Iniligpit ko na lahat ng gamit ko at ready to go na lang!Sabi ni tita na before 3 nasa airport na daw kami.Kaya naman dali dali na akong nagaayos kagabi pa lang.
Speaking of kagabi.
Ayun hindi mawala sa isip ko yung narinig ko sobrang daming 'if's' ang naiisip ko.
Hindi ako pinatulog nun.But my heart said"Baka naman friend niya lang yas yun ang tawag nila"
Yung subconcious ko pagod na siguro kaya nakatulog ako ng ilang oras.Nagising naman ako ng tumawag si tita at sinabi nga yun tapos nagparoom service na lang ako ng pagkain.
"Iaabot ko na lang mamaya!"sabi ko ng kumatok si Yohan dahil hiniram ko yung camera niya.
Umupo na lang ako at chineck ang ig ko at wala namang messages notif's lang about sa reacts sa last na pinost ko.
Sillhoutte ko lang naman yung pinost ko at hindi ko akalain na umabot ng 50k yung reacts dami rin'g nagcomment about dun.
I 'thanked' them na lang at ilan yung nireactan ko.Napatigil lang ako sa pagre-react ng mabasa ko yung isang comment.
'Para anino inabot ng 50k wtf!!'napailing na lang ako at tiningnan na lang ang fb ko.
Hindi na naman big deal sa akin ang ganon saka i have strong mentality naman kaya no react ako sa ganon.
Bahala siyang mainggit
Naka-oversized shirt lang ako nung bumaba at parang tanga si Yohan dahil umakbay pa sa akin.
Tinaasan ko na lang siya ng kilay at tatawa tawang umupo.
"Dapat nagsabi ka na ganyan ang sout mo para nagbra na lang ako!"saad pa niya at uminom ng tubig.
Tatawa tawa naman sina tita sa sinabi ni Yohan at kumain na rin.Sanay lang talaga ako na ganon ang suot kaya comfortable na sa akin kahit may ibang nakatingin.
Sabi nga ni Grace."Hayaan mo na mga yan hindi lang sila biniyayaan ng mahabang biyas!"
"Sino daw susundo sa atin?"napatigil naman ako sa pagsubo ng magtanong si Clarisse.
"Si Miguel.."sabi lang ni tita at napanganga ako.
"Umuwi na si kuya?!."excited pa na tanong ko.
Tumango lang si tita at hindi ko mapigilan ang excitement sa sinabi niya.Halos ilang years rin na umalis si kuya at hindi ko na siya nakita simula noon.
Pero alam ko na bawat okasyon nandoon siya hindi nga lang nagpapakita.
Napatalon naman ako sa buhanginan ng may humawak sa beywang ko at si Dex lang pala.
"Akala ko kasama ka ng mama mo?"gulat kong tanong.
"Kay Baba na siya nagpasama."
Napatango naman ako at nalungkot dahil wala na!.
"Masaya ka naman diba?"napalingon ako ng magtanong siya.
Masaya nga ba ako?ganon na lang rin ang pagtanong ko sa aking sarili.Deep inside alam kong masakit at nakakapanlumo.
Pero ano ang magagawa ko kung yun ang kailangan."Oo"sabi ko at pumekeng ngiti.
Ayun na naman ang katahimilan na namumutawi sa amin.Alam ko na kahit anong dasal ng gawin ko hindi na noon mababago ang tadhana.
Hanggang dito na lang talaga.Naaawa rin ako sa sarili ko at sa maiiwan namin kung magpapatuloy pa kami kaya pinilit namin na putulin na.
"Tara na!"aya ko sa kanya at marahan pa siyang hinila papunta ng kotse.