Chapter 20

3 1 0
                                    

Hapon na hapon hindi ako tantanan ni Anne sa kakatanong.Naiinis na ako
kanina pa dahil ayaw umalis nang apartment ko.

"Wala ka talagang plano'ng umuwe 'no?"mataray na tanong ko.

Hindi naman siya sumagot at binuksan na lang ang t.v at sitting pretty pa siya sa bago kong biling sofa.

"Sumama ka raw sabi ni tita sa pagsundo"nakangiti pa niyang sabi at lumabas na.

Napabuga naman ako ng hininga nang makaalis siya ng apartment.Nagsimula na rin akong imisin ang kalat para maayos ang lahat.

Mag isa na naman ako!

Nagsimula na rin na magtuluan ng mga luha ko dahil sa iba't ibang naiisip.

3 months!

Tatlong buwan na pero hindi ko pa rin siya kaya'ng ilet go.Bawat gabi para akong tanga na nagdadasal para  makita siya o makausap pero wala.

Kaya pinupursugi ko na lang ang sarili ko na matapos ang kinuha kong kurso.

Oo,bumalik ako sa pagaaral dahil gusto ng magulang ko at gusto ko na rin.

Siguro tama lang na ginawa ko yun.Nagkaroon ako ng bagong pinagkakaabalahan.Yun nga lang,napakahirap pala pag mag isa ka lang.

Mag isa sa bahay,sa lahat ng gawain.Pero patuloy ako na lumalaban para pagdating ng araw may maiipagmalaki ako.

"Ano naman yang dinadrama mo?!"napabalikwas ako ng higa ng biglang pumasok si Yohan.

"Wala,ano na naman'g ginagawa mo rito lagi ka na.Wala ka bang trabaho?"

Umiling lang siya at umupo.Siya lang sa magkakaibigan ang palaging nakatambay dito sa apartment.Ewan ko ba kasi simula ng makagraduate si gaga palagi na 'yang nandito.

"May dala pala akong pagkain!"sabi niya at tumayo nagpapuntang labas.

Tuluyan na nga akong tumayo at pumunta ng kusina.Dumating naman agad si Yohan at may dalang carbonara.

Nagligpit na agad ako ng pinagkainan at itinaboy na siya kahit na talagang papasok na siya sa trabaho.

Pagkatapos ko roon agad agad na rin akong nagayos dahil may oc pa ako mamaya.

"Miss okey na po ba yung sa report ko?"nagaalinlangan kong tanong nang makapasok sa zoom.

Nagthumbs up lang siya at nakahinga naman ako ng maluwag.Super hectic ng schedule ko kaya kailangan ko lagi ng time management para magawa lahat.

Inayos ko na lahat ng gamit ko gaya ng ballpen,highlighter,notebooks at ilang libro para sa subject ko.

'Anaphy' yung first subject ko kaya tutukan ako sa pakikinig.Yeah,kumuha ako ng premed.

Two hours rin akong nakinig at nagjot down.Kaya naman dahan dahan akong tumayo dahil napakasakit ng pwet ko.

Inayos ka na lang ulit yung gamit ko at pinalitan yung notes ko at ilang libro dahil iba naman'g subject ang sunod pero meron naman akong ilang minutong pahinga.

"Bakit kaya?"napatanong na lang ako sa aking sarili ng makita'ng nakasampung missed calls si Anne.

Agad ko naman'g idinaial ang number niya at sumagot naman.

"Bibi si Alex kasi..."

----

"Hanapin mo please?"pagmamakaawa ko pa.

Kanina ko pa kasi hinahanap yung card holder ko.

Kainis!

"Ma'am Alex nakita ko na po"napahinga naman ako ng maluwag ng makitang hawak ni Dianne yung violet na card holder ko.

Without ReasonWhere stories live. Discover now