Chapter 14
Natatawang tiningnan ko si Dex na nakatulala pa rin hanggang ngayon.Parang hindi pa ata nagsi-sink in sa kanya ang sinabi ko.Nakangiti naman ako sa paraan niya ng pagtulala.Hindi ko naman ata siya binigla.
"Uyy!"tawag ko.
Pero nakatulala pa rin siya at maya maya'y kumurap.Mukhang naliwanagan na ata.
"Hindi nga?!"malakas na tanong niya.
Tumango naman ako bilang pagsang ayon at mabilis pa sa alas kwatro niya akong niyakap.
The way he caressed my hair give me a butterfly in my stomach.
Damn!
Kumalas naman siya ng maramdaman na hindi na ako makahinga.
Ngumiti ako ng inam sa kanya at by this time ako naman ang yumakap sa kanya.Kinurot niya pa ng kaunti ang pisngi ko.Masaya naman ako na sa kung anu ano'ng nararamdaman ko ngayon.
Napagusapan din naman namin yung tungkol sa proposal na keneme! Kaya inabot kami ng dilim sa labas.Pero hindi rin nawala doon yung landian namin sa labas.Ito na nga yata ang pinakamasaya kong moment.
"Mark this day, Love!"aniya bago binuksan ang pintuan.
Napagusapan namin na huwag na munang sabihin sa kanila.Ayoko din naman na maging oa ang mga kasama ko sa bahay.
"Nagtagal kayo sa likod ah!"salubong ni Yohan.
Tiningnan ko naman siya at mapanuksong nakangiti."Anong nginingiti-ngiti mo dyan?"taas kilay kong tanong.
Imbes na sagutin ang tanong ko ay tinawag niya sa kwarto si Grace.
Aba!
Natapos ang hapunan ng masaya.Paano kasi nagkukwento sina Kuya Henry at Yohan ng karanasan nila nung bata.
"Happy ka dun?"tanong ni Dex habang naghuhugas ako.
Tumango ako at tiningnan ang nakangusong Dex.
Amp!Ang cute!
"Mas tatawa ka 'pag narinig mo ang experience in life ko."nakanguso pa rin na sambit niya.Kinurot ko na lang ang tagiliran niya dahil nakita kong papasok sa loob ng kusina si tita.
Napailing na lang ako at kinuha sa kwarto ang cellphone ko.
"Hoy Bibi!"malakas na sigaw ni Anne.
Napatalon naman ako at halos maibato ko na ang cellphone sa sobrang pagkagulat.
Tatawa tawa naman siya."Ginulat mo na naman ako!"inis na sabi ko.
Araw araw na lang ginugulat ako ng babae na yun! Ako naman hindi na nasanay na ginugulat.
"Anong nangyari?!"nagaalalang tanong ni Dex at Yohan.
Umiling naman ako at lumabas ng kwarto habang si Anne, namimilipit na sa katatawa.
May araw ka rin sa aking babae ka!
Sinabi ko naman kay Dex ang ginawa ni Anne at pati siya napatawa na lang.Mas lalo naman akong naiyamot ng pati si Yohan ay gugulatin rin ako.
Halos masira na nga ang case ng cellphone ko sa sobrang inis sa kanila.Nahihilo na rin ako sa pag irap.
"Huyy! masisira na 'yang case."biglang sulpot naman ni Grace.
Inirapan ko na lang siya at itinuon ang paningin sa t.v.Narinig ko pang nagsabi si Grace ng 'sungit' pero binalewala ko na yun.
"Hahhaahahaha!!"utas na tawa ko.