Chapter 01"Tyanak gising na!"si Grace.Kakatulog tulog ko pa lang dahil kakatapos lang din ng exam namin kanina.Hindi ko lang alam kung bakit nandito ang mga ito.
Naalala ko na ililibre nga pala kami ni Grace sa Jco.
"Iwan na natin 'yang si Janine."rinig ko'ng sabi ni Yohan.Napapigil tuloy ako ng pagmulat.
Narinig ko naman'g sinarado na 'yung pintuan kaya bumangon na ako.
"Letseng 'to babangon din pala ayaw pang makita ang sabog niyang mukha!"aniya ni Grace. Nasa harapan ko pa talaga siya at dito tumalak ng tumalak.Tatawa tawa lang naman ako.
Niloko naman ako noong apat na hindi pala sila lumabas.
"Ang arte talaga niya'ng si Janina gusto pa talaga tayong pumunta sa kanila."
"Ang layo layo naman nitong kanila sa bahay natin."
"Sa susunod talaga hindi na ko sasama 'pag nagpunta dito nasasayang pamasahe ko."
Talagang nilalakasan pa niya bawat sinasabi niya, well sadya naman'g malakas boses niyan.
Eh hanga nga kami di yan napapaos.
Lumabas na ako ng banyo para naman wala nang masabi si Grace."Ayun lumabas din ketagal tagal nito sa banyo 'eh manliligo lang naman."sabi pa niya.
"Alam mo Graciana kung pumunta ka lang dito para sumbatan si Janine 'di ka dapat dito pumunta."sabi naman ni Clarisse.Napatingin naman kaming lahat sa kanya.
"Saan naman?"nagtataka naman'g tanong nitong isa.
"Dun ka dapat sumama sa rally, megaphone!"
Tumawa na lang kami sa sinabi ni Clarisse kahit na medyo may halong inis.Eto naman'g si Grace ayun nag-cellphone na ulit sa paborito niyang upuan pero sa ibabaw ng lamesa yun.
Nalaman ko na kaya naman nandito itong apat na 'to kasi plano daw namin pumunta'ng Palawan.
Good luck na lang kung may madudukot ako!
"Ano na Janine sasama ka o sasama ka?"tanong ulit ni Yohan.
"Eh ano pa bang magagawa ko." ngumiti naman ng malapad yung apat sa sinabi ko.
"Pero..."dagdag ko pa.
"Ano na namang pero pero yan?"si Grace.
"Since wala akong gig last night ano.."
Di ko masabi ng diretso eh."Ano na?"
"Ano libre niyo ako."sa wakas nasabi ko din.
"Ay tatawagan ko pala si Mama."si Grace.
"Yohan samahan mo ako bumili ng softdrinks."si Clarisse.
"Cr lang ako 'ah."si Anne.
Nagkanya kanya na sila ng palusot.Pasimple pa nga sila'ng lahat at lumabas.Sumilip pa ako sa bintana at kanya kanya na silang takbo palayo ng apartment ko.
Mga traydor!
Natatawa naman ako sa kanila dahil sa aming apat ay ako itong sinasabihan nila na may bulsa sa balat.