#7 ◆ First Sight ◆

56 3 2
                                    


Hello again :). Continuation po ito ng chapter 5, yung sequence lang po ng story, I mean. Baka malito haha.

****

*ALLY's POV*

Nagtitinginan parin kami ni Aiyen sa isa't-isa, yung tingin na may halong pagtataka? Pareho kaming nagtataka sa mga nakikita namin.

Nagulat naman ako ng magbuntong-hininga si Yen. "Haaay. Nakakashock ah. Muntikan na akong atakihin sa puso nang makita kang walang malay d'yan sa sahig. Tapos makikita ko pa balot ito ng yelo? Hindi ko inaasahan ang ability mo Ally." At nagpout siya. Haha mukhang nakarecover naman agad s'ya.

"Ako din naman. 'Di ko din alam kung ito ba talaga ang ability na meron ako." At nag-sigh nalang din ako.

"Pero paano mo naman maipapaliwanag yung bigla mong paghawak sa lababo, tapos nabalot din iyon ng yelo, tapos ng hinawakan mo ulit, nawala ulit. Hmm, teka nga. Para malaman natin kung ability mo nga iyon o hindi. We have to test it." At lumapit siya sakin. Ano namang balak ng isang ito?

"Oy, Aiyen ano namang balak mong mangyari?"

"Basta, gawin mo lang ang sabihin ko." Tapos lumapit siya sa lababo at binuksan ang gripo. Bumubuhos naman ngayon yung tubig.

"Ayan na may tubig na." Sabi ni Aiyen. Eh?

"So?" Sabi ko naman.

"Tsk. Anong so? Dali try mong gawing yelo yan. Kung magawa mo, magpapaparty tayo." Biro n'ya naman. Ewan ko kung biro ah, kasi siryoso yung mukha niya.

"O...key?" Sabi ko habang unti-unting nilapit ang kamay ko sa tubig. Hindi ko pa man nadampi yung tubig, ay agad na itong naging frozen. Wow! My ability nga talaga ako! Yehey!

"Waah. My ability nga ako Yen. Yes!" Masaya kong sabi habang hawak ang kamay ni Aiyen, at tumatalon-talon pa ako. Haha ansaya naman pala magkaroon nito.

Nahinto naman ako ng makita ko ang nakakunot na mukha ni Aiyen. Tiningnan ko din ang mga kamay namin. Uh oh. Hehe naging yelo.

"Ehem." Pambasag ni Aiyen.

"Hehe sorry Yen. Ahm aalisin ko na nga diba." At hinawakan ko ulit yung kamay niya. Pero...

"Ahmm. Yen? Bakit hindi ko matunaw?" Sabi ko. Habang hinawakan ulit yung yelo. Hindi talaga natutunaw T.T

"Waaaah, anung ginawa mo Ally? Alisin mo 'yan, namamanhid na yung mga kamay ko." Nagpapanik nadin si Aiyen. Hala paano 'to? Kanina naman natunaw ko yung yelo ah.

"Sorry, hindi ko alam kung paano ulit gagawin." Nagpapanic nasabi ko din.

"Ano bang ginawa mo kanina para matunaw?"

"Hinawakan ko lang ulit."

"Ba't ayaw saakin? Waaah, nilalamig na ako Ally." Pag-aamok niya.

Sinubukan ko ulit, pero wala talaga, ayaw na matunaw nung yelo sa kamay ni Aiyen.

"Tawagin mo sila Namy at Cole, baka matulungan nila tayo. Bilis Ally, habang di pa ako tuluyang naninigas." Panic n'ya ulit. Paano ba naman kasi, kumakalat pala yung yelo na nagagawa ko. Sa oras na mafreeze ko ang isang bagay, hindi lang yung parte na iyon ang mababalot ng yelo, unti-unti itong kakalat. 'Yun ang napag-alaman ko sa mga oras na ito. Waah, nakakatakot din pala ang ability ko kahit papaano.

"Ok, teka, hintayin mo ako dito. W-wag ka munang magyelo." Sabi ko at agad na tumakbo palabas ng cr. Hinanap ko agad sila Namy at Cole. Nasa unahan lang naman ang dorm nila. Nang makarating ako sa dorm nila. Agad kong kinatok ang pintuan. Gabi na kasi, malamang tulog na sila ng mga oras na ito.

The Last Gem [ ON GOING ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon