Chapter 15

1 1 0
                                    

Chapter 15

Kung mas worst 'yung kagabi, mas lalo na yung ngayon.Paano ba naman matapos nung mga pinaggaga-gawa ni Dex hindi na natapos ang pagkantyaw nila sa akin.

Para silang mga bata na ngayon lang nakakita na nagkacrush ako.

"Hi Mrs. Hernandez!"pakantyaw na bati ni Yohan.

Inirapan ko na lang siya at itinuloy ang pagbabasa.Napangiti naman ako nung naalala yung kagabi.

"Bakit mo naman itinatangi ang relasyon natin Love..?"

Nung siniksik niya pa lalo ako gusto ko nang magpalamon sa lupa.Panay naman ang hagikhik nila at lalo pa kaming dalawa sinisiksik.

Maya maya pa'y nagtanong si Anne  na ikinatahimik ng lahat.

"Kayo na ba?"

Napalunok ako ng sobra at napatungo na lang.Wala pa naman kasi sa plano namin na sabihin yung estado ng relasyon namin.

Napatunghay ako ng maramdamang nakatingin silang lahat sa akin.Marahan pa ngang pinipisil-pisil ni Dex ang kamay ko.

"Kayo na ba, Dex?"ulit na tanong ni Anne.

Nakita ko naman ang pagtingin nila kay Dex na kinakabahan na rin.

"Hindi ko alam kay Janine!"biglang sabi niya kaya napanganga na lang ako.

Ako pa talaga ang isinangkalan!

Mukhang nagiintay din sila ng sasabihin.

Wala naman atang masama kung sasabihin ko sa kanila.Kaso lang ano kaya ang sasabihin ni Tita A pag sinabi ko ang totoo.

Kaya napatingin ako sa gawi nila at nakita naman na masaya siya.

Tumango na lang ako bilang pagsang ayon at nagtalunang parang mga palaka sila.

"Hindi nga!!"hindi makapaniwalang sabi ni Grace.

"Oo nga!"sa sinabi ko ay biglaan na lang akong niyakap ng mahigpit ni Dex.

"Love?!"napabalik ako sa ulirat ng may tumawag.

Napatingin naman ako sa kaharap ko."Bakit?"tanong ko pa.

"Bakit ka ngumingiti dyan?"nagaalalang tanong niya.

"Ahh–Ano maganda lang yung line nito."sagot konat itinuro yung nakatalikod na libro.

Mukhang nauto ko naman siya at sumangayon na lang.Nagulat naman ako ng bigla siyang tumayo.

"Ano gusto mong meryenda?"nakangiting tanong.

Nagisip naman ako at parang gusto ko ng."Carbonara!"sagot ko.

Akala ko oorder siya 'yun pala siya ang magluluto.

Sumunod ako sa kanya at nagulat ng nakahanda na agad ang lulutuin.

"Bilis ah!"puna ko.

Hindi naman siya nagsalita at nauna nang ilaga yung pasta.

Tumingin muna ako sa paligid baka nasa tabi tabi lang si  Yohan at nakikinig.

"Love tuloy pa!?"mahina kong tanong.

Tumango naman siya at hinawakan ako sa balikat."Wag kang magalala settled na lahat."

Nakahinga naman ako ng maluwag.Matagal na talaga namin binalak ang birthday ni Yohan.

Sana sa London ang ganap non kaya nga lang nagkaproblema na ganito kaya hindi namin itinuloy.

Mabuti na lang napagusapan ulit nung nakaraang linggo kahit na nabawasan ng kaunti yung pinag-ambagan namin.

Without ReasonWhere stories live. Discover now