Chapter 02
Sunod na pinuntahan namin nang araw na iyon ay ang, Puerto Princesa Underground River.
Naalala ko pa noon na gustong gusto ko makapunta dito.Umiiyak talaga ako tuwing bakasyon kapag hindi kami natutuloy dito.
Busy kasi parents ko.Pero ngayon iba na.Tamang time management na lang ako at money making.Shala.
Tatawa tawa pa ako sa kung ano na naman ang naisip ni Anne na kalokohan.Takot daw kasi si Yohan sa mga paniki.Sakto naman na malapit na kami.
Sa kabilang bangka naman sina Tita A at Kuya Henry kasama yung nagpapagana ng bangka at ilan pang turista.
Nagsuot na din ako ng bikini sa loob incase na ma-tripan naming lumangoy.
Habang nagsasagwan si Kuya tingin ako ng tingin sa taas.Baka sakaling makakita ako ng mga paniki.
Tapos yung isa na takot sa paniki nakapikit na.
May dala rin silang flashlight kasi masyado 'raw madilim sa loob.Malalaki yung mga paniki habang tulog sila pero yung iba paikot ikot, namangha naman ako sa ganda nito sa loob.
As in napanganga ako!
Naglolokohan pa kami kasi muntikan nang tumaob yung bangka dahil sa sobrang takot ni Yohan.
Otw na kami sa food park.Nandoon na daw kasi lahat, hindi kagaya doon sa mismong plaza na ilan lang ang mga stall.
Inenjoy ko lang ang pamimili.Gusto kasi namin na matchy matchy kami pauwi.Bumili lang ako ng souvenir's saka ilang delicacies nila.
"Bibi, ano ang ibibigay mo kay ate?"si Anne.May kapitbahay kasi kami na friend namin.Balak namin siyang bigyan.Kaso sabi niya gusto daw noon ng cashew nuts.
"May iba't iba daw kasi itong flavor."sabi pa niya.
"Wag ka nang magisip.Bilhin mo na lang lahat ng flavor."suhestiyon ko.
"Bibi mabigat po magdala."reklamo naman niya.
Napakamot na lang talaga ako ng ulo."Okey akin na yung roasted, at saka dito sa dalawa.Ikaw na bahala diyan sa iba."
Hinug niya pa ako.Ginala ko naman ang paningin ko dahil gutom na ako kanina pa.At sa minamalas ka naman na pagkakataon.Nakita ko pa yung lalaking epal.
Naalala ko pa ang nangyari sa akin kahapon.Doon pa talaga sa harap niya ako natalisod.Ewan ko ba kung bakit ako natalisod doon.O baka sadya niya akong tinalisod.
Tinulungan niya naman ako pero noong tinanong ako ng ilang driver ng trike ang sabi niya.
"Akala kasi niya ay nasa tabing dagat pa siya nangunguha ng peras."Tatatawa tawa na lang tuloy ang mga driver doon.Kung wala lang talaga'ng mga tao doon baka nabigwasan ko na siya.
Kapag talaga naaalala ko iyon sumasama ang ihip ng hangin.
"Kuya parang nakita ko na."si Yohan.Tinuturo niya ang mamihan na gusto namin puntahan dahil sikat daw iyon dito.
Napansin ko na naman tuloy iyong lalaki na may kung ano ang kinukuha sa bawat stall.Nangmomodus ata.
Lumiko naman agad kami kaya hindi ko na siya napansin pa.Marami masyadong tao pagkarating namin.Mabuti na lang may kakilala dito si kuya kaya sa taas kami pinapunta.Maliit lang ng kaunti yung pwesto nila pero madami ang kayang iaccomodate."Hala alam ko na pala 'to."nagtinginan naman kaming lahat sa nagsalita.
"Ala ito nga yung pinuntahan ng mga mame noon!"manghang mangha na sabi ni Anne.
Napakamot na lang kami ng ulo habang umoorder.Nag small lang ako since hindi pa naman ako nakakatikim."Masarap ba?"napatingin naman ako sa nagtanong.Hindi ko nga din alam ano ang lasa.