Chapter 05

9 2 0
                                    


Chapter 05

"Masayang masaya ka ah?"nanggagalaiti kong tanong sa tawang tawa na si Anne.

Kumukulo pa rin talaga ang dugo ko sa kabuangan niya.

Yumakap naman agad siya."Wala.Bakit masama?"

Inalis ko na lang ang kamay niya na nakapulupot sa akin at umupo na lang.

"Ayusin mo ang paghalo."

Akala mo walang buto sa paghalo.Pabebe lang.

Kailan nga ba huling nagluto si Anne?
Jusme noong isang taon pa.Halos masunog buong bahay namin sa sarap niya magluto.

"Bi.."tawag niya.

Napatingin ako sa kanya.Humarap naman siya sa akin.

"Huwag mo na lang sabihin sa kanila yung nangyari kahapon."mahinang sabi niya bago tumabi sa akin.

Gusto ko siyang kutusan at kuritin.Sinasabi na nga ba.

Napabuga na lang ako ng hininga."Bi kapag pupwede nang umuwi.Doon tayo unang didiretso maliwanag."paninigurado ko.

Sumangayon naman siya.Inihanda na rin namin ang mga pagkain.Kailangan namin'g magusap tungkol sa pag-stay  rito.

Kumain na lang muna kami.Hindi rin lalo natuloy ang paguusapan namin.Puro kalokohan sila.

"Ala bahala na si San Pedro sa akin."tawang tawa na sabi ni Grace sabay tingin at turo sa taas.

Nagbabalak kasi sila na pumunta sa may ilog dito kaso bawal naman.Ngayon naghahanap sila ng madadaan na hindi sila mahuhuli.

Umalis na lamang ako.Kailangan ko pang i-summarize lahat ng report.

Hyacinth

Goods naman lahat.Huwag na kayong magalala about the recent accident.Naayos na naman namin yon.

Nagsent naman agad ang message ko.Ang hirap pag maghina ang signal.

"Kailan pala ang kabit ng internet connection?"tanong ko sa katabi ko.

Napatingin naman siya sa akin.Lagot ako nito at na istorbo ko siya sa kanyang ginagawa.

Masama tuloy ang tingin."Baka daw mapapasok sila bukas."sagot niya.

"Bakit ba pinutol?"tanong ko ulit.

Napatingin na naman siya sa akin.Nagpeace sign na lang ako.

"Kamalayan ko roon."pabalang niyang sagot at lumabas na.Naiwan tuloy akong nakatunganga.

Masama ang tingin nila sa isa't isa.Hindi man lang kumukurap.Napahilig na lang ako sa hamba ng pinto.

Palipat lipat ang tingin ko sa kanila.Hindi alam kung sino ang nauna o sino ang may kasalanan.Nilapitan ko yung dalawa at tiningnan mula ulo hanggang paa.

"Sinong may kasalanan?"

Nakita ko kung paano napalunok si Yohan sa tanong ko.Napayuko naman si Clarisse.

Walang mangyayari sa tanong ko kung hindi magsasalita ang mga ito.

Lumipat  ako kay Tita A at Kuya Henry pero pumasok lang sila sa kwarto.

Patay ka sa aking Anne ka ikaw ang pupuntiryahin ko ngayon.

Naglakad ako palapit sa kanya at paurong ng paurong naman siya.Binilisan ko ang lakad ko at binilisan niya din ang pag-urong.

Without ReasonWhere stories live. Discover now