ni Namy. Pero 'di ko s'ya pinakikinggan, ahmm? OA na ba'ng maiituturing kung hanggang ngayon 'di parin ako makaget over sa mga pangyayari? Uh kasi, hindi parin ako umaalis sa kinatatayuan ko hanggang ngayon. 'Di ko naman maigalaw ang paa ko.
"Haay hayaan mo na nga 'yan Nams, lets go guys, mukhang gusto n'yang maging statwa nalang dito sa foodcourt." Pang-aasar naman ni Yen. Sabay hila kayla Namy. Nabalik naman ako sa katinuan nu'n, ayoko maiwan 'nuh.
"Ah hehe sorry naman. Nadala lang haha." Sabi ko sabay habol sa kanila. Nako ayaw ko ng magtagal dun, pinagbubulungan na ako eh. Tsk ano ba kasing eksena ko kanina? Haist, pero hindi talaga ako maka-get over, haaay.
"Tss, nayakap lang ni Gray Harvor naging ganyan ka na? Grabe epekto ah." Pang-aasar naman ni Aiyen. So Gray Harvor pala ang name niya, ang gwapo ng name, haha.
"Baliw! Kung ikaw kaya yung nandoon tapos muntik kana'ng maprito ng kidlat?"
"Haha yung kidlat nga ba? O yung Ikaw kaya? Mayakap ng napakagwapong nilalang? Wahaha." Pang-aasar ni Cole, aba talagang ginaya pa boses ko. Psh, somehow she's true. Haha.
"Psh." Nasabi ko nalang, haha pahalata ako.
"Huhu Ally, napaka-swerte mo naman. Nayakap mo ang isang king. Waaah, nandun kanina si baby Mir eh, sana ako nalang yung nakaaway ni Gwendoline kanina, baka mayakap ako ni Mirco. Kyaaah." Ay? Ginusto pang mapa-away para lang mayakap ng king? Haaay nako.
Pabalik na kami ngayon sa room, next class na kasi si Tyron eh. Nako po, may atraso pa nga pala ako dun.
Pagkapasok na pagkapasok ko palang sa room, agad namang umingay dahil sa bulungan ng mga bwiset kong kaklase. Haaay, ang galing ko kasing gumawa ng eksena eh T.T.

BINABASA MO ANG
The Last Gem [ ON GOING ]
FantasyIts started in a history, ended by the legacy. Search what kind of fantasy this is, and know what would be its fate.