Chapter 12
Henry POV
"Allison diyan ko inilagay sa bulsa!"
Hanggang ngayon makalilimutin pa rin si Allison sa kanyang mga gamit.O baka naman kasi bunganga na naman ang ginamit niya sa paghahanap.
"Nakita ko na!"saad niya bago ipinakita ang susi ng cabinet.
"O baka sabihin mo na naman bunganga ang ginagamit ko ha!"asik pa niya.
Napailing na lang ako sa iniaasta niya.Manang mana talaga sa kanya si Janine na mabunganga.
Pero mahal ko yan!
Lumabas naman agad ako dahil magbibihis na siya.Inihanda ko muna ang kotse'ng pinahiram sa amin ni Dexter.
"Boss!"nagulat naman agad ako sa biglaang pagsulpot ni Dexter at nag alok ng kape.
"Salamat."sagot ko sabay abot ng tasa.
"Pupunta pa ba kayo kina Mr.Santos?"tanong naman niya ng makitang patapos na ako sa pagpupunas.
"Oo raw sabi ni A."sagot ko naman.
Tumango na lang siya at naglakad na papasok sa loob.Sakto naman ang paglabas ni Allison.
Ngumiti na lang ako sa kanya at tinaasan niya ako ng kilay.
Taray!
"Tinatanong pala ni Dexter kung pupunta pa tayo kina Mr.Santos?"
"Oo naman bakit hindi!"sigaw niya pagkapasok ng kotse.
Sungit talaga!
Nagsimula na akong tahakin ang daan palabas ng sitio ng mapadaan kami sa may checkpoint.
"Good afternoon Ma'am,Sir!"bati ng isang officer.
Inabot naman ni Allison ang aming pass at valid id.Kaya nakalampas na kami agad agad.
"Gising na ba si Janine kanina?"biglaang tanong ni Allison sa pagliko sa bagong sitio.
"Oo nakabusangot pa nga ang mukha kanina!"
Turing ko narin kay Janine ay isang anak.Kahit na hindi naman talaga sila nagiimikan ni Allison.
Mabait naman na bata si Janine pero talagang iba ang pakikisama niya kay Allison.Ibang iba sa pakikisama niya sa akin at sa mga kaibigan niya.Ganoon din si Allison kay Janine.
Nang makarating kami sa tapat nang mansyon ng mga Santos agad kaming bumaba.
"Good afternoon,Ma'am Sir!"maligayang bati ng security guard ng mansyon.
Binati rin namin siya pabalik at pinapasok naman kami.
Gaya ng protocol hanggang sa labas lang kami ng tahanan.Nang makita kami ng mayordoma ng bahay iginiya niya kami sa garden ng mansyon.
Naupo naman agad kami at hinatiran ng makakain.
Pagkatapos ng usapan nakipagfist bump na lang kami dahil mukhang ayaw naman niya makipagkamay.Iwas na rin!
"Dumaan tayo sa makikita nating convenient store ha!"saad niya ng paandarin ko na ang makina ng sasakyan.
Dire-diretso lang ako sa pagmamaneho habang si Allison ay kausap ang kapatid niyang si Lana.
Si Lana naman ay nakatira sa Subic tumutulong ito sa negosyo ni Janine na resort doon.
Taga roon din ang kanyang napangasawa na si Miguel.Kaya sa kanya muna ipinagkatiwala ang negosyo ni Janine.