Chapter 06

3 2 0
                                    


Chapter 06

Dumating na naman ang lalaking epal sa bahay at lahat sila nagkukwentuhan sa sala.

Nagtatawanan pa nga sila sa kung ano ang kinukwento nung lalaking epal.

Katatapos ko lang mag-meeting kasama ang ilan naming investor at client sa zoom.Kaya gutom na gutom ako habang pinafinalize ang report na binigay ni Tita Lana.

Tuwing naiisip ko yung sinabi sa kin kagabi ni Mom para talaga akong mahihimatay na maiiyak.

"Yre you're Dad..."

Yun lang yung text niya pero kinabahan na ako agad.Kaya dali dali kong tinawagan si Mom pero hindi naman niya sinasagot.

Nakailang tawag na ako pero hindi pa din kaya sinubukan kong tumawag sa bahay.

Si Manang yung sumagot at halos manlumo ako sa narinig ko sa kanya.

"Janine nagpositive ang Daddy mo.."yun lang yung sinabi niya pagkatawag ko.

Lalo akong nagalala sa kondisyon ni Dad kaya tinawagan ko na din si Kuya Marky at sinabi sa kanya ang nangyari.

Hindi daw siya nakatanggap ng tawag mula kay Mom pero uuwi daw siya agad at titingnan ang kalagayan ni Dad.

Masyado kong inisip ang mga posibilidad na mangyari kay Dad kaya hanggang umaga gising na gising ang diwa ko.

Andaming what if's ang pumasok sa isip ko at parang hindi pa din nagsisink in sa akin ang nangyari.

Bumuntong hininga na lang ako at pinilit na makatulog kahit ilang oras.

Nakarinig ako ng hiyawan sa labas kaya naalimpungatan ako.

Dali dali akong lumabas ng kwarto at pagtingin ko sa sala wala namang tao.

"Yohan..."tawag ko at wala naman nagsasalita.

Dumiretso ako sa likod bahay at nakita ko doon si Grace na natutulog sa duyan.

Naglakad naman ako palabas at nakita ang iilang tao.Nagtaka naman ako kung saan galing yung hiyawan.

Kinatok ko pa yung pintuan baka nasa loob lang sila at nakita ko nga sa kwarto si  Yohan na natutulog din.

Tiningnan ko yung huling kwarto kung saan natutulog si Clarisse at nakita kong nanonod  siya ng Netflix at naka-airpods pa.

Pumasok ako sa kwarto niya at binato ko ng unan.Tumingin siya sa gawi ko at tiningnan ako ng masama.

"Problema mo?!"tanong niya at binato ako ng unan.

Buti na lang at sala kung hindi may sabunot ito sa akin.

"Nasaan sina Tita?"tanong ko.

Nagkibit balikat siya at bumalik na siya sa panonood.

Saan lupalop naman kaya nagpunta sina Tita at ngayon pa naisipang lumayas.Pag talaga kung ano ang nangyari sa labas, hindi ko na alam ang mangyayari sa buhay ko.

'Advance ka masyado'anang ng subconcious ko.

Natatakot naman ako na gisingin yung dalawa baka mamatay ako ng wala sa oras.Sinubukan kong tawagan pero puro out of reach naman.

Umupo na lang ako at binuhay ang t.v.Nakalimutan pa nilang iback ang pinapanood nila at nakapause pa.Isang medical series ito kaya pinlay ko na lang.

Naalala ko naman dati na gusto kong maging isang surgeon.Kaya lang hindi naman natuloy.Hindi pa nga ako nakatatapos ng college eh.

Pano kaya kung bumalik ako sa pag-aaral?

Tanong ng isip ko.Magchechange course naman ako gayo'ng tumigil nga ako para lang matutukan ko ang hilig ko.

Without ReasonWhere stories live. Discover now