Chapter 10

4 1 0
                                    


Chapter 10

"Gagi hanap ako ng hanap sayo!"sabi ko sabay hampas sa braso ni Yohan.

Napa-ouch na lang siya sa akin.

Paano ba naman kasi sabi niya dito kami sa tapat ng supermarket magkikita yun naman pala doon pa sa may kabilang supermarket.

Niyaya ko na siya papunta sa bahay nina Anne.Dahil ang Annastasia na yun may pagtatampo pa'ng nalalaman.

Kaya kailangan ko pa'ng suyuin ng research paper, para mawala ang tampo.

Napailing na lang ako sa kadayaan.

"Pag may dala ka'ng research sa buss-math di na ako magtatampo sayo!"

Naalala ko na  naman ang sinabi niya kahapon.

Tumawag naman siya sa akin.At nag-sorry na ako pero may pa-kondisyon pa siya na nalalaman.

"Dadaan pa ba tayo sa shop?"tanong ni Yohan ng makasakay kami sa terminal.

"Oo."sagot ko naman.

Tinutukoy niya pa yung sa boutique shop ni Tita A.

Pagkababa namin naglakad na agad kami sa subdivision nila.

Yayamanin!

"Marami na rin pala na nakatira dito!"sabi ni Yohan ng makita ang ilan sa may ari ng bahay na nasa harap.

"Oo nga ano."pagsangayon ko sa kanya.

Dati kasi para talagang ghost town itong street na to.Pero ngayon dahil sa maayos na security marami rami na rin ang kumukuha ng lote.

Napatingin naman ako dun sa puno ng mangga.Kung saan nahulog si Yohan nung bata bata pa kami.Natatawa na lang ako habang inaalala yun.

Nakita naman ni Yohan kung saan ako nakatingin kaya hinampas niya ako a braso.

Napa'aray' ako sa lakas ng hampas niya.Hahampasin ko na sana siya ng nagtatakbo na agad siya papasok ng bahay nina Anne.

"Yohan humanda ka  talaga sa akin.Gaganutan na kita!"malakas na sigaw ko pagkaakyat ng hagdanan.

Feel at home kami dito.Kaya kahit maglabas masok okey lang kina Tito't Tita ganun na din sa mga maids nila.

Family kami kaya 'oks daw'.

"Bibi..."tawag ko dahil ang babaita nagmo-mobile games na naman.

Lumingon lang siya at tinapik ang upuan na katabi niya.Bumeso lang ako at inabot na ang pa-peace offering.

May pagngiti pa siya sa akin at tinatanong talaga ang puntirya ko.

Nang makita si Yohan sinampal ko talaga siya ng inam at naglakad na papunta sa shop ni Tita A.

Nag-text pa nga si Yohan ng 'Take Care.Mabangga ka sana'.

Umiling na lang ako at dumiretso sa may overpass.

"Tita!"tawag ko ng makapasok.

Wala namang umiimik kaya dumiretso na lang ako at nagpunta sa cr baka sakaling nandun siya.

Nabuhayan naman ako ng loob ng makitang kalalabas niya lang galing doon.

"Tita bakit mo naman iniiwanan na bukas ang shop!"

Panay pa rin ang punas niya sa mga paninda niya at hindi iniintindi ang sinasabi ko.

"Titaaaa"pakanta ko nang sabi dahil nayayamot na ako.

Without ReasonWhere stories live. Discover now